Home   Publications   References  

Features

  Multimedia   Utilities  
Larawan ni Pomeroy: Taksil na Rebisyunista

Sa Ngalan ng Imperyalismong Sobyet

III. Hinggil sa Usapin ng Kultura

Read in English
<Prev   1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20  21  22  23  24  25  26  27   Next>

Amado Guerrero

Abril 22, 1972

Rebolusyonaryong Paaralan ng Kaisipang Mao Tse Tung
Partido Komunista ng Pilipinas

Si tagapangulong Mao Tse Tung ang Lenin ng ating panahon. Minana niya, ipinagtanggol at pinaunlad ang Marxismo-Leninismo nang buong husay, malikhain at komprehensibo at iniangat iyon sa isang mas mataas at ganap na bagong yugto, ang Kaisipang Mao Tsetung. Sa kanya natin utang ang di-magagaping pang-idolohiyang armas na nagtitiyak sa ganap na pagbagsak ng imperyalismo at pandaigdigang taumpay ng sosyalismo.

Sa pagsilang ng modernong rebisyunismo at panunumbalik ng kapitalismo sa Unyon Sobyet at iba pang bansang sosyalista, tuwang-tuwa ang mga imperyalista at mga alipuris nila at binati ang isa't isa dahil sa paniniwalang ang diktadura ng proletryo ay mapayapang mapapabagsak sa paglipas ng ilang henerasyon. Subalit pumunta sa unahan si Tagapangulong Mao at ibinigay ang susi sa kalutasan ng mga problema sa panunumbalik ng kapitalismo sa bansang sosyalista tapos mapag-aralan at malagom ang istorikong karanasan ng mga bansang sosyalista. Inihain niya ang teorya ng walang lubay na rebolusyon sa ilalim ng diktadura ng proletaryo at matagumpay itong naisapraktika sa Dakilang Proletaryong Rebolusyong Pangkultura.

Ang Dakilang Proletaryong Rebolusyong Pangkultura ay isang dakilang rebolusyonaryong kilusang masa sa pamumuno ng proletaryo para sa pag-agaw sa kultura at pag-aangkop nito sa sosyalistang sistemang pangkabuhayan. Nagbunga ito ng pagpapatalsik sa mga nanunungkulang kasapi ng Partido na tumatahak sa kapitalistang landasin, pinatatag nito ang diktaaryo sa Tsina at pinanday ang Republika ng Mamamayang Tsino para maging ang pinakamatatag na tanggulan ng sosyalismo sa buong daigdig. Sa takbo ng makasaysayang rebolusyong ito na hindi pa nangyari kailanman, nanguna ang mga anak ng rebolusyon sa pagbigo sa mga pangarap ng mga imperyalista at sosyal-imperyalista na mapapanumbalik ang kapitalismo sa Tsina.

Dahil sa lahat ng ito, kinamuhian ng mga taksil na rebisyunistang Sobyet at ng bayaran nilang si Pomeroy si Tagapangulong Mao at ang lahat ng kanyang pinaninindigan. Matindi ang kanilang agam-agam sa di-maiiwasan nilang pagkagapi sa mga kamay ng rebolusyonaryong masa. Kung anu-ano ang kanilang sinasabi para makalimutan ang malagim nilang hinaharap. Kaya itinuring ni Pomeroy ang Dakilang Proletaryong Rebolusyong Pangkultura na "batay sa pagpupunyaging maitatag ang komunismo sa napakababang antas."

Tinangka pa ni Pomeroy baluktutin ang Dakilang Proletaryong Rebolusyong Pangkultura sa ganito:

Sa panahon ng proletaryong rebolusyong pangkultura, angnangyaring walang pakundangang pagbasura sa lahat ng panitikan,sining at iba pang anyong pangkultura ng nakalipas na panahon aynagdulot ng matinding pagkabahala sa mga mamamayang Sobyet nanakilala ko, na ang gayong asal ay nakikita bilang isangsagadsarang nasyunalismo. Halos lahat ay nagsasabi sa akin nasinira ng mga Pulang Taliba, na siyang nagsagawa nito, ang larawanng sosyalismo at komunismo sa mata ng daigdig.

