CPP Home Page   Publications  References  Organizations 

Features

  Multimedia  Utilities  

 
 
CPP Documents
Saligang Batas
CPP History
Rectify Errors and Rebuild the Party
Specific Characteristics of our People's War
Our Urgent Tasks
Program

Artikulo III. MGA KARAPATAN AT TUNGKULIN NG MGA KASAPI

Seksyon1. Ang mga tungkulin ng mga kasapi ng Partido ay ang mga sumusunod:

a. paunlarin ang pagkakaisa at lakas ng Partido sa pamamagitan ng pagtataas sa antas ng kanilang pagkaunawa sa Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung at sa paggamit ng unibersal na teoryang ito sa mga kongkretong suliranin ng Partido at ng demokratikong rebolusyon ng bayan;

b. ipauna ang kapakanan ng Partido o ang kapakanan ng masa ng sambayanan sa kapakanang pansarili, paglingkuran ang masa ng sambayanan nang walang pasubali, matuto sa kanila at ipaliwanag sa kanila ang mga patakaran at desisyon ng Partido at gawin ang maagap na pag-uulat sa Partido hinggil sa mga pangangailangan at mithiin ng mga mamamayan;

k. [punahin at itakwil ang rebisyunismo at dogmatismo, Kanan at "Kaliwang" oportunismo, *paksyunalismo at isplitismo*] at lahat ng maling tunguhin ng pag-iisip at pagkilos sa loob ng Partido;

d. sundin ang Saligang Batas at Programa ng Partido;

e. tupdin nang lubusan ang linya ng Partido at lahat ng partikular na tungkuling iniaatas sa kanila;

g. magpakahusay sa kanilang linya ng gawain at maging uliran sa disiplina, masikhay na paggawa, pagpapakumbaba at simpleng pamumuhay sa mga organisasyon ng Partido, organisasyong pangmasa at sa hanay ng mamamayan;

h. gumawa ng pagpuna sa sarili upang [matukoy] ang mga kamalian at mga kahinaan, taimtim na magsikap na pangibabawan at iwasto ang mga ito at pagbutihin ang kanilang gawaing pampulitika;

i. [mapabilang at kumilos sa isang batayang organisasyon ng Partido [sangay ng Partido sa lugar tirahan o paggawa, o grupo ng Partido sa loob ng organisasyong masa o institusyon,] at regular na dumalo sa mga pulong;

l. dumalong lagi sa mga kurso sa pag-aaral at laging magbasa at magpalaganap ng mga lathalain ng Partido;

m. maging tapat sa Partido at maglahad ng lahat ng katibayang kailangan sa pagbubuo ng tumpak na desisyon; n. maagap na magbayad ng butaw; at

ng. magmatyag sa anumang bagay o pangyayari sa loob o labas ng Partido na ikasasapanganib ng Partido at labanan ang [anumang] bagay na makapipinsala sa kapakanan ng Partido at ng sambayanan.

Seksyon 2. Ang mga karapatan ng mga kasapi ng Partido ay ang mga sumusunod:

a. malayang lumahok sa mga talakayan sa mga pulong ng Partido hinggil sa mga teoretikal at praktikal na suliranin ukol sa linya, mga patakaran at desisyon ng Partido;

b. maghalal at mahalal sa loob ng Partido;

k. magharap ng mga mungkahi, pahayag o karaingan sa anumang organisasyon o organo ng Partido sa anumang antas;

d. pumuna sa anumang organisasyon, organo o sinumang kasapi ng Partido sa mga pulong ng Partido;

e. [magsuri sa] katangian ng kandidato para sa anumang tungkulin o komite;

g. maghabol sa anumang desisyon sa nakatataas na organo ng Partido hanggang sa Komite Sentral at Pambansang Kongreso; at

h. humiling na dumalo sa anumang pulong na tinawag upang suriin ang kanilang mga katangian, gawain o anumang aksyong pandisiplina na ipapataw sa kanila maliban kung [pagpasyahan ng nakatataas na komite ng Partido na] hindi ipinahihintulot ng seguridad ng Partido.

Seksyon 3. Ang mga [kandidatong kasapi ay may kaparehong mga tungkulin at karapatan] katulad ng sa mga kasapi ng Partido, maliban sa wala silang karapatang maghalal o mahalal. (Alisin ang "walang tinig sa paggawa ng desisyon sa loob ng Partido".)

