Kaisa ng Bienvenido Vallever Command-NPA Palawan ang buong sambayanan sa selebrasyon ng ika-55 anibersaryo ng New People’s Army. Sama-sama nating ipinagdiriwang ngayon ang pagkakatatag ng NPA. Ang araw ng Marso 29, 1969 ay naging simula ng armadong pakikibaka ng mamamayang Pilipino sa pamumuno ng muling tatag na Communist Party of the Philippines (CPP) at nagpatuloy […]
Muling iginagawad ng mamamayang Palaweño, ng nakikibakang maralita, magsasaka at katutubo, at ng buong kilusang rebolusyonaryo at mga yunit ng BHB sa Palawan ang pinakamataas at natatanging pagkilala at pagpupugay kay Jose Maria Canlas Sison (JMS): ang ating dakilang komunistang guro at bayani ng rebolusyong Pilipino. Ang napakayamang legasiya at ang mga di-matatawarang naiambag ni […]
Sa paggunita ng ika-160 taong kapanganakan ng magiting na bayani ng masang anakpawis at isa sa mga tunay na anak ng bayan na si Gat Andres Bonifacio, muli nating sariwain ang diwa ng kanyang pagmamahal sa bayan at sa kanyang adhikain para sa pambansang kalayaan at demokrasya. Karugtong ng dakilang rebolusyong 1896 nina Bonifacio ang […]
Sampu ng buong kilusang rebolusyonaryo sa Palawan, nagpupugay ang National Democratic Front-Palawan at lahat ng yunit ng Bienvenido Vallever Command-NPA Palawan sa dakilang buhay ni Josephine “Ka Sandy” Mendoza. Si Ka Sandy ay isang dakilang pinuno at gabay ng rebolusyon sa Palawan. Sa rehiyong Timog Katagalugan, tumayo siyang ikalawang pangalawang kalihim ng Partido, at sa buong bansa bilang kagawad ng Komite Sentral. Pumanaw siya sa sakit noong Nobyembre 10, sa edad na 59.
Nangangarap nang gising ang rehimeng US-Marcos II sa pagdedeklarang ‘insurgency-free’ ang probinsya sa pagbubukas ng National Peace Consciousness Month kahapon, Setyembre 1 sa Puerto Princesa City. Ipinagmalaki ni Marcos II ang tagumpay umano ng gubyerno, ng AFP at ng NTF ELCAC sa pagsugpo sa rebolusyon sa Palawan at buong bansa at na nalinis na umano […]
Peke, hungkag at ipokrito ang alok ng rehimeng Marcos II na amnestiya para sa lahat ng miyembro ng New People’s Army habang walang-patlang ang inilulunsad nitong militarisasyon sa buong bansa na naghahatid ng pinakabrutal na pag-atake at paglabag sa karapatan ng mamamayan. Sa loob pa lamang ng isang taong pag-upo sa poder, naitala ang 97 […]
Mariing tinututulan ng BVC-NPA Palawan, kaisa ng mamamayang Palaweño, ang pagkukunsidera sa lalawigan bilang ideyal umanong lokasyon para pagtayuan ng pasilidad ng small modular reactor (SMR) bilang solusyon sa kakulangan ng kuryente at enerhiya sa bansa. Ang SMR, isang anyo ng plantang nukleyar, na inilalako ay hindi estableng enerhiyang nukleyar, hindi pa napatutunayan ang epektibidad, […]
Sa okasyon ng Linggo ng Pambansang Pag-alaala sa mga Martir ng Rebolusyong Pilipino, iginagawad ng Bienvenido Vallever Command-NPA Palawan, kasama ang buong rebolusyonaryong kilusan sa Palawan, ang pinakamataas na parangal, pagsaludo at pagpupugay kina Kasamang Benito “Ka Laan” Tiamzon at Wilma “Ka Bagong-Tao” Austria-Tiamzon, mga dakila at kapita-pitagang lider ng Komite Sentral ng Partido Komunista […]
Mariing kinukundena ng Bienvenido Vallever Command-NPA Palawan ang kasalukuyang nagaganap na Balikatan Exercises sa South China Sea sa pagitan ng mga mersenaryong tropa ng imperyalismong United States, Pilipinas at Australia. Nagsimula ang pagsasanay militar noong Abril 11 na magtutuluy-tuloy hanggang Abril 28. Ito ang pinakamalaking pagsasanay militar sa buong kasaysayan na inilunsad sa rehiyong Indo-Pasipiko […]