Napakainam nang ibinunga ng buwelo ng agos ng Dakilang Proletaryong Rebolusyong Pangkultura. Naanod ang mga multo at halimaw na kumukumpas sa kultura. Ngunit sa kalakhan, hindi naman totoong nagkaroon ng "walang pakundangang pagbasura at pagwasak" ng panitikan, sining at mga anyong pangkultura ng nakalipas na panahon. Ang mga tradisyunal at banyagang panitikan na kapakipakinabang sa kasalukuyang mga pangangailangan ng rebolusyong Tsino ay nilapatan ng wastong rebolusyonaryong pagtingin na matingkad na makikita sa mga modelong panitikan at sining na nalikha sa panahon ng Dakilang Proletaryong Rebolusyong Pangkultura. Maging ang mga matatandang panitikan at sining na talagang hindi proletaryo ang katangian ay maingat na itinago upang magsilbing masamang halimbawa. Tungkol sa mga Pulang Taliba, sila ang bumubuo ng isang dakilang kilusang masa na nagpasigla sa rebolusyonaryong diwa ng kabtaan na maglingkod sa sambayanan, ang pumanday sa kabataan sa mga rebolusyonaryong pakikibaka sa pamumuno ng proletaryo at nagsanay sa daan-daang milyong kabtaan bilang mga tagapagpatuloy ng rebolusyon. Suklam na suklam ang mga imperyalista at sosyal-imperyalista sa mga Pulang Taliba sapagkat ang pagsulpot nila ay dumurog sa buktot na pangarap na makapanaig ang makabagong rebisyunismo sa Tsina gaya ng pananaig niyon sa Unyon Sobyet paghalili ng "ikatlo o ikaapat na henerasyon."

Gaya ng mga gunggong na hindi bibitawan ang kanilang gasgas nang salamangka, hinahangad ng mga taksil na rebisyunistang Sobyet sa pamamagitan ni Pomeroy na sirain si tagapangulong Mao at ang lahat ng pinaninindigan niya gaya ng kung paano nila sinikap masiraan ang dakilang Marxista-Leninistang Kasamang si Stalin. Parang sirang plaka silang nagsasasatsat ng tinatawag nilang "pagsamba sa pagkatao" at sa "masamang epekto ng stalinismo."

Ang mga taksil na rebisyunista ay sing gunggong ng mayfly na gustong itumba ang higanteng puno," sa pagtatangka nilang mailarawan ang pandaigdigang teorya ng Marxismo-Leninismo-Kaisipang Mao Tsetung bilang isa lamang expresyon ng "makabayang pananaw." Sakop ng teoryang ito ang bagong-demokratikong rebolusyon at ang sosyalistang rebolusyon at tinitiyak ang transisyon ng sosyalismo tungong komunismo. Kung paghahambingin ang mga dakilang ambag ni Tagapangulong Mao at ang yugto ng Leninismo, walang tunay na rebolusyonaryo ang makakalimog magbigay sa kanya ng marapat pa pagpipitagan bilang dakilang lider ng proletaryo ng buong daigdig.

Sa labis na paghahangad na maipakita sa aklat niya ang isang kulturang "nasa mas mataas na antas" ng kasalukuyang sistemang pinaghaharian ng monopolyo burukrata kapitalistang Sobyet, ang nailarawan ni Pomeroy ay isang bulok na kulturang burges na ang pinakamagandang maipagmamalaki ni Pomeroy mismo ay ang "liberalismo," "impluwensiyang Kanluranin" at maging pati ang "mistisismo." Ito ang pinagkamalan niyang bunga ng "limampung taong rebolusyong pangkultura." Kaya, siniraan niya ang Rebolusyong Oktubre samantalang sinasabing ginugunita niya ito sa kanyang akda.

Tuwang-tuwa siyang makitang "nagsimula na ang tunguhin ng liberalismo" at pinapurihan ang editoryal ng Pravda (Enero 27, 1967) "na nagpapahiwatig ng unti-unting pananaig ng mga puwersa ng liberalisasyon." Nang may pagmamalaki sa kanyang burges na idolohiya, pinagsigawan niya: "Ang madamdamin o marubdob na pagtanggap sa Marxismo... ay nakadagdag sa pagkabulag kaya hindi naiwasto ang Stalinismo sa mahabang panahon." Malinaw dito na ang "anti-Stalinismo" ng mga taksil na rebisyunistang Sobyet ay maskara lamang ng kanilang anti-Marxismo at anti-Leninismo.

