Home   Publications   References  

Features

  Multimedia   Utilities  
Larawan ni Pomeroy: Taksil na Rebisyunista


Sa Ngalan ng Imperyalismong Amerikano

I. Hinggil sa Pagsakop sa Pilipinas at Pananatiling Isang Kolonya ng Estados Unidos

Read in English
<Prev   1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20  21  22  23  24  25  26  27   Next>

Amado Guerrero

Abril 22, 1972

Rebolusyonaryong Paaralan ng Kaisipang Mao Tse Tung
Partido Komunista ng Pilipinas

Sa pagbibigay ng posibleng pinakamaigsing pagpapakahulugan sa imperyalismo, tinawag ito ni Lenin na monopolyong yugto ng kapi- talismo. Ang itinuring niyang pinakamahalaga sa gayong pagpapa- kahulugan ay ang pangyayaring sa isang banda, ang pananalaping kapital ay ang kapital ng bangko nang kakarampot na malalaking monopolistang bngko, na nakasanib sa kapital ng mga monopolistang pagsasanib ng malalaking industriyalista (combines); at sa kabilang banda, na ang pagkakahati ng daigdig ay ang transisyon mula sa isang kolonyal na patakaran na malayang lumawak hanggang sa mga teritoryong hindi nasakmal ng anumang kapitalistang kapangyarihan, tungo sa isang kolonyal na patakaran ng monopolistikong paghawak sa isang teritoryo ng mundong ganap na naparti-parte na.

Ang pag-unlad ng kapitalismo bago nagkaroon ng monopolyo, kung saan ang malayang kompetensiya ay tampok na larawan, ay nagwakas sa mga taon ng 1860 at 1870. Pagkatapos ng panahong ito, ngsimula ang matinding "paglakas" ng ma kolonyal na pananakop at hindi naiwasan ng mga imperyalistang kapangyarihan ang magtunggali para sa partihan ng teritoryo ng daigdig.Binigyang-diin ni Lenin:

Hindi maiiwasang sumulpot ang panahong ito ng monopolyong pag-aangkin sa mga kolonya at, resulta nito, ang isang naiibang tindi ng tunggalian para sa partihan at muling pagpaparti-parte ng daigdig.

Ang digmaang Kastila-Amerikano noon 1898 ay ang unang digmaang imperyalista na ang layunin ay ang muling pagpaparte ng daigdig. Ang pag-agaw sa Pilipinas bilang isang kolonya ay isang mahalagang bahagi ng kampanya ng isang impeyalistang kapangyarihang mabilis na umuunlad para mapalawak ang teritoryong pangkabuhayan nito.Inilalako ngayon ng mga rebisyunistang tulad ni Pomeroy ang baluktot na kaisipang sa kalakhan ay ayaw ng imperyalismong Amerikano ng mga kolonya. Ngunit matagal nang panahong binigyang-diin ni Lenin na hindi titigil ang mga imperyalista sa pananakop ng mga koloya. isang hindi maitatangging pangyayari sa kasaysayan na ang Pilipinas ay sinakop ng imperyalismong Amerikano kasama ng iba pang bansa. Ani Lenin:

Sa samutsaring "lumang" motibo ng kolonyal na patakaran, idinagdag ng pananalaping kapital ang tunggalian para sa pagkukunan ng mga hilaw na sangkap, sa pagluluwas ng puhunan, sa mga sakop ng impuluwensiya, ibig sabihin, mga teritoryong pangkabuhayan na may mga kasunduang pinagkikitaan, mga pampalubag-loob, monopolyong tubo, at iba pa.

Subalit ipinagkakaila ni Pomeroy, sa paraang binabaligtad niya, ang mga layunin ng imperyalismong Amerikano. Tuso niyang inilarawan ang "katwirang ang lokal na pamilihan at ang lokal na larangan ng paglalagakan ng puhunan sa lobb ng Estados Unidos ay nasasagad na at ang tanging mapagbabagsakan ng mga produktong Amerikano at ng mga nalikom na kapital ay ang mga teritoryo sa ibayong dagat" bilang "isa sa mga pangunahing argumento ng mga tagapagtaguyod ng imperyalistang pananakop." dito itinuturing niya na walang pagkakaiba sa motibo ang argumento ng isang Marxista-Leninista at ang mismong sinasabi ng mga monopolyo kapitalista na kanilang interes. Gayunman, maaaring magkatulad ang dalawang ito sa punto ng pagsalamin sa tunay na kalakaran ng imperyalismo.

