Articles tagged with Wage Increase

Motorcade at iba pang aktibidad para sa dagdag-sahod, inilunsad
November 27, 2022

Naglunsad kanina ng motorcade at maiiksing programa sa dinaanang mga palengke mula Monumento hanggang Quezon City ang mga manggagawa sa ilalim ng Kilusang Mayo Uno para manghikayat sa publiko na makiisa sa panawagan para sa dagdag-sahod at pagpapababa ng mga presyo ng bilihin. Bahagi ito ng mga aktibidad bago ang pagkilos sa Nobyembre 30, na […]

Minimum ng mga manggagawang pangkalusugan, itaas sa 33k!
November 26, 2022

Nagsagawa ng noise barrage o pag-iingay sa harap ng Department of Health sa Lunsod ng Maynila ang iba’t ibang unyon sa ilalim ng Alliance of Health Workers (AHW) noong Huwebes, Nobyembre 24. Ito ay para hinging itaas tungong ₱33,000 ang minimum na sweldo ng mga manggagawang pangkalusugan katulad sa pribado at pampublikong sektor. Ito rin […]

Itaas ang sweldo, panawagan ng mga kawani ng gubyerno
November 24, 2022

Nagtipon sa Quezon City noong Nobyembre 22 ang iba’t ibang pederasyon ng mga kawani ng gubyerno para ipahayag ang kanilang pagkakaisa para itaas ang sweldo ng mga kawani, katiyakan sa trabaho at karapatan sa pag-uunyon. Kabilang sa mga dumalo ang Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE), Kapisanan ng mga Manggagawa sa […]

Petisyon para sa taas-sahod, sinimulan
November 13, 2022

Inilunsad noong Nobyembre 11 ng mga manggagawa, magsasaka, kawani, maralita at iba pang karaniwang mamamayan ang 30-day countdown para itulak ang reaksyunaryong estado na magsagawa ng mga hakbang para itaas ang sahod at ibaba ang presyo ng mga bilihin. Kasabay nito, isang petition ang kanilang inihain na naglalaman ng bungkos ng kanilang mga hinaing. Sa […]

₱35 dagdag sahod sa MIMAROPA, limos at pangungutya para sa mga manggagawa!
May 26, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Palawan | Leona Paragua | Spokesperson |

Isang malaking insulto para sa mga manggagawa sa lalawigan ng Palawan ang ipinagmamalaking P35 dagdag-sahod na ipinag-utos ng National Wages and Productivity Commission ng Department of Labor and Employment nitong Mayo 20. Mistulang pangungutya ito sa mahirap na sitwasyon ng pamumuhay ng mga manggagawa at maralita sa probinsya at buong rehiyon ng MIMAROPA. Kung sabagay, […]

Kagyat na umento sa sahod, iginiit ng mga manggagawa
March 12, 2022

Muling iginiit ng mga manggagawa ang dagdag na sahod sa harap ng pagsirit ng presyo ng langis at mga batayang bilihin. Noong Marso 11, nagsagawa ang mga manggagawa sa ilalim ng Unity for Wage Increase (UWIN) ng konsultasyon sa National Cathedral ng Iglesia Filipina Independiente sa lungsod ng Maynila bago sila tumulak sa upisina na […]

Petisyon para sa taas-sahod, itinutulak na aksyunan
March 05, 2022

Itinutulak ng grupong Unity for Wage Increase Now! (UWIN) na kaagad aksyunan ang petisyon nito na isinumite noon pang Nobyembre 2019 para sa pagtataas ng sahod sa National Capital Region (NCR) tungong ₱750 kada araw. Hanggang ngayon ay wala pa ring tugon ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board ng rehiyon sa kabila ng ilang […]