Inianunsyo ng grupong Sabokahan Unity of Lumad Women noong Disyembre 6 ang pagpanaw ng magiting na lider ng mga Talaingod Manobo na si Bai Bibyaon Ligkayan Bigkay noong Nobyembre 20. Pinamunuan niya ang iba’t ibang pakikibaka ng Lumad mula Mindanao hanggang Metro Manila. Ayon sa grupo, pumanaw siyang kapiling ang kanyang mga mahal sa buhay. […]
Inaprubahan ng World Bank noong Mayo 26 ang pautang na $100 milyon (P5.6 bilyon sa palitang P56=$1) para sa Mindanao Inclusive Agriculture Development Project (MIADP). Tulad ng iba nitong proyekto, padudulasin ng MIADP ang pagpasok at kontrol ng dayuhan at lokal na mga kapitalista sa malalawak na lupang ninuno ng Mindanao. Target na sasaklawin nito […]