Sinikap niyang maibsura ang marxista-Leninistang pangangatwiran na ang kapitalistang krisis ng sobrang produksyon ay humantong sa imperyalistang pagpapalawak ng mga monopolyo sa pamamagitan ng pagbansag dito bilang "isa sa mga pangunahing argumento ng mga tagapagtaguyod ng imperyalistang pananakop." Ipinakipagbatbatan niya na pagpasok ng bagong siglo ay puwede nang binitawan sana ng imperyalismong Amerikano ang mga gawain na humablot dito sa sariling lupain, lalo na ang gayong mga gawain tulad ng pagsakop at pagpapanatili sa Pilipinas bilang isang kolonya. Iginigiit niya na kaya ng mga monopolyong amerikano na walang hanggang magpalawak sa sariling lupain yayamang, aniya, lumago at lumawak ang lokal na pamilihan at larangan ng negosyo sa Estados Unidos sa paglipas ng panahon, resulta ng pagsulong ng teknolohiya at pagbubukas ng mga bagong larangan ng produksyon at pati ang pagkakaroon ng mga "repormang pangkabuhayan" sa kapitalistang sistema, partikular ang mga "hakbang laban sa mon opolyo (anti-trusts measures)" at ang paggamit ng patakarang pasingil ng mataas na taripa. Daldal niya:

Ang pamilihang panloob at larangan ng negosyo nito (ng imperyalismong Amerik, na kayang palawakin nang husto, ay nagpahina sa sigla nitong pumasok sa mga dayuhang pamilihan; naging mas makulay ang papel ng mas mataas na taripa para protektahan ang sariling pamilihan kaysa sa pagsakop ng mga kolonya, ng mga kolonyang pamilihan at mga pagkukunan ng kayamanan.

Pagdidiin ni Lenin:

Kadalasan ipinagtatanggol ng mga burges na iskolar at mga publisista ang imperyalismo sa patagong paraan; pinagtatakpan nila ng ganap na dominasyon nito at ang malalim na pag-uugat nito, ang maliliit at hindi mga importanteng ditalye ang kanilang ipinakikita at ginagawa nila ang lahat ng puwede nilang magawa para mailayo ang atensiyon sa mga importanteng aspeto sa pamamagitan ng mga ganap na katawa-tawang mga "plano" ng reporma, gaya ng mahigpit na pangangasiwa sa mga trusts, bangko at iba pa.

Pinalitan ni Pomeroy si Kautsky sa pakikipagtalo na nagsagawa na ng ma "reporma" upang malabanan ang mga monopolyong kalakaran at upang "mapalaki ang kakayahang kumunsumo ng mamamayan." Anong hibang na depensa sa imperyalismong Ameerikano!

Kapupulutan ng aral ang gunitain ang kabalyero ni Pomeroy na si Andrew Carnegie, na tumiwalag sa anti-imperyalistang liga dahil sa malaki niyang interes sa US Steel Corporation, isang higanteng trust. Ginagamit ng trust na ito ang malaking naipong kapital para magkamal ng malaking tantos ng tubo sa ibang bansa, lalo na sa mga kolonya at malakolonya. Ang tubo ang kalakaran at ang lohika ng mga trusts at mga imperyalistang estado.At sisikapin ng mga imperyalistang Amerikano na parating naroon kung saan magkakamal sila ng mas malaking tubo. Para sa mga imperyalista, ang mga kaunlaran sa teknolohiya, ang pagkakabukas ng mga bagong larangan ng produksyon at "mga reporma sa balangkas" [ng kapitalismo] ay mga dagdag na kondisyon para lalo pang pagsamantalahan at higit na busabusin ang mamamayan ng kanilang bansa at ibang bansa, kaysa magpatighaw sa kanilang kasakiman at umawat sa kanilang pananalakay. Katunggakan na lamang ni Pomeroy ang mag-isip ng baligtad nang ganito.

