Artikulo X. ANG PANANALAPI NG PARTIDO
Seksyon1. Ang Partido ay tutustusan ng mga butaw sa pagsapi at regular na butaw ng mga kasapi, ng mga produktibong gawain ng Partido [mga natatanging tasasyon, bahagi sa kita, mga pag-aari at mana ng mga kasapi,] ng walang kundisyong mga kontribusyon at mga kampanya sa pagpapalitaw ng pondo.
[Ang orihinal na seksyon 2 ay inalis.] Seksyon 2. Ang sinumang nagnanais pumasok sa Partido ay pagbabayarin ng butaw sa pagsapi na katumbas ng halaga ng isang buwang butaw. [Ang regular na butaw ng kasapian ay itatakda ng Pambansang Komisyon sa Pinansya at babayaran ng buwanan.]
Seksyon 3. Maaaring ipataw ang mga natatanging tasasyon sa kasapi sa kapahintulutan ng kinauukulang komite ng Partido.
Seksyon 4. Ang mga kasapi ng Partido na nagkaroon ng trabaho sa tulong ng Partido sa mga tanggapan sa labas ng Partido ay magbibigay ng kanilang kita sa Partido at tatanggap ng halagang pagpapasyahan ng Partido ayon sa regulasyon at sa pangangailangan ng mga kasapi.
Seksyon 5. Ang Komite Sentral ay tatanggap ng walumpung porsyento ng mga butaw sa pagsapi, butaw ng mga kasapi at iba pang buwanang kita at siyang maghahati-hati ng halaga para sa mga komite sa iba't ibang antas. Ang dalawampung porsyento ay maiiwan sa sangay ng Partido.
Party Constitution Bottom
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XI Back to Top
|