CPP Home Page   Publications  References  Organizations 

Features

  Multimedia  Utilities  

 
 
CPP Documents
Saligang Batas
CPP History
Rectify Errors and Rebuild the Party
Specific Characteristics of our People's War
Our Urgent Tasks
Program

Artikulo X. ANG PAPEL NG PARTIDO SA NAGKAKAISANG PRENTE

Seksyon1. Para matiyak na bagong tipo ang pambansa-demokratikong rebolusyon at may sosyalistang perspektiba, ang uring manggagawa ang namumunong uri sa pamamagitan ng abanteng destakamento nito, ang Partido Komunista ng Pilipinas. Ang talibang papel ng uring manggagawa ay nararapat na itaguyod ng lahat ng mga kasapi ng Partido sa nagkakaisang prente sa pangkalahatan at sa paraang hayagan, di-tuwiran, di-pormal o sa praktikal na mga kasunduan sa mga kongkretong kaayusang nagkakaisang prente.

Sa usapin ng prinsipyo at praktika, ang Partido ang kumprehensibong pinuno at sentro ng rebolusyong Pilipino kapwa sa pambansa-demokratiko at sosyalistang mga yugto. Pinamumunuan nito ang armadong pakikibaka, ang nagkakaisang prente, ang kilusang masa, ang mga organo ng kapangyarihang pampulitika at sa kalaunan, ang Demokratikong Republikang Bayan ng Pilipinas.

Seksyon 2. Ang pundasyon ng nagkakaisang prente ay ang saligang alyansa ng uring manggagawa at magsasaka. Krusyal na usapin sa nagkakaisang prente at pambansa-demokratikong rebolusyon na iugnay ng Partido ang uring manggagawa sa magsasaka sa pamamagitan ng paglulunsad ng armadong pakikibaka, reporma sa lupa at pagtatayo ng baseng masa at mga organo ng kapangyarihang pampulitika sa kanayunan. Seksyon 3. Makikipag-isang prente ang Partido sa pamamagitan ng mga relasyong baylateral at multilateral na iba't ibang tipo sa ibang mga entidad sa batayan ng mga konsultasyon at konsensus para kamtin ang komon na mga layunin at labanan ang komon na mga kaaway at mga problema. Ang pakikipagkaisang prente ay maaaring sa pamamagitan ng isang pormal na organisasyon o hindi.

Saklaw ng nagkakaisang prente ang mga hayag at ligal na alyansa sa batayan ng mga interes na makauri, sektoral at multisektoral o komon na mga isyu; koalisyon sa ibang partidong pulitikal; mga lihim na impormal na relasyon sa iba't ibang entidad; ang lihim na mga organisasyon ng nagkakaisang prente para sa armadong pakikibaka sa ilalim ng pamumuno ng uring manggagawa tulad ng National Democratic Front (NDF) at ang pagtatayo ng mga organo ng kapangyarihang pampulitika sa iba't ibang antas alinsunod sa linya ng nagkakaisang prente.

Seksyon 4. Pananatilihin ng Partido ang kanyang kalayaan at inisyatiba sa nagkakaisang prente at hindi ito papasok sa anumang kaayusan na mawawala ang mga ito. Lagi itong maghahabol ng komon na batayan sa mga pampulitikang kasunduan sa mga kaalyado nito pero hindi nito papayagang madiktahan siya o mapailalim sa kanila.

Seksyon 5. Ang National Democratic Front ang pinakakonsolidadong lihim na organisasyong nagkakaisang prente ng mga saligang pwersang rebolusyonaryo, hayagang nasa pamumuno ng uring manggagawa at para sa armadong pakikibaka alinsunod sa pangkalahatang linya ng pambansa-demokratikong rebolusyon. Ang NDF ang pinakamahalagang bahagi ng buong pambansang nagkakaisang prente.

Ang National Democratic Front ay isang natatangi at integral na organisasyong nagkakaisang prente, na kinatatangian ng mga esensyal na tungkulin nitong tumulong sa pagbubuo ng pambansang pagkakaisa, pagpapalakas sa mga bumubuo ditong organisasyon, pagkabig sa ibang pwersa para maging bahagi o katulong at pagbibigay-daan sa pagtatayo ng mga organo ng kapangyarihang pampulitika, laluna sa mga antas na mas mataas kaysa sa baryo.]

Party Constitution Bottom<br><br>


I II III IV V VI VII VIII IX X XI XI
Back to Top

SALIGANG BATAS NG PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS

Preambulo

Artikulo I. Pangalan, Watawat at Sagisag, Awit at Sumpa

Artikulo II. Pagsapi

Artikulo III. Mga Karapatan at Tungkulin ng mga Kasapi

Artikulo IV. Balangkas at mga Prinsipyo ng Organisasyon ng Partido

Artikulo V. Ang Sentral na Organisasyon

Artikulo VI. Mga Organisasyong Panteritoryo ng Partido

Artikulo VII. Batayang Organisasyon ng Partido

Artikulo VIII. Mga Grupo ng Partido sa mga Organisasyong PangmasaPangmasa

Artikulo IX. Ang Relasyon ng Partido sa Bagong Hukbong Bayan

Artikulo X. Ang Papel ng Partido sa Nagkakaisang Prente

Artikulo XI. Ang Pananalapi ng Partido

Artikulo XII. Mga Susog at Natatanging Kalagayan





Read in English




[ CPP Home Page|Publications | References | Organizations |Features]
[ Multimedia | Utilities]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.