Artikulo VIII. MGA GRUPO NG PARTIDO SA MGA ORGANISASYONG PANGMASA
Seksyon1. Ang grupo ng Partido ay lihim na lilikhain sa bawat antas na maaari itong likhain sa mga organisasyon ng mga manggagawa at sa mga organisasyong pangmasa ng mga magsasaka, kabataan, estudyante, kababaihan, manggagawang pangkultura, propesyunal, tagayaring-kamay at iba pa na may di-kukulangin sa tatlong kasapi ng Partido. Kabilang sa mga pananagutan ng mga grupong ito ng Partido ang pagpapatupad sa mga patakaran at desisyon ng Partido, pagpapalakas sa pakikipagkaisa sa mga aktibistang di-kasapi ng Partido at pagpapaunlad ng mahigpit na ugnayan sa pagitan ng Partido at masa sa loob ng mga organisasyong pangmasa.
Seksyon 2. Ang mga kasapi ng Partido sa mga [institusyong konserbatibo o reaksyunaryo] ay lihim ding magbubuo ng mga grupo ng Partido. Kabilang sa kanilang mga pananagutan ang pagpapatupad sa mga patakaran at desisyon ng Partido, pangangalap ng impormasyong mahalaga sa Partido, pagbubunyag sa mga kasalanan at kahinaan ng mga nagsasamantalang uri at pangangalap ng mga kasapi ng Partido mula sa hanay ng petiburgesyang lunsod.
Seksyon 3. Ang bilang ng kasapi sa mga grupo ng Partido ay itatakda ng mga komite ng Partido na namumuno sa kanila. Ang grupo ng Partido sa bawat antas ng mga organisasyong pangmasa ay magkakaroon ng kalihim at mga pangalawang kalihim.
Seksyon 4. Ang katayuan at mga karapatan ng mga grupo ng Partido sa Pambansang Kongreso at sa mga kumperensya ng Partido ay pagpapasyahan ng Komite Sentral.
Party Constitution Bottom
Preambulo
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XI Back to Top
|