Madalas magkunwari ang mga buhong na anti komunistang ito na kinikilala si Lenin at ginagamit ang kanyang pangalan. Ngunit gaya ng sinabi minsan ni Lenin:

Laging gayon ang kaso sa kasaysayan na kapag pumanaw ang mgarebolusyonaryog lider na mabango sa mga busabos na uri, ginagamitng mga kaaway ang kanilang pangalan para malinlang ang mgabinubusabos.

Kumbaga, ginagamit ng mga taksil na rebisyunista ang pangalan ni Lenin para banatan si Lenin at sumasangguni sa Leninismo para lamang banatan ang Leninismo.

Itinuturing ni Pomeroy ang mga bulok na burges na sina Boris Pasternak, Alexander Solzhenitsyn, Yevgeny yevstushenko, Anatoly Zhigulin, Bulat Okujava, Andrei Voznesensky at mga kauri nila bilang ang mga pambato ng Panitikang Sobyet sa tinatawag niyang "50-taon ng rebolusyong pangkultura." Itinuturing niya na pangunahing kuwalipikayon ng mga ito ang pagiging mga "anti-Stalinista." At kasabay nito ay ipinangangalandakan niya ang teorya ng panitikan sa ngalan ng panitikan. Pagmamagaling niya:

Ang sinumang nahahandang mamuna ay dapat ding nakahandangmapuna, bagaman inaasahan na ang pagpuna sa panitikan ay mananatilisa loob ng balangkas ng panitikan.

Ang "pagpuna sa panitikan sa loob ng balangkas ng panitikan" ay pagtanggi sa katangiang pampulitika ng bawat obrang pampanitikan. Itinuturo sa ain ni tagapangulong Mao:

Sa daigdig ngayon lahat ng kultura, lahat ng panitikan at sining ay nabibilang sa tiyak na uri at nakakawing sa tiyak na linyang pampulitika. Walang masasabing sining alang-alang sa sining, isang sining na walang makauring batayan, sining na hiwalay o walang kinalaman sa pulitika. Ang panitikan at sining proletaryo ay bahagi ng buong simulain ng proletaryong rebolusyon; ang mga ito ani Lenin ang mga granahe at gulong ng buong rebolusyonaryong makinarya.

Pinakapuri-puri ni Pomeroy si Andrei Voznesensky na pinarangalan niyang ang "pinakamahusay na makatang isinilang sa panahon ng ligalig sa panitikan." Iniulat niya na sila'y nagkasundo na ang ika-20 Kongreso ay nakapag-ambag nang malaki sa pagsisiwalat ng saloobin."Kasabay niyon sinang-ayunan din ng buhong na rebisyunistang si Pomeroy ang tinatawag ni Voznesensky na "panunumbalik ng mistisismong nakakintal na sa kaluluwa ng Ruso na mamamasdan sa karamihan sa ating panitikan."

Natutuwa siya na ang kaso nina Sinyavsky at Daniel ay naging sentrong usapin sa loob ng unyon ng manunulat ng bansa para sa karagdagang "liberalisasyon." Tinitingnan niyang "Konserbatibo" ang pabalat-bungang posisyon ni Breshnev sa "prinsipyo ng pagiging partisano sa sining at panitikan at sa makauring pagtrato sa pagtatasa ng lahat ng tungkol sa larangan ng kultura."

Binaluktot ni Pomeroy ang sinabi ni Lenin na "Ang Marxismo ay isang halimbawa kung paano sumulpot ang komunismo mula sa suma total ng kaalaman ng tao," at inihambing iyon sa sinabi ni Breshnev na "ang tungkulin ng Komsomol ay tulungan ang nakababatang henerasyon... na ikintal sa kanilang isipan ang lahat ng kaalaman tungkol sa mga pagpapahalagang nalikha ng sangkatauhan." At kaugnay nito, pinapurihan niya ang mga rebisyunistang elemento sa kabataan sa pagkakaroon nila ng pinakamalawak na interes sa "Kanluraning panitikan" na "hindi kailanman taliwas sa talagang minimithi ng kabataan." Kanino ba sila pinakainteresado sa Kanluraning panitikan? Kina Hemingway, Salinger, John Updike, Kafka, Beckett at Ionesco. Tinapos ni Pomeroy sa kosmopolitanismong burges ang proletaryong internasyunalismo.

