Takot na takot si Duterte sa Taumbayan -- NDF-Panay
Ang NDF-Panay at lahat ng rebolusyonaryong pwersa sa rehiyon ay malakas na kumokundena sa patraidor na maniobra ng pasistang rehimeng Duterte sa pagpasa ng Anti-Terror Bill.
Terror bill ang tawag ng mga netizens sa pansahog ng tambak ng mabagsik na mga anti-mamamayang polisa at batas ni Duterte. Sa apat na taon ng kanyang teror na paghahari dumadami ang naiipong brutalidad at kalupitan laban sa mamamayan. Apektado ng kanyang diktador na pamamalakad ang lahat na indibidwal sa bansa ñ sa ekonomiya, politika, sosyal at kahit sikolohikal ñ maliban sa kanyang mga pamilya, kroni, ang mersenaryong AFP at PNP at mga sunud-sunorang aparato ng estado.
Napakalinaw na itong malaking panginoong maylupa, malaking burgesyang tirano ay dustang-dusta sa mamamayang Pilipino, nasusuklam at galit sa kanila at umabot sa puntong patayin ang higit sa 30,000 na mamamayan na ang kalakhan ay galing sa nakababa’t maralitang uri sa pekeng gera kontra-druga, pagpatay ng daan-daang mga magsasaka, manggagawa, estudyante at mga aktibistang maralita sa kalunsuran, pagpapatahimik sa mga abogado, pari at manggagawa sa midya sa pamamagitan ng pananakot o baril, at pagpapalayas ng libo-libo mula sa komunidad ng mga Lumad hanggang sa Marawi.
Ang pinakahuli at pinakabrutal ay ang kanyang pag-lockdown sa buong bansa sa ngalan ng isang pinalaking flu virus sa pamamagitan ng pagkontrol sa buong populasyon, pagbilanggo sa mamamayan sa kanilang mga tahanan na karamiha’y mga barung-barong lang, pagbabawal sa paglabas upang makapagtrabaho o makahanap ng pagkakakitaan, paglagay sa higit 20 milyong mamamayan sa pwersahang pagka-walang magawa at gutom at pag-utos na ìshoot them deadî o patayin sila kung magreklamo, magdemanda para sa kanilang karapatan at magprotesta laban sa mga restriksyon at imposisyon. Mahigit isang daang libo ang inaresto, daan-daan ang pinahiyan, pisikal at mental na inabuso at marami ang pinatay sa ngalan ng COVID-19.
Ang pananalasa sa pagpasa ng Anti-Terror Bill ng Kongreso noong Mayo 29 ay nagpapakita ng traidor na katangian ng naghaharing uri habang ang buong bansa ay nasa kagulohan dala ng pagpapailalim sa mamamayan sa military lockdown na binigyan ng katwiran ng pinalaking banta ng isang ìhindi magamotî na virus. Iniutos ni Duterte ang pagpadali sa Anti-terror Bill. Kapag ito’y naipasa, hindi na niya kailangan pang magdeklara ng martial law dahil ang anti-terror bill ang magliligalisa sa pagsupil ng ating mga batayang karapatan at pagbalewala sa proseso ng batas sa pamamagitan ng warrantless arrest at arbitraryo at matagalang detensyon na walang kaso sa loob ng 14-24 araw. Pahihintulotan nito ang impunidad dahil ang mang-aarestong personel ay hindi mananagot sa illegal na pag-aresto, pagtanim ng ebidensya o pagsampa ng gawa-gawang kaso.
Sinuman ay pwedng kabiging terorista o sumusuporta sa terorista ayon sa kapritso ng estado at ipailalim sila sa surveillance, wire tapping, pag-aresto, detensyon at pagkabilanggo. Liban pa dito ang tortyur at pamamaslang ng kanyang mga bounty hunter galing sa militar at pulis.
Ang kanyang kawalang kakayahan, mangmang ngunit militaristang pamamalakad sa krisis ng COVID19 ang nagbunyag sa kanyang kriminal na kapabayaan, pagkasuklam sa karaniwang tao, kainutilan ng military junta-IATF at higit sa lahat ang kanyang pagnanasa at kasakiman sa absolutong kapangyarihan. Bawat araw ay lalong lumalaki ang galit ng mamamayan, lumalala ang kanyang pagkakahiwalay at ang #OustDuterteNow ay nag-viral sa pangalawang pagkakataon sa loob ng dalawang buwan.
Sa kanyang palagay mapapadali ang pagpapatalsik sa kanya kung opisyal niyang ideklara ang martial law. Kaya kanyang ginawang ligal ang kanyang teroristang paghahari sa pag-iba ng pagtawag dito, hindi martial law kundi ang terror law. Iniisip niya at ng kanyang military junta na mapapatahimik ng terror law ang mamamayan, mapahinto ang mga aksyong protesta, mga pahayag o panulat mula sa mga demokratiko at progresibong grupo at mga indibidwal o payumukyukin ang mga netizens sa pagkundena at pagkamuhi sa kanya at kanyang mga kasapakat.
Takot na takot si Duterte sa taong-bayan. At dapat nga siyang matakot. Sa lalo niyang paghasik ng lagim, mas lalong nagkakaisa at lumalaban ang mamamayan. Dapat natin siyang labanan sa lahat ng anyo ng pakikibaka, humawak ng sandata laban sa kanya at sumapi sa New People’s Army. Gawin natin ang katuparan ng susunod na #OustDuterteNow. ##