Articles tagged with Palestine

Kamatayan sa imperyalismong US at terorismo ng Israel! Buhay, lupa at karapatan sa mga Palestino!
November 05, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | Katipunan ng mga Gurong Makabayan (Kaguma) |

Mariing kinokondena ng mga kasapi ng Katipunan ng mga Gurong Makabayan (Kaguma) ang terorismong ginagawa ng Israel Defense Forces (IDF) na may basbas at tulong mula sa imperyalistang US at mga kaalyadong bansa nito laban sa mga mamamayang Palestino sa Gaza. Ang henosidyong nagsimula sa pangbobomba noong ika-7 ng Oktubre na pumatay sa halos 8,000 […]

Pinakamalalaking kumpanya sa armas, tumatabo sa henosidyo ng Israel sa Palestine
October 17, 2023

Nagtaasan ang halaga ng mga sapi ng mga dambuhalang kumpanyang Amerikano na nagmamanupaktura ng armas sa harap ng pinatinding kampanyang henosidyo ng Israel laban sa Palestine. Sa unang limang araw ng henosidyo, tumaas nang 6.09% ang sapi ng Raytheon, ang kumpanyang gumagawa ng mga sistemang radar at misayl, kabilang ang “Iron Dome” ng Israel. Tumaas […]

Madugong okupasyon ng Israel sa Palestine, isasalang sa internasyunal na korte
January 02, 2023

Sinang-ayunan noong Disyembre 30 ng 87 bansa sa ilalim ng United Nations General Assembly ang isang resolusyon na humihingi sa International Court of Justice (ICJ) ng ligal na opinyon nito kaugnay sa patuloy na pagtanggi ng Israel na wakasan ang iligal na okupasyon nito sa mga teritoryo ng Palestine, partikular sa West Bank at Jerusalem. […]

500 Palestino, nakakulong nang walang kaso
February 21, 2022

Parami nang paraming aktibista, tagapagtanggol ng karapatang-tao, at maging mga batang Palestino ang arbitraryong inaaresto at walang kaso at taning na ikinukulong ng estado ng Israel gamit ang pakanang “administratibong detensyon.” Ginagamit ng Israel ang mapaniil na pakanang ito, para arestuhin ang sinumang binansagan nitong “banta sa seguridad” at ikinukulong nang hanggang anim na buwan […]