Articles tagged with Transport Strike

Petisyon kontra PUV phaseout, isinampa ng mga tsuper at opereytor sa Korte Suprema
December 21, 2023

Nagsampa ng petisyon ang mga grupo ng tsuper at opereytor ng pampublikong pampasaherong sasakyan (public utility vehicle o PUV) sa Korte Suprema noong Disyembre 20 para pigilan ang implementasyon ng PUV phaseout sa darating na Enero. Hiniling nila, sa pangunguna ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (Piston), na maglabas ng […]

Piston at Manibela, nagsanib pwersa sa Mendiola
December 16, 2023

Magkasamang nagmartsa tungong Mendiola sa Maynila sa ikalawang araw ng tigil-pasada noong Disyembre 15 ang grupo ng mga tsuper at opereytor na Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) at Samahang Manibela Mananakay at Nagka-Isang Terminal ng Transportasyon (Manibela), at kanilang mga tagasuporta. Ito ay para singilin at panagutin si Ferdinand Marcos […]

Daan-daang drayber at opereytor, nagmartsa tungong Mendiola kontra PUV phaseout
November 23, 2023

Nagmartsa ang mahigit isanlibong drayber at opereytor ng dyip at mga public utility vehicle (PUV), mga manggagawa, maralita at iba pang sektor mula sa Welcome Rotunda tungong Mendiola sa Maynila noong Nobyembre 22, huling araw ng tatlong-araw na tigil-pasada, para batikusin ang kontra-mahirap na sapilitang konsolidasyon sa prangkisa at phaseout sa mga dyip at PUV. […]

Tagumpay ang tigil-pasada, deklarasyon ng mga drayber ng jeep
March 08, 2023

Dulot ng malawakang epekto at pagkaparalisa ng mga ruta sa Metro Manila bunsod ng inilunsad ng tigil-pasada ng mga pampublikong transportasyon, natulak ang Malacañang na makipag-usap sa grupong Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) at Manibela kahapon. Iniulat ito ng tagapangulo ng Piston na si Mody Floranda ngayong araw. Naganap ang […]