Mabuhay ang Anakpawis! Ibagsak ang Rehimeng US-Duterte! -- NDF-Panay
Puno ng pagpupuri at pagrespeto sa lahat ng manggagawa sa kalunsuran at kanayunan, mga magsasakang masipag na nagbubungkal ng lupa, mga contractual worker, mga maralitang lunsod, mga mababang-inkam na propesyunal at iba pang manggagawa na nakikibaka at nagpupunyagi! Ang unang araw ng Mayo ay ini-aalay sa lahat na manggagawa sa buong daigdig bilang pagkilala sa pinakamahalagang papel ng manggagawa sa lipunan at buhay ng sangkatauhan.
Dito sa Pilipinas ipinagdiriwang ang araw na ito ng mga manggagawa, magsasaka at iba pang anakpawis para maipahayag ang kanilang gipit na kalagayan at magdemanda ng kanilang mga karapatan tulad ng kasigurohan sa trabaho, makatarungang sahod, paborable na mga kondisyon sa pagtrabaho, nakasasapat na mga benepisyo, tunay na reporma sa lupa at libreng edukasyon at serbisyo sosyal.
Kagaya ng lahat na nagdaang mga rehimen walang maaasahan ang mga anakpawis sa Pilipinas mula sa mata-pobre at malupit na rehimeng US-Duterte. Ilang ulit nang ipinakita ni Duterte mula mismo sa kanyang bibig at kilos ang pagkasuklam at galit sa mga anakpawis. Masobra 30,000 na ang brutal niyang pinatay sa ngalan ng gyera sa droga kung saan 99% nito ay mula sa mababa at mahihirap na uri. Sa gitna ng oposisyon ng mga drayber at opereytor sa jeepney phase-out ang sagot ni Duterte ay ang ë magutom kayo kung magutom, wala akong pakialamí. Sa gitna ng krisis sa COVID19 nang nagpahayag ang mga mahihirap na gutom na sila dahil ipinagbabawal ng lockdown ng gobyerno na silaíy makapagtrabaho, ang order ni Duterte sa kanyang mga kapulisan ay ang ëkill them all, shoot them deadí.
Patuloy ang kanyang pananakot na ipatutupad ang martial law kung magpapatuloy ang pagkatalo ng kanyang mga sundalo laban sa NPA. Pero ang direkta niyang pinagbabantaan ay ang mga ligal na demokratikong organisasyon ng mga mahihirap at anakpawis. Ngayong araw ng Abril 30, tinupad ng berdugo ang kanyang banta sa pamamagitan ng pagpatay kay Jory Porquia, isang organisador ng Bayan-Panay na nagtatrabaho para sa kapakanan at kabutihan ng mga mahihirap.
Ang mga manggagawa, magsasaka at iba pang nagtatrabaho at sambayanan ay hindi matitinag sa duwag at patraidor na pamamaslang ng pasistang rehimeng Duterte. Daan-daang taon nang nananalaytay ang rebolusyonaryong tradisyon at diwa ng masang Pilipino laban sa pananakop, pagsasamantala at pang-aapi. Ang uring manggagawa at magsasaka ang mayor na nakipaglaban sa kolonyalistang Espanyol, kolonyalistang US at pasistang Hapon.
Sa kasalukuyang pambasa-demokratikong rebolusyon ng mamamayang Pilipino ay may Partido ng proletaryado na namumuno at nasa unahan, may Bagong Hukbong Bayan ng magsasaka, manggagawa, kabataan at iba pang sinasamantalahan at inaapi at may nagkakaisang prente na siyang pinakamalapad na pagkakaisa at pagsama-sama ng minilyong Pilipino laban sa imperyalistang US at kanyang papet na rehimen. Walang pinakabrutal, pinakademonyo at pinakamakapangyarihang poder ang makapapaluhod sa minilyong mamamayan na determinado at pursigido na pabagsakin at lupigin ang paghaharing US-Duterte.
Saludo sa mga manggagawa, magsasaka, lahat na nagtatrabaho at anakpawis na magiting na naninindigan sa ating karapatan at paglaban sa diktaduryang Duterte!
Ibagsak ang rehimeng US-Duterte!