Matatag K-10 curriculum ni Sara Duterte, kolonyal, anti-demokratiko at sagka sa pagpapalaya sa kaisipan ng kabataan
Kabalintunaang sa mismong buwan kung kailan ginugunita at binibigyang halaga ang wika ay siya ring okasyon kung kailan ipinabatid ng DepEd sa taumbayan na tinanggal na nito ang “mother tongue” (kinamulatang wika ng mag-aaral) sa bagong kurikulum na Matatag K-10. Ito ang isa sa mga mayor na pagbabago sa kurikulum na ayon sa paliwanag ng ahensya ay dumaan sa 70% decongestion o pagbabawas ng mga aralin. Sisimulang ipatupad ang bagong kurikulum sa 2024 subalit ipa-pilot na o susubukin sa mga piling lugar ngayong taon upang maagap na matukoy ang mga posibleng isyu rito.
Mayor na programa ng kalihim ng DepEd at bise-presidente na si Sara Duterte ang Matatag K-10 curriculum. Ipinipresinta ang kurikulum bilang tugon ng ahensya sa napakababang kalidad ng edukasyon ng bansa. Sa pag-aaral ng World Bank ay inilarawan ang karukhaan sa pagkatuto (learning poverty) sa Pilipinas sa kabiguan ng 91% ng mga estudyante na unawain ang binabasang tekstong naka-ayon ang laman sa kanilang edad o age-appropriate text. Sa suri ng DepEd, masyadong mabigat ang kasalukuyang kurikulum para sa mga estudyante at gurong Pilipino kayaÕt nakumpromiso ang pagkatuto lalo na sa larangan ng pagbabasa at problem-solving sa math.
Mayroon mang lohika at katwiran sa isinusulong ng DepEd, sekundaryo lamang ito sa mas malalaking problema sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas na dapat ding pagtuunan ng pansin. Kung tutuusin, malaon na ang kritisismo sa kurikulum ng K-12 at talagang napapanahon nang tasahin at baguhin ito. Maraming nakikiisa na dapat baguhin ang kurikulum ng batayang edukasyon, subalit ibang usapin pa ang pagsusuri sa mga pagbabagong ginawa rito ng DepEd.
Mayor na usapin, at hindi dapat ipagkibit-balikat, ang ginawa ng DepEd na pagtatanggal sa asignaturang Òmother tongueÓ sa K-10. Mahalaga ang pagtuturo ng Òmother tongueÓ upang masiguro ang pagkatuto ng bawat bata. Napatunayan na sa napakaraming pag-aaral na mas mahusay na natututo ang tao sa wikang pamilyar sa kanya. Ang bastang pagpapataw ng banyagang wika sa isang mag-aaral ay maaari pang maging hadlang sa pag-unawa sa mga aralin.
Dagdag pa, ang pagtuturo sa mga lokal na wika ay aktibong pamamaraan upang patuloy na mapagyaman ang mga ito. Tandaang ang bawat wikaÕy sisidlan ng pamanang kultura ng isang grupo ng mamamayan, kayaÕt dapat pahalagahan ang bawat isa. Ipinaglaban at pinagsumikapan ng mamamayan ang pagpepreserba sa mga wikang ito sa kabila ng ilandaang taong pananakop ng mga dayuhan at pambubusabos sa ating sariling wikaÕt kultura.
Isa pang problema sa Matatag K-10 ang pagsasanib ng Araling Panlipunan sa MAPEH sa ilalim ng bagong asignaturang Makabansa. Taliwas ito sa pagkikintal ng diwang makabayan na bukambibig ng DepEd dahil iiksi ang oras na laan sa pag-aaral ng lipunan at tiyak na mababawasan ang mga paksang lalamnin nito. Higit pang lalabo ang pag-unawa sa kasaysayan dahil sa panganib na maging pangkalahatan at palabnawin ang pagtuturo nito para pumasok sa takdang limitadong panahon. Magsisilbi ito sa proyektong baguhin ang pagkakasulat ng kasaysayan ng mga Marcos at Duterte para linisin ang kanilang pangalan at burahin ang kanilang mga krimen sa gunita ng bayan.
