Home   Publications   References  

Features

  Multimedia   Utilities  
Larawan ni Pomeroy: Taksil na Rebisyunista

Sa Ngalan ng Imperyalismong Amerikano



Read in English
<Prev   1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20  21  22  23  24  25  26  27   Next>

Amado Guerrero

Abril 22, 1972

Rebolusyonaryong Paaralan ng Kaisipang Mao Tse Tung
Partido Komunista ng Pilipinas

(This essay originally appeared in the Ang Bayan special issue of November 15, 1971 under the the title "Pomeroy's Apologia for U.S imperialism".)

Ang akdang American Neo-colonialism ay isang pagtatangkang lituhin ang mga mambabasa tungkol sa likas na katangian at pag-unlad ng imperyalismong Amerikano sa pamamagitan ng mga gasgas na sosyal-demokratikong argumento. Ang librong ito'y isang pagbibigay-matuwid sa imperyalismong Amerikano, laluna sa tuwirang paghahari ng Estados Unidos sa Pilipinas mula 1899 hanggang 1946. Ito'y isang malinaw na malinaw na katibayan ng papel ng may-akda bilang ahente ng imperyalismong Amerikano.

Ibinatbat ni Pomeroy na hindi kailangan at walang pakinabang ang Estados Unidos sa pagkolonya nito sa Pilipinas. Sa pagtatanggol sa ganitong paninindigan, ginamit niya ang diskarteng paghaluhaluin ang mga huwad na anti-imperyalistang pahayag, ang mga bungang-isip ng kanyang guniguni at pagbaluktot sa mga tunay na pangyayari upang desperadong baluktutin ang teorya ni Lenin hinggil sa imperyalismo at mapagtakpan ang pagsasamantala at pambubusabos na ipinalasap ng imperyalismong Amerikano sa mamamayan.

Sa kabila ng pamagat, halos hindi tinatalakay ng libro ang neo-kolonyalismo. Sa katunayan, sa kalakhan ay tungkol ito sa mga pagsisimula ng tuwirang kolonyal na paghahari ng Estados Unidos sa Pilipinas at sa iba't ibang opinyon sa mga sirkulo ng imperyalistang Amerikano tungkol sa kolonyang Pilipinas. Sa bandang huli na ng aklat dumako si Pomeroy sa taong 1970 na may ilang mga paglalahat na hango sa empirisista at makaisang panig na pananaw sa mga pangyayari sa pagtatapos ng siglo. Inilarawan niya ang Pilipinas bilang isang halimbawa ng isang bansang kinolonya sa maigsing panahon at hindi pinakinabangan, pagkatapos ay ginawang mala-kolonya sa loob ng walang takdang panahon upang mapagkitaan ng imperyalismong Amerikano.

Namamasdan g buhong na rebisyunista na mula't sapul ay gumagamit ang imperyalismong Amerikano ng mga 'di-agresibo at mala-kolonyal na diskarte" na lumalabas na mas bentahe kaysa sa tuwirang kolonyal na dominasyon. Mahalay niyang nihambing ang terminong "mala-kolonyalismo" sa "supra-imperyalismo" ni Kautsky na "isang yugto na mapapalis na ng mga digmaan," "isang yugto nang sama-samang pagpapaunlad sa daigdig ng nagsanib na pandaigdigang kapital."

Pinagsikapan ng aklat na maipakita kung paano tumitindig ang neo-kolonyalismo sa pamamagitan ng pagbakas sa mga kontradiksyon sa hanay mismo ng imperyalismong Amerikano: sa pagitan ng mga "gustong mapalawak ang sakop na teritoryo sa pamamagitan ng dahas" at ng mga "nagdidili-diling magpalawak ng sakop na teritoryo" o sa pagitan ng "lideratong militar" at lideratong sibil." Ang layon ng buhong na rebisyunista ay hindi ang ilantad at tutulan ang kontra-rebolusyonaryong doble-karang taktika ng isang likas na mabangis at uhaw-sa-dugong imperyalistang kapangyarihan. Ang layon niya ay ilako ang lisyang kaisipan na ang mismong mga kontradiksyon sa hanay ng mga imperyalistang Amerikano ay nangingibabaw sa lahat ng iba pang kontradiksyon at ang lahat ng mga kaganapan sa daigdig ay bunga sa kalakhan ng mga kagustuhan mismo ng mga imperyalista, hindi ng tunggalian sa pagitan ng rebolusyon at kontra-rebolusyon ni sa pagitan ng pananalakay at pagtatanggol laban sa pananalakay. Ito ay upang ilako ang lisyang kaisipan na nagiging mapayapa ang imperyalismo sa dakong huli tulak ng "pagiging makatwiran" ng ilang imperyalista at ang pananalakay at kolonyal na paghahari ay "napipisil na patakaran" lamang ng ilang imperyalista na "nagdadalawang-isip" na gimagamit paminsan-minsan.