Binigyang-diin ni Lenin:

Natural, sisikapin ng mga burges na repormista, lalo na ng mga katoto nilang disipulo ni Kautsky sa kasalukuyan, na maliitin ang kahalagahan ng mga pangyayari... sa pamamagitan ng pakikipagtalo na ang mga hilaw na sangkap "ay puwedeng" makuha sa bukas na pamilihan nang walang "magastos at mapanganib" na kolonyal na patakaran; at "puwedeng" mapalaki nang husto ang tustos ng mga hilaw na sangkap sa pamamagitan lamang ng pangkalahatang pagpapahusay ng mga kalagayan sa agrikultura. Subalit ang gayong mga argumento ay nagiging depensa para sa imperyalismo, isang pagtatangkang bigyan ito ng magandang kulay, sapagkat pinagtatakpan ng mga ito ang pangunahing katangian ng pinakahuling yugto ng kapitalismo: ang mga monopolyo.

Pinaliit ni Pomeroy ang aktuwal na papel ng mga dominanteng monopolyong Amerikano sa pagsakop sa Pilipinas at pagpapanatili nito bilang isang kolonya at walang lubay na pinalaki ang papel ng mga kompanyang agrikultural na Amerikano sa bansa (lalo na sa asukal na remolatsa, tabako at produksyon ng gatas) sa pagtutol niya sa pagkuha o pagpapanatili ng mga kolonya. Minaliit niya ang mga monopolyong Amerikano at minalaki ang mga kompanyang agrikultural na nasa bansa. Halimbawa, ang dali niyang narating mang malabong punto na ang kompanyang Amerikano na gumagawa ng asukal na remolatsa ay lumalabas na mas makapangyarihan kaysa sa monopolyong kompanyang Amerikano sa asukal na ang lawak ng interes sa asukal ng Pilipinas. Sa ugnayan ng mga industriyal na monopolyo at ng mga kompanyang agrikultural sa pangkalahatan, ang huli ay ipinailalim sa una.

Sa buong aklat, naging abala si Pomeroy sa paglikha ng ilusyon na ang mga imperyalistang Amerikano ay hindi kailanman ganap at sarado ang intres sa pagsakop sa Pilipinas at pagpapanatili nito bilang isang kolonya. Naniniwala siya na ang "naiibang larawan" ng imperyalismong Amerikano ay ang pagiging mas gusto nito na walang kolonya. At sa puntong ito nahulog siya sa isang pasalansang na pahayag:

Ang dahilan kung bakit pinanatiling kolonya ang Pilipinas sa loob ng limampung taon sa kabila nang medyo mas maaga ritong pagkakabasura ng tradisyunal na kolonyalismo sa teorya ay ang pangyayaring patuloy na lumalakas ang puwersa at ang pagkakasakal sa bansa ng mga mananalakay na hukbo.

Ang ugat ng kalituhan ni Pomeroy ay ang hindi niya pagkakawing sa ekonomya at pulitika ng imperyalismong Amerikano. Hindi niya kinikilala na ang mga kolonya ng imperyalismong Amerikano ay pinagtutubuan nito kaya hindi niya maipaliwanag kung bakit nito pinananatili ang kolonyal na paghahari. Resulta nito, sinasabi niyang hindi gayon ang katangian ng imperyalismong Amerikano. Ani Lenin tungkol kay Kautsky:

Ang diwa ng usapin ay ang paghihiwallay ni Kautsky ng pulitika ng imperyalismo sa ekonomya nito, ang pagsasalita niya ng pagkakawing ng mga teritoryo (annexations) bilang isang paakarang "ang gusto" ng pananalaping kapital, at ibinabatbat ito laban sa isa pang burges na patakaran na, aniya, ay posible ayon sa mismong batayang ito ng pananalaping kapital. sabihin pa, lumalabas na ang mga monopolyo sa ekonomya ay katugma ng mga hindi-monopolistiko, mga hindi marahas at hindi mapanakop na mg patakaran sa pulitika. Lumalabas, kung gayon, na ang pagpaparte-parte sa mga lupalop ng mundo, na talagang buung-buong nangyari sa panahon ng pananalaping kapital, at ang bumubuo ng batayan ng kasalukuyang naiibang anyo ng kompetensiya sa pagitan ng pinaka- malalaking kapitalistang estado, ay katugma ng patakarang hindi imperyalista. Ang resulta nito ay ang hindi pagbibigay-pansin at ang pagpapalabnaw sa pinakamatingkad na mga kontradiksyon sa pinakahuling yugto ng kapitalismo, sa halip na maging paglalantad ng lalim ng mga iyon; ang naging resulta ya repormismo sa halip na Marxismo.

