Artikulo IX. Ang Relasyon ng Partido sa Bagong Hukbong Bayan
Seksyon1. Ang Partido, sa pamamagitan ng Komisyong Militar nito sa ilalim ng Komite Sentral at sa pamamagitan ng mga kadre nito sa bawat antas, ay mamamatnugot at mamamatnubay sa Bagong Hukbong Bayan sa kongkretong praktika ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Zedong at magpapaunlad ng mga pinakasulong na mandirigma upang maging kasapi ng Partido.
Seksyon 2. Ang Mga Alituntunin ng Bagong Hukbong Bayan ay kikilala sa absolutong liderato ng Partido at Komisyong Militar nito at magtatakda sa pagtatalaga ng mga pinunong pampulitika sa bawat sandatahang yunit ng Bagong Hukbong Bayan.
Seksyon 3. Ang Bagong Hukbong Bayan ang magiging pangunahing sandata ng Partido sa [pag-agaw ng kapangyarihang pampulitika at pagkonsolida nito.] [Binibigkis] nito ang saligang alyansa ng uring manggagawa at magsasaka. Sa kanayunan, lilikha ito ng nagsasariling rehimen sa pamamagitan ng sandatahang pakikibaka, [pagsusulong sa tunay na repormang agraryo at pagtulong sa pagtatayo ng mga organo ng kapangyarihang pampulitika at mga rebolusyonaryong organisasyong masa.]
Seksyon 4. Isang sangay ng Partido sa bawat kumpanya at isang grupo ng Partido sa bawat [platun at] iskwad ang itatatag sa loob ng Bagong Hukbong Bayan. Ihahalal ang mga namumunong komite mula sa antas ng sangay hanggang sa pinakamataas na pormasyong militar.
Seksyon 5. Ang Bagong Hukbong Bayan ay magbubuo ng tatlong pangunahing anyo ng sandatahang puwersa: [mga yunit gerilya, mga regular na puwersang makilos,] mga yunit milisya o pananggol sa sarili [at mga partisanong lunsod.] Ito ay magiging pwersa sa paglaban, sa propaganda at sa produksyon.
Seksyon 6. Pauunlarin ng Partido ang pinakamahigpit na ugnayan sa pagitan ng hukbo at sambayanan, ng Partido at hukbo, at ng mga pinuno at mga kawal batay sa rebolusyonaryong diwang proletaryo.
Seksyon 7. Mahigpit na susundin ng Bagong Hukbong Bayan ang Tatlong Pangunahing Alituntunin ng Disiplina at Walong Bagay na Dapat Tandaan:
Ang Tatlong Pangunahing Alituntunin ng Deisiplina ay:
- Sumunod sa mga kautusan sa lahat ng iyong kilos.
- Huwag kumuha ng kahit na isang karayom o hibla ng sinulid mula sa masa.
- Mag-entrega ng lahat ng nasamsam.
Ang Walong Bagay na Dapat Tandaan ay:
- Maging magalang sa pananalita.
- Magbayad ng karampatang halaga sa iyong binibili.
- Magsauli ng lahat ng iyong hiniram.
- Magbayad sa lahat ng iyong nasira.
- Huwag manakit o mang-alimura ng tao.
- Huwag manira ng mga pananim.
- Huwag magsamantala sa mga babae.
- Huwag magmalupit sa mga bihag.
Party Constitution Bottom
Preambulo
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XI Back to Top
|