Masayang iniulat ni Pomeroy na sina Shelley at Byron ay sinisipi at tinatalakay sa mataas na paaralan sa Unyon Sobyet "dahil sa pagiging tagapagtanggol nila ng uring manggagawang Ingles." Pabor siya na si Hemingway ang paboritong awtor ng mga rebisyunistang elemento ng kabataang Sobyet at pinapurihan ang depitistang burges na awtor dahil sa "tapang ng kanyang mga bayani, sa pagtutuon sa likas na kabutihan at kagitingan ng mamamayan," at sa "moral na tono ng kanyang mga pagtatangi."

Pabor din siya kay John Steinbeck na maging isa pang "paboritong awtor." Pinuri niya ang mga akda ni John Steinbeck na Grapes of Wrath at Winter of Our Discontent dahhil sa pangangaral niyon ng pagtutol laban sa karahasan." Agad makikita ng isang tunay na Marxista-Leninista ang pagiging pesimistang manunulat na burges ni Steinbeck, na interesado sa paglalantad ngunit takot sa rebolusyonaryong karahasan. Kaya naman sinusuportahan ng buhong ng anti-komunistang ito ang kasalukuyang pananalakay ng Estados Unidos sa Vietnam. Ang sinumang laban sa rebolusyonaryong karahasan ay insigidang tagapagtaguyod ng kontra-rebolusyonaryong karahasan.

Sa pagsupla sa anumang argumento na ang mga rebisyunistang intelektuwal na Sobyet ay gumon na gumon sa Kanluraning panitikang burges, lalo lamang ipinakita ni Pomeroy ang pagkakontra-rebolusyonaryo niya at ng mga katoto niyang rebisyunistang Sobyet. Pahayag niya:

Makikita sa mga intelektuwal ng Sobyet ang masidhing respeto sa mga kilalang alagad ng panitikan at sining ng Rusya, at sa isang bansa ang ganito ay masasabing isa sa pinakamabisang depensa laban sa subersiyon ng kanluran. Dumudulog sila kina Pushkin, Tolstoy, Gogol, Chekov, at maging kay Dostoevsky para sa pagpapatuloy ng kultura.

Ni hindi man lamang nagpabalat-bunga si Pomeroy sa dakilang proletaryong manunulat, si Maxim Gorky. Kasumpa-sumapa na ang sanggunian niya at ng mga katoto niyang taksil na rebisyunista ay ang mga burges-piyudal na maestro ng sining at panitikan. Walang anumang makitang kapakipakinabang o kapuripuri ang mga anti-Marxista at anti-Leninistang ito sa mga natamo ng proletaryong Sobyet sa larangan ng kultura. ang tangi nilang mga kinikilala ay ang mga elemento sa kultura na humahamak sa diktadura ng proletaryo at iyong mga sumusuporta sa panunumbalik ng kapitalismo sa Unyon Sobyet. Kaya, ang mga bulok na awtor na burges na sina Ilya Ehrenburg at Mikhail Sholokhov ang opisyal na napisil ng mga taksil na rebisyunistang pangkating Kruschov-Breshnev at pati ng imperyalismong Amerikano na mga manunulat.

Bagaman parang ipinagkakaila ni Pomeroy sa ilang banda na masyadong imwensiyado ng Kanluraning kulturang burges ang mga taksil na rebisyunistang Sobyet, hindi niya naiwasang banggitin pati ang pinakabulok na manipestasyon ng gayong impluwensiya, gaya halimbawa nang matanong siya ng isang binatilyo na nagbablackmarket kung may mga ibinibenta siyang angkat na kalakal o ng isang kabataang naghahanap ng droga. Ikinalugod niya na ang itinuturing niyang modelo ng kabataang Sobyet, na mga Amboy kumg magsiporma, ay sumasayaw sa tugtog ng American Jazz sa Kremlin Palace of Congress. Pagmamalaki niya:

Ang pinakamagaling na jazz orchestra ng Sobyet, gaya ng grupongJazz 64 at Jazz 65, ay mahuhusay na musikerong dumadalisay sapinakamagaganda sa Kanluraning jazz at inilalapat iyon sa panlasang mamamayang Ruso.