Sa pamamagitan ng lantay na kasinungalingan, pinuri ni Pomeroy ang imperyalismong Amerikano sa pag-angat nito bilang Numero Unong imperyalistang kapangyarihan sa pamamagitan ng dalawang digmaang imperyalista "na napakaliit lamang ng partisipasyon sa kagyat na pag-agaw ng mga kolonya" at "pag-iwas sa magulong mga alyansa sa Europa at Asya." May pagdidiin pa niyang sinabi:

Tapos na ang usapin ng kolonyal na sistema ng Amerikano, at ang patuloy na pagiging isang kolonya ng Pilipinas noong panahong iyon (1916) ay isang maling bansag sa patakaran ng imperyalismong Amerikano. Sa palagay ng marami, ang tatlumpung taon sa pagitan ng pagpapatibay ng Jones Act at ng ganap na pagkakaloob ng kalayaan ay isang hindi kailangang panahon ng pagkabalam.

Sinadyang pagtakpan ni Pomeroy ang katotohanang nilutas ng kapitalismong Amerikano ang suliranin nito ng sobrang produksyon noong mga unang dekada ng ikadalawampung siglo sa pamamagitan ng pagsakop ng mga kolonya. Tulad ng karnaiwang diskarte ng mga tagapagtanggol ng imperyalista, pinaliit niya ang kabuuang lagak na puhunan ng imperyalismong Amerikano sa ibang bansa noong panahong iyon na pinalabas na wala pang diyes porsyento ng suma totaol ng pambansang produkto ng Estados Unidos. Upang maigiit angkasinungalingan na ang imperyalismong Amerikano ay hindi kailanman masyadong sumandig sa mga lagak na puhunan at kalakalan sa ibang bansa, ikinumpara niya ang mga iyon sa imperyalismong Ingles sa panahon ng kalakasan niyon noong 1914, noong mahigit sangkapt ng kayamanan niyon ay nasa lagak na puhunan sa ibayong-dagat at ang kalakalang panlabas ay halos sangkapat ng kabuuang pambansang produkto.

Upang paliitin ang imperyalistang papel ng Estados Unidos sa Asya, sinabi niya na higit na mas malaki ang pakikipagkalakal at mg lagak na puhunan ng ma monopolyong kompanyang Amerikano sa Europa, Canada at Latin Amerika. Nang sa wakas ay paksain niya ng Pilipinas, pinalabas niyang napakaliit ng pakikipagkalakal at lagak na puhunan ng Estados Unidos sa bansang ito na halos trenta porsiyento lamang ng suma total nang sa buong Asya, na sa bansang Hapon pa lamang ay kalahati na ang napupunta.

Ang baluktot na lohika sa likod ng mga kuwentada ni Pomeroy ay, kung maliit at "walang bale" sa pandaigdigang suma total ang kalakalan at lagak na puhunan ng Estados Unidos sa Pilipinas, samakatuwid ay hindi gaanong imperyalista ang mga monopolyong kompanyang Amerikano sa bansa. Si Pomeroy ay walang iniwan sa panginoong maylupa na naniniwalang habang lalolng maraming kasam ang kanyang pinagsasamantalahan, lalo namang nagiging maliit ang pagsasamantala niya sa bawat kasama, at habang lalong dumarami ang ginagmait niyang mga paraan ng pagsasamantala lalo namang nagiging hindi na mapagsamantala ang bawat paraan.

Isang katunggakan ang maliitin ang kalakalan at mga lagak na puhunan ng Estados Unidos sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagsasabing mas matindi ang "pangongolonya" ng imperyalismong amerikano sa Europa. Tanga lamang ang maniniwala sa gayong mabulaklak na kasinungalingan. Sa loob ng Pilipinas, humahamig ng supertubo sa kalakalan at sa lagak na puhunan ang imperyalismong Amerikano at ganap na ipinailalim ang sambayanang Pilipino sa kolonyal na dominasyon. Tungkol sa lagak na puhunan ng Estados Unidos sa Europa, angkop na gunitain ang sinabi ni Lenin:

nag-iisip na muli itong partihin na makakuha ng anumang teritor- yo, at 2) ang mahalagang larawan ng imperyalismo ay ang tunggalian ng ialng malalakas na kapangyarihan sa pagpupursiging makapangibabaw, hindi tuwirang sa kanilang hanay mismo na magpapahina sa mga karibal at makapipinsala sa kanyang dominasyon, kundi sa pagsakop ng teritoryo.

