Artikulo I. PANGALAN, WATAWAT AT SAGISAG, AWIT AT SUMPA
Seksyon1. Ang pangalan ng organisasyong ito ay Partido Komunista ng Pilipinas. [Tutukuyin ng Partido ang muli nitong pagkakatatag noong 1968 kailanman may pangangailangang pag-ibahin ito sa mga labi ng pinagsanib na partido ng Partido Komunista at Partido Sosyalista (1938) na nangamkam sa pangalan ng Partido.]
Seksyon 2. Ang watawat at sagisag ng Partido ay kulay pula na may ginto o puting maso at karet sa gitna.
Seksyon 3. Ang awit ng Partido ay ang Internasyunal.
Seksyon 4. Ang sumpa ng Partido ay ang sumusunod:
"Ako, si______________________, ay nagpapahayag ng aking lubos na pagsang-ayon sa teorya at praktika ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Zedong, sa Programa at Saligang Batas ng Partido Komunista ng Pilipinas at sa lahat ng desisyon ng mga nakatataas na organo ng Partido at ng yunit ng Partidong kinatatalagahan ko.
"Sumusumpa akong tutupdin ang lahat ng tungkulin at pananagutan ko sa abot ng aking makakaya, patataasin ang aking proletaryong rebolusyonaryong kamulatan, paglilingkurang lagi ang sambayanan at magiging malapit sa kanila, ipagtatanggol at ipaglalaban ang kapakanan ng sambayanan, pananatilihing mataas ang dangal at prestihiyo ng Partido, pangangalagaan ang kaligtasan ng Partido at lahat ng kasama ko buhay ko ma'y ialay kung kinakailangan, buong katapatang pupunahin ang mga kamalian at kahinaan ko at ng aking mga kasama upang mapabuti ang paggawa at estilo ng paggawa [batay sa tumpak na makauring paninindigan, pananaw at pamamaraan] at upang mabuo ang pagkakaisa at lakas, at isusulong ang kapakanan ng Partido at ng masa. Gagamitin ko ang lahat ng pagkakataon upang maipalaganap ang Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Zedong at maipatupad ang proletaryong rebolusyonaryong linya ng Partido. "
Ang sumpang ito ay gagawin kapag ang isang tao ay pumapasok sa Partido bilang kandidatong kasapi at kapag ang isang kandidatong kasapi ay tinatanggap bilang ganap na kasapi ng Partido.
Party Constitution Bottom
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XI Back to Top
|