Aniya: Tinitingnan ng kabataan ang kanilang interes sa gayongmga aspetong pangkultura bilang alinsunod sa kanilanginternasyunalismo at hindi isang gawaing anti-Sobyet. Para sakanila ang anumang pagsasagka sa gayong mga interes ay isangpaglihis sa internasyunalismong itinataguyod ng kanilang mgaorganisasyon.

Sumulpot ang modernong rebisyunismo resulta ng kabiguang maagaw ang kultura mula sa burgesya at bunga na rin ng puspusang pagsusumikap ng imperyalismo na maisaksak ang impluwensiya nito sa idolohiya. Sapagkat ang kultura ay ang kalipunan ng mga pagpapahayag o pagsalamin ng pulitika at ekonomya, ang kulturang Sobyet--gaya mismo ng iniulat at pinapurihan ni Pomeroy--ay isang testimonya sa lubusang panunumbalik ng kapitalismo sa Unyon Sobyet.

Malinaw na bago pa ang ganap na panunumbalik ng kapitalismo humanawak muna ang hanay ng mga kontra-rebolusyonaryo sa kultura. Hindi nila kagyat na inagaw ang kapangyarihang pampulitika o lantarang ginawang ppribado ang sosyalisadong gamit sa produksyon. Pinasok muna nila ng Partido, ang gobyerno, ang hukbo at ang iba't ibang larangan ng kultura at unti-unti nilang ginawang kasangkapan. Kumilos sila sa loob na buung-buong nakatuon sa gawaing pang-idolohiya hanggang mahinog ang mga kalagayan. Sa bagay na ito, itinuturo sa atin ni Tagapangulong Mao:

Para maibagsak ang isang kapangyarihang pampulitika, una sa lahat, laging kailangang makahubog ng opinyong publiko, ang kumilos sa larangang pang-idolohiya. Pareho itong totoo para sa rebolusyonaryong uri at sa kontrarebolusyonaryong uri.

Hinggil sa usapin ng tunggaliang pang-idolohiya sa isang lipunang sosyalista, binigyang-diin ni tagapangulong Mao:

Natamo natin ang batayang tagumpay na matransporma ang pag-aarisa mga gamit sa produksyon, subalit hindi pa ntin nakakamit angganap na tagumpay sa larangang pampulitika at pang-idolohiya. Salarangang pang-idolohiya, hindi pa malinaw ang usapin kung sino angmagwawagi sa tunggalian ng proletaryo at burgesya. Kailangan panating maglunsad ng matagalang pakikibaka laban sa idolohiyangburges at petiburges. Mali ang hindi ito naunawaan at bitiwan angpakikibakang pang-idolohiya. Lahat ng maling kaisipan, lahat ngmakamandag na damo, lahat ng multo at halimaw, ay dapat uriratin;hindi kailanman dapat pahintulutang lumaganap ang mga iyon nanghindi namamalayan.

Mahaba-habang panahon pa ng lilipas bago mapagpasiyahan ang usapin ng tunggaliang pang-ideolohiya sa pagitan ng sosyalismo at kapitalismo. Sapagkat ang impluwensiya ng burgesya at ng mga intelektuwal na galing sa lumang lipunan ay mananatili sa ating bansa sa mahabang panahon sampu ang kanilang makauring idolohiya. Kung hindi ito ganap na mauunawaan, o talagang hindi nauunawaan, mangyayari ang pinakamasahol na pagkakamali at isasaisantabi ang paglulunsad ng pakikibaka sa larangang pang-idolohiya.


Back to top
<Prev   1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20  21  22  23  24  25  26  27   Next>


[ HOME|Publications | References | Organizations |Features]
[ Multimedia | Utilities]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.