Nagbabala si Lenin laban sa empirisistang paraan ng pag-aaral sa imperyalismo: Ang simpleng paghahambing ng mga kolonya sa mga hindi kolonya, ng isang imperyalismo sa ibang imperyalismo, ng isang malakolonya o kolonya sa lahat ng iba pang bansa, ay isang pag-iwas at pagtatakip sa tunay na esensiya ng usapin.

Bago sumilab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig nagmaniobrahan muna ang mga imperyalistang kapangyarihan na makakamkam sa mismong bansa ng bawat isa, bukod pa sa pagbabangayan nila tungkol sa kanikanilang kolonya at malakolonyang teritoryo na pinagsasamantalahan at binubusabos. Naganap ang dalawang digmaang pandaigdig upang muling partihin ang mundo sa pamamagitan ng armas sapagkat hindi na kayang lutasin ng mga imperyalistang kapangyarihan ang kanilang mga sigalutan sa mapayapang paraan. Bilang mahalagang bahagi ng pandaigdigang kapitalismo, laging sumasangkot ang imperyalismong Amerikano sa mga digmaang ito. Pagkatapos ng bawat digmaan, nababago ang pagkakahati ng pangkabuhayang teritoryo na palaging napalalaki ng imperyalismong Amerikano ang sarili nitong pangkabuhayang teritoryo. Ani Lenin:

Ipinakikita sa atin ng kabanata ng pinakahuling yugto ng kapitalismo na umuunlad ang ilang ugnayan sa pagitan ng mga kapitalistang pagsasanib (combines), batay sa pangkabuhayang pagkakatilad ng mundo; samantalang kaagapay at kakawing nito, umuunlad ang mga ugnayan sa pagitan ng mga pampulitikang pagsasanib, sa pagitan ng mga estado, batay sa pagkakatilad ng mundo segun sa teritoryo, sa tunggalian para sa mga kolonya, sa "tunggalian para sa pangkabuhayang teritoryo."

Ang Pilipinas ay sinakop ng Estados Unidos upang ang Dagat Pasipiko ay magawa nitong "Lawa ng Amerika" at upang magkaroon ng base sa bago nitong patakarang "open door" hinggil sa Tsina, isang patakarang nagpupursiging magkaroon ng parte sa isang malaking pangkabuhayang teritoryo na noon pa man ay inaangkin na ng iba pang imperyalistang kapangyarihan.[22] Subalit pinagkakaila ni Pomeroy ang istratehikong importansiya ng Pilipinas sa plano ng imperyalismong Amerikano; sukdulan pa niyang sinabi na ang kolonyal na pagsakop sa Pilipinas ay pabigat pa sa imperyalismong Amerikano sa Asya kaysa pakinabangan. tinatawag niya ito na isang "pagsahol" ng patakaran ng "kahinaan." Itinuturing niya ang "open-door" policy na isang patakaran ng kahinaan sa halip na isang madaling lihim na landas para sa isang umaangat na imperyalistang kapangyarihan sa masigasig na pagpupursige nitong makapasok sa Tsina at sa buong Asya.

Inilarawan ni Pomeroy ang imperyalismong Amerikano bilang isang kapus-palad na pipitsuging puwersa na kayan-kayanang benggahin ng bansang Hapon noong unang dalawang dekada ng ika-20 siglo. Buung-buo niyang pinagtakpan ang mahigpit na alyansa ng imperyalismong Ingles at Amerikano sa Asya at ang katunayan na ang bansang Hapon ay nangungutang sa Estados Unidos. Dahil na rin sa kapahintulutan ng imperyalismong Amerikano at Ingles kaya sinakop ng bansang Hapon ang Korea at nagkaroon ito ng sakop na teritoryo sa Tsina. Ngunit iginigiit ni Pomeroy na noon pa mang 1916 takot na takot na ang imperyalismong Amerikano sa pagkapanalo ng mga Hapones sa mga Ruso noong 1905 at pati sa pagkamkam ng mga hapones sa lahat ng espesyal na pribilehiyo ng Alemanya sa Tsina noong Unang Digmaang Pandaigdig na gusto na nitong bitawan ang Pilipinas bilang kolonya o kaya'y magmantini na lamang sa bansa ng pananatiling walang magdidiskitang kahit sino. Sa buong libro, mas binigyan pa ni Pomeroy ng timbang ang pang-iipit ng bansang Hapon sa Estados Unidos kaysa sa walang lubay na paggigiit ng sambayanang Pilipino ng kalayaan bilang isa sa dahilan na nagobliga sa Estados Unidos na mangako ng huwd na kalayaan para sa Pilipinas. Aniya:

