Pahayag ng Kabataang Makabayan-Eduardo Aquino sa pagkatatag nito
Ilang dekada nang nakaukit sa kasaysayan ng bansa ang militanteng pakikibaka ng mga abataan kasama ang sektor ng mga manggagawa’t magsasaka laban sa mperyalismo, pyudalismo, at burukrata-kapitalismo.
Ngayong napapasailalim muli ang Pilipinas sa kamay ng rehimeng US-Marcos at sa kaliwa’t kanang krisis Pampolitikal at pang-ekonomikal, tinatawag tayo ng Inang Bayan upang buong-pusong tumanggap ng mas malaking responsibilidad para wakasan ang. mga ito. Bilang tugon, taas-kamao naming ipinapahayag ang pagkatatag ng panibagong balangay na Kabataang Makabayan-Eduardo Aquino.
Si Eduardo Aquino ay isang bayaning namulat mula sa mga anti-imperyalistang pagkilos noong panahon ng Vietnam War at mula sa masang kanyang inorganisa sa kanayunan. Dahil sa kanyang mas kritikal na suri sa kalagayan ng mga pinagsasamantalahan, siya ay humawak ng armas at inangat ang kanyang pakikibaka sa pinakamataas na uri nito. Sa kabila ng pasismo sa panahon ng Batas Militar, ipinagpatuloy niya ang kanyang pakikipaglaban hanggang sa kanyang huling hininga.
Sa pangunguna ng Partido Komunista ng Pilipinas na ginagabayan ng Marxismo- Leninismo-Maoismo, palalakasin ng KM-Eduardo Aquino ang alab ng diwang makabayan mula sa mga silid-aralan hanggang sa kanayunan. Buong tapang na ipagpapatuloy ang sinimulang laban nina Bonifacio mula sa lumang tipo at Aquino mula sa bagong tipo. Kikilalanin at pararangalan ang kanilang kabayanihan at kadakilaan at gagawing halimbawa kung paano mamuhay bilang isang rebolusyunaryo.
Sa pagharap natin sa patuloy na lumalalang krisis ng bansa, malinaw na iisa lamang ang solusyon: digmang bayan. Nararapat na isulong at paigtingin ang digmaang bayan hanggang sa makamit ang tagumpay. Ang tagumpay na makakamtan ay tagumpay ng bayan para sa tunay na demokrasya.
Kabataan, lumahok sa demokratikong digmang rebolusyon!
Sumapi sa Bagong Hukbong Bayan! Viva CPP-NPA-NDF!