Ang totoong pinagtatakpan dito ay ang katotohanang likas na katangian ng monopolyo kapitalismong Amerikano ang mandambong ng mga kolonya, ng mga sakop ng impluwensiya, mga pinagkukunan ng hilaw na sangkap, mga pamilihan at paglalagakan ng puhunan hanggang sa kakayanin nito. Tulad ng ginawa ni Kautsky, ipinalit ni Pomeroy ang usapin ng porma sa usapin ng esensiya sa kanyang baluktot na tindig na alamin ang katotohanan mula sa mga impperyalista mismo, lalo na sa mga "nagdidili-dili" at mga "di-militarista" tulad ni Jacob Schurman o Andrew Carnegie. Batay sa mga mapanlinlang na pagsasapantahang ito, kanyang sinabi na:

May dahilang maniwala na kung sinunod lamang ang patakarangipinanukala ni Jacob Schurman at iba pa noong maagang bahagi ng1899, maaarig naiwasan ang trahedya ng malupit na digmaan ngpanunupil na tumagal nang higit sa kalahating dekada.

Itinuturo sa atin ni Tagapangulong Mao:

May ilang monopolyo kapitalistang pangkat sa ilang kapitalistangbansa ang uhaw sa digmaan at ayw ng kapayapaan na umaasa sapananalakay para magkamal ng tubo.

Ani naman ng dakilang si Lenin:

Pananakop at ang mga karahasang kasaliw nito, gayon ang mgarelasyong karaniwan sa pinakahuling yugto ng kapitalistangpa-unlad"; ito ang hindi maiiwasang maging bunga, at naging bunga,ng pagtindig ng mga ganap na makapangyarihang monopolyo.

Ang hindi pagkakakita sa mabangis at uhaw-sa-dugong katangian ng imperyalismong Amerikano ay pagkahulog sa mga patibong nito. Ito ay di-pagkilala sa walang katapusang ambisyong manakop ng imperyalismong Amerikano sa loob ng nakalipas na pitong dekada at sa mga matinding imperyalistang digmaan ng pananalakay sa kasalukuyang panahon na hindi lamang nagbabakbakan para sa mga bentaeng pangkabuhayan ang mga imperyalista kundi nahaharap din sa mga higanteng daluyong ng mga sosyalista at bagong demokratikong rebolusyonna nagkakait sa kanila ng mga teritoryong mapagsasamantalahan.

Binigyang diin ni Tagapangulong Mao:

Manggulo, mabigo, muling manggulo, muling mabigo...hanggansa sakanilang katapusan; gayon ang lohika ng ma imperyalista sa pagtugonsa simulain ng mamamayan, at hindi sila kailanman tataliwas salohikang ito. Ito ay isang marxistang Batas. Kapag sinabi natinna "ang imperyalismo ay mabangis," ang ibig nating sabihin ay hindimagbabago ang likas na katangian nito, na hindi kailanmanbibitawan ang itak na pangkatay, na hindi sila kailanman magigingmga Buddha, hanggang sa kanilang kamatayan.

Lumaban, mabigo, muling lumaban, muling mabigo, lumabang muli...hanggang sa magtagumpay; gayon ang lohika ng mamamayan, at sila manay hindi rin tataliwas sa lohikang ito. Ito ay isa pang Marxistang batas. Sinunod ng Rebolusyong Ruso ang batas na ito, gayundin ng Rebolusyong Tsino.


Back to top
<Prev   1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20  21  22  23  24  25  26  27   Next>


[ HOME|Publications | References | Organizations |Features]
[ Multimedia | Utilities]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.