Tulad ng dati, ang pagpapakita ng bansang Hapon ng lakas ay may epekto sa mga gawain ng estados Unidos sa Pilipinas. Walang dudang pinabilis nito ang mga hakbang para magbigay ng pangako ng kalayaan para sa Pilipinas, sa mga kadahilanang ang gayon ay nagpapakita na hindi agresibo ang layunin ng Estados Unidos sa Asya, kaya nawawalan ng dahilan ang bansang Hapon na magtaguyod ng isang mapandigmang postura tungkol sa pananatili ng Estados Unidos sa Pilipinas.

Dagdag pa ni Pomeroy:

Ang mga dahilan ng kabiguan ng mga puwersa ng imperyalistang Amerikano na masustini ang panimulang pagpasok nila sa Asya ay nasa dalawang aspeto ng kanilang kalagayan. Ang una ay dahil ayaw nilang mangalap ng sapat na puhunan na nailalagak sa Tsina para makipagkompetensiya at makaagaw ng mga lugar na magsisilbing pamilihan at lagakan ng puhunan mula sa ibang imperyalistang naroon sa bansang iyon; maraming matatagpuang iba pang lugar na madaling mapapasok sa pamamagitan nang hindi gaanong lantarang pangongolonya. Ang pangalawa ay ang katunayang hindi pa handa ang gobyerno at makinarya ng Estados Unidos para sa mga imperyalistang ambisyon sa pamamagitan ng pagbangga sa malalakas na karibal sa Asya sa pamamagitan ng dahas.

Isang kahibangan kahit para kanino na asahang pantay-pantay ang kantidad ng iniluluwas na labis na puhunan ng Estados Unidos sa iba't ibang panig ng daigdig at pagkatapos ay palabasin kapag hindi ganito na hindi pa ito handa para itaguryo ang mga imperyalistang ambisyon. Nasa likas na katangian ng bagong imperyalismo ang magsagawa ng pinakamatingkad na hindi pantay-pantay at mga panandaliang uri ng kaunlaran sa loob at labas ng bansa nito. Ani Lenin:

Ang daigdig ay pinaparte-parte ng mga kapitalista, hindi dahil sa kung anupamang malisya, kundi dahil sa ang inabot ng tingi ng pagkakatipon ng puhunan ay nagtutulak sa kanilang gawin ang ganitong diskarte upang makapagkamal ng tubo. At pinaparti-parte nila ang mundo "segun sa laki ng puhunan," segun sa angking lakas," sapagkat walang ibang paraan ng partihan sa ilalim ng produksyong pangkalakal at kapitalismo. Subalit nagiiba-iba ang lakas kaakibat ng tindi ng kaunlarang pangkabuhayan at pampulitika. Upang maunawaan kung ano ang mga nangyayari, kailangang malaman kung ano ang mga nalutas na usapin ng pagbabago ng lakas.

Kahit ano ay sasabihin ng buhong na rebisyunistang si Pomeroy mapagtakpan lamang ang kolonyal na rekord ng imperyalismong Amerikano sa Asya. Pinipilit niyang palabuin ang mga malinaw na nangyari sa kasaysayan. Gunggong at traydor lamang ang susulat ng isang buong aklat upang ibatbat ang isang hibang na paninindigan na ayaw ng imperyalismong Amerikano na dumambong ng pamilihan at paglalagakan ng puhunan sa Pilipinas at sa Tsina at ang gobyerno nito ay hindi pa handang magtaguyod ng mga imperyalistang ambisyon nitong papasok ng bagong daantaon.


Back to top
<Prev   1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20  21  22  23  24  25  26  27   Next>


[ HOME|Publications | References | Organizations |Features]
[ Multimedia | Utilities]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.