Artikulo VI. MGA ORGANISASYONG PANTERITORYO NG PARTIDO
Seksyon1. Ang mga kumperensya ng panteritoryong organisasyon ng Partido ay regular na idaraos; sa mga rehiyon, minsan bawat tatlong taon; sa mga lalawigan at distrito, minsan bawat dalawang taon; at sa mga seksyon, minsan isang taon. Gayunman, ang mga kumperensya ay maaaring idaos anumang panahon batay sa desisyon ng nakatataas na organo ng Partido o batay sa petisyon ng mayorya ng mga nakabababang organo ng Partido.
Seksyon 2. Ang mga tungkulin at kapangyarihan ng mga kumperensya sa rehiyon, lalawigan, distrito at seksyon ay ang mga sumusunod:
a. tumanggap, tumalakay at magpatibay ng mga ulat na ginawa ng mga komite ng Partido at iba pang organo ng Partido sa gayon ding antas;
b. gumawa ng mga resolusyon tungkol sa mga suliraning pang-organisasyon at pampulitika; at
k. maghalal ng komite ng Partido pagkaraang pagpasyahan ang karampatang bilang ng mga kasapi.
Seksyon 3. Sa mga kaukulang plenum, bawat panteritoryong komite ng Partido ay maghahalal ng komiteng tagapagpaganap at kalihiman (kalihim at mga pangalawa nito [para sa edukasyon at organisasyon sa minimum]). Ang kalihim ay mangungulo sa mga plenum, sa komiteng tagapagpaganap at sa kalihiman.
Ang mga komiteng panrehiyon ay magdaraos ng plenum minsan bawat anim na buwan; ang mga komiteng panlalawigan, minsan bawat tatlong buwan; ang mga komiteng pandistrito at panseksyon, minsan isang buwan.
Seksyon 4. Ang mga komiteng panrehiyon, panlalawigan, pandistrito at panseksyon ay tutupad ng mga desisyon ng mga nakatataas na organisasyon ng Partido, magbubuo ng mga probisyunal na nakabababang organo ng Partido, mamamahala sa kanilang mga aktibidad at magtatalaga ng mga kadre ng Partido.
Seksyon 5. Ang mga komiteng panrehiyon, panlalawigan, pandistrito at panseksyon ay regular na tatawag bawat taon ng mga kumperensya sa mga gawain at pag-aaral na dadaluhan ng mga delegadong halal ng mga sangay ng Partido at grupo ng Partido sa mga organisasyong pangmasa. Ang mga kumperensyang ito ay may kapangyarihang magharap ng mga rekomendasyon tungkol sa mga [suliraning pang-ideolohiya, pampulitika at pang-organisasyon] sa mga namumunong organo ng Partido, laluna sa mga namumunong komite.
Seksyon 6. [Ang organisasyon ng Partido sa labas ng bansa ay itatayo sa hanay ng mga Pilipino, mula batayang antas pataas, sa ilalim ng direksyon ng Kagawarang Internasyunal ng Komite Sentral.]
Party Constitution Bottom
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XI Back to Top
|