CPP Home Page   Publications  References  Organizations 

Features

  Multimedia  Utilities  

 
 
CPP Documents
Saligang Batas
CPP History
Rectify Errors and Rebuild the Party
Specific Characteristics of our People's War
Our Urgent Tasks
Program

Artikulo II. PAGSAPI

Seksyon1. Sinumang mamamayan o naninirahan sa Pilipinas na hindi kukulangin sa 18 taong gulang, naniniwala sa Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Zedong, sa Programa at Saligang Batas ng Partido at sumasang-ayong kumilos nang buong sigasig sa isa sa mga organisasyon ng Partido, tumupad sa mga desisyon ng Partido at magbayad ng butaw sa pagpasok at regular na buwanang butaw ay maaaring tanggaping kasapi ng Partido.

Seksyon 2. Ang pagsapi sa Partido ay may bisa sa batayang indibidwal lamang at alinsunod sa sumusunod na paraan ng pagsasaayos ng pagtanggap sa mga kasapi:

a. Ang mga manggagawa, manggagawang bukid, maralitang magsasaka, maralitang mangingisda o maralita ng lunsod ay maaaring maging kasapi ng Partido batay sa rekomendasyon ng dalawang kasaping mabuti ang katayuan sa Partido pagkaraang tanggapin ayon sa desisyon ng pulong ng sangay, o tulad ng maaaring mangyari, ng komiteng tagapagpaganap ng sangay, at pagkaraan ng anim na buwang pagiging kandidatong kasapi.

b. Ang mga panggitnang magsasaka, panggitnang mangingisda, manggagawa sa upisina, tagayaring-kamay, [maliliit na mangangalakal at namumuhunan,] intelektwal o propesyunal, estudyante at iba pang bahagi ng petiburgesya ay maaaring maging kasapi ng Partido batay sa rekomendasyon ng dalawang kasaping may di-kukulangin sa isantaong mabuting katayuan sa Partido, matapos tanggapin sa pamamagitan ng desisyon ng komiteng tagapagpaganap ng sangay o grupo ng Partido sa isang organisasyong pangmasa at pagkaraan ng isantaong pagiging kandidatong kasapi.

k. Yaong mga may katayuang panlipunan na bukod sa mga nabanggit sa seksyon a at b ay maaaring maging kasapi batay sa rekomendasyon ng dalawang kasaping may tuluy-tuloy na tatlong-taong mabuting katayuan sa Partido, matapos tanggapin ng komiteng tagapagpaganap ng sangay o grupo ng Partido sa isang organisasyong pangmasa at pagkaraan ng dalawang taong pagiging kandidatong kasapi.

Seksyon 3. Ang bawat kasapi ng Partido na nagrerekomenda ng taong magiging kasapi ng Partido ay magbibigay ng responsable at makatotohanang paglalahad sa Partido tungkol sa ideolohiya, rekord na pampulitika at personal na katangian at kasaysayan ng buhay ng taong kinauukulan. Bibigyan niya ang kanyang inirerekomenda ng sapat na pagkaunawa sa Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Zedong, sa Programa, Saligang Batas, mga patakaran at desisyon ng Partido. Pormal na sasagutin ng inirerekomenda ang isang pamantayang balangkas ng mga katanungang inihanda ng Partido.

Bago gumawa ng anumang desisyong tumatanggap sa kandidatong kasapi, ang kinauukulang komiteng tagapagpaganap ng sangay o grupo ng Partido ay hihirang ng isang kagawad ng Partido upang gumawa ng pinakamasaklaw na pakikipagpalitan ng kuru-kuro sa taong nagnanais maging kasapi ng Partido, [nang sa gayo'y higit pa siyang makilala] at maberipika ang lahat ng kaukulang impormasyon.

Seksyon 4. Sa mga natatanging kalagayan, ang mga nakatataas na komite ng Partido at mga grupo ng Partido sa mga organisasyong pangmasa ay maaaring tuwirang tumanggap ng bagong kasapi.

Seksyon 5. Ang mga kinauukulang organo ng Partido ay magbibigay sa mga kandidatong kasapi ng saligang edukasyong pampartido hinggil sa Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Zedong at hinggil sa Programa at Saligang Batas ng Partido, magtatakda ng pagsubok na gawaing pampartido at [magtataas] sa kanilang kalidad sa pulitika.

Maaaring pahabain o paikliin ng pulong ng sangay, ng komite ng Partido o ng grupo ng Partido ang panahon ng pagiging kandidato batay sa paggawa at sigasig ng kandidatong kasapi.

Iuurong ang pagiging kandidatong kasapi kung maliwanag na hindi natutugunan ng kandidatong kasapi ang mga rekisitos sa pagiging kasapi ng Partido.



Party Constitution Bottom
I II III IV V VI VII VIII IX X XI XI
Back to Top

SALIGANG BATAS NG PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS

Preambulo

Artikulo I. Pangalan, Watawat at Sagisag, Awit at Sumpa

Artikulo II. Pagsapi

Artikulo III. Mga Karapatan at Tungkulin ng mga Kasapi

Artikulo IV. Balangkas at mga Prinsipyo ng Organisasyon ng Partido

Artikulo V. Ang Sentral na Organisasyon

Artikulo VI. Mga Organisasyong Panteritoryo ng Partido

Artikulo VII. Batayang Organisasyon ng Partido

Artikulo VIII. Mga Grupo ng Partido sa mga Organisasyong PangmasaPangmasa

Artikulo IX. Ang Relasyon ng Partido sa Bagong Hukbong Bayan

Artikulo X. Ang Papel ng Partido sa Nagkakaisang Prente

Artikulo XI. Ang Pananalapi ng Partido

Artikulo XII. Mga Susog at Natatanging Kalagayan





Read in English




[ CPP Home Page|Publications | References | Organizations |Features]
[ Multimedia | Utilities]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.