Hindi rin malulubos ang pag-aaral ng mga bata sa sining. Pahapyaw na nga itong itinuturo sa balangkas ng pagsasama ng apat na mayor na aralin sa MAPEH ay lalo pa itong pabababawin. Sa pagsasantabi sa araling panlipunan at sining sa kurikulum, pinagkakaitan ang mga estudyante ng pagkakataong hasain ang kanilang kakayanan sa kritikal na pagsusuri at pagpapahayag ng kanilang saloobin.
Nakababahala ang pagpapasok ng DepEd ng tinatawag nitong Òpeace activitiesÓ sa Matatag K-10. Bilang sagad-saring pasista ni Duterte at Marcos pinatitindi ng mga ito ang pag-iinstitusyunalisa ng hibang na anti-komunistang kaisipan sa loob mismo ng mga primaryang paaralan. Tiyak na isasalaksak nito ang mga ÒaralingÓ inimbento ng pabrika ng fake news na NTF-ELCAC. Lason sa isip ang nilalaman nito kung saan dinedemonisa ang pakikibaka para sa karapatan at demokrasya. Ipinipinta rin ang mga progresibong grupo bilang mga terorista o banta sa bayan. Basurang kaalaman mula sa fake news at itim na propaganda ang isasaksak sa isip ng kabataan.
Kung kayaÕt sa huling pagsusuri, hindi kayang ipagkaloob bagkus ay hahadlangan pa ng Matatag K-10 curriculum ang kahilingan ng kabataang Pilipino para sa dekalidad na edukasyong magpapalaya sa kanilang kaisipan mula sa kamangmangan. Kinukupot ng Matatag K-10 ang pagkatuto ng kabataan sa itinakda ng reaksyunaryong gubyerno at imperyalismong US na minimum na kailangang kalaaman upang sa hinaharap ay maging mga bulag na tagasunod silang manggagawa at mamamayan. Mga manggagawang hindi pumapalag sa pagsasamantala, hindi nagrereklamo sa barat na pasahod at pinakamahalaga, hindi nag-uunyon. Mga mamamayang kimi at walang kapasyahang lumaban sa imperyalismong US at mga naghaharing uri kahit na walang habas ng mga itong dinadambong ang yaman at niyuyurakan ang kalayaan, soberanyaÕt patrimonya ng bansa.
Ayon sa DepEd, pinangalanang Matatag ang bagong kurikulum dahil maghuhulma umano ito ng ÒmatatagÓ na mamamayang Pilipinong kayang lampasan ang kasalukuyang malalang krisis sa daigdig at sa loob ng bansa. Mabulaklak na mga salita, subalit sa likod nitoÕy malinaw ang pagtataguyod ng kurikulum sa kasalukuyang malakolonyal at malapyudal na lipunang Pilipino. Pinatatatag ng bulok na sistema ng edukasyon ang naghaharing reaksyunaryong estado sa pamamagitan ng pagkakait ng sapat na kaalaman at pagkontrol sa isip ng mga kabataan.
Hindi maasahang iluwal ang isang tunay na mapagpalayang edukasyon sa ilalim ng kasalukuyang mapang-aping sistema. Naniniwala ang ARMAS-TK na para tunay na lumaya at makamit ang buong potensyal bilang tao, kailangan ng mga kabataan ang isang pambansa, siyentipiko at makamasang edukasyon. Ito ay edukasyong nagtuturo sa kabataan na mahalin ang kanilang bayan at gamitin ang lakas at talino para paglingkuran ang sambayanan. Edukasyong magtuturo sa mga kabataang hawakan ang tungkuling ipaglaban at pandayin ang isang tunay na malaya at masaganang lipunang nagsisilbi sa lahat ng mamamayan.
Tanging ang pambansa demokratikong rebolusyon sa pamumuno ng Communist Party of the Philippines ang makagagarantiyang tatamasahin ng mga kabataang Pilipino ang karapatan sa pambansa, siyentipiko at makamasang edukasyon. Upang magtagumpay sa pakikibaka, dapat buong sigasig na gawin ng mga rebolusyonaryoÕt progresibo ang lahat ng pagsisikap upang imulat ang pinakamalawak na mamamayan sa linya ng pambansa demokratikong kultura at edukasyon bilang epektibong paraan upang labanan ang mapanupil, kolonyal at komersyalisadong edukasyong pinalalaganap ng rehimeng US-Marcos-Duterte.