Seksyon 4. Ang mga kandidatong kasapi o mga kasapi ng Partido ay malayang magbitiw sa Partido. Ang bawat pagbibitiw ay lubusang ipaliliwanag sa loob ng kinauukulang komite ng Partido.

Seksyon 5. Ang bawat kasapi ng Partido, anuman ang merito at tungkulin, na hindi tumupad sa kanyang mga tungkulin o hindi gumagalang sa mga karapatan ng kanyang mga kasama ay pupunahin at bibigyang-aral. Ang malulubhang paglabag sa mga karapatan at tungkulin ay bibigyan ng karampatang hakbang na pandisiplina.

a. Ang anumang aksyong pandisiplina sa mga kasapi ng Partido ay pagpapasyahan ng sangay o grupo sa organisasyong pangmasa na kinabibilangan nila; ngunit kung ang kaparusahang ipapataw ay pagtitiwalag, kinakailangan ang pahintulot ng kagyat na nakatataas na komite ng Partido.

b. Ang anumang aksyong pandisiplina sa isang kagawad ng komite ng Partido ay pagpapasyahan ng kumperensyang naghalal sa kanya sa gayong katungkulan o ng isang nakatataas ng komite ng Partido.

k. Ang anumang aksyong pandisiplina sa isang kagawad o kandidatong kagawad ng Komite Sentral ay pagpapasyahan ng [Kawanihang Pampulitika sa kalagayang pangkagipitan o ng Komite Sentral.]

Seksyon 6. Ang mga aksyong pandisiplina ay ipapataw alinsunod sa kabigatan ng paglabag sa disiplina ng Partido at ang mga ito ay alinman sa mga sumusunod: babala, mahigpit na babala, [mahigpit na pangangaral,] pagtanggal sa [gawaing naunang itinakda, suspensyon, demosyon] o pagtitiwalag sa Partido.

Seksyon 7. [Ang bawat kasapi ng Partido ay dapat magtaguyod sa teorya ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Zedong, sa makauring pagsusuri ng Partido sa kasalukuyang lipunang Pilipino, sa pangkalahatang linya ng bagong demokratikong rebolusyon, sa namumunong papel ng uring manggagawa sa pamamagitan ng Partido, sa demokratikong sentralismo, sa prinsipyo ng diktadura ng proletaryado sa anyo ng demokratikong diktadura ng bayan, at iba pang batayang prinsipyo sa pagtatayo ng sosyalismo. Ang sinumang kasapi ng Partido na hindi tumatalima o hindi na naniniwala sa alinman sa mga unang nabanggit ay hihilinging magbitiw sa Partido at kung maaari ay manatili bilang alyado matapos ang pagsisikap na mabigyan ng karagdagang edukasyon ayon sa tinatayang sapat ng kagyat na nakatataas na organo.]

*[Seksyon 8. Ang sinumang kasapi ng Partido na tahasang nagtaksil (sumuko at nakipagtulungan sa kaaway, namuno o aktibong lumahok sa paksyunalismo at kampanyang anti-Partido) ay awtomatikong ititiwalag sa Partido ng mga karampatang organo ng Partidong may awtoridad sa pagtitiwalag sa kanila sa Partido.]*

Party Constitution Bottom
I II III IV V VI VII VIII IX X XI XI
Back to Top

SALIGANG BATAS NG PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS

Preambulo

Artikulo I. Pangalan, Watawat at Sagisag, Awit at Sumpa

Artikulo II. Pagsapi

Artikulo III. Mga Karapatan at Tungkulin ng mga Kasapi

Artikulo IV. Balangkas at mga Prinsipyo ng Organisasyon ng Partido

Artikulo V. Ang Sentral na Organisasyon

Artikulo VI. Mga Organisasyong Panteritoryo ng Partido

Artikulo VII. Batayang Organisasyon ng Partido

Artikulo VIII. Mga Grupo ng Partido sa mga Organisasyong PangmasaPangmasa

Artikulo IX. Ang Relasyon ng Partido sa Bagong Hukbong Bayan

Artikulo X. Ang Papel ng Partido sa Nagkakaisang Prente

Artikulo XI. Ang Pananalapi ng Partido

Artikulo XII. Mga Susog at Natatanging Kalagayan





Read in English




[ CPP Home Page|Publications | References | Organizations |Features]
[ Multimedia | Utilities]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.