Home   Publications   References  

Features

  Multimedia   Utilities  
Larawan ni Pomeroy: Taksil na Rebisyunista

Mga Kontra-Gerilyang Pananaw



Read in English
<Prev   1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20  21  22  23  24  25  26  27   Next>

Amado Guerrero

Abril 22, 1972

Rebolusyonaryong Paaralan ng Kaisipang Mao Tse Tung
Partido Komunista ng Pilipinas

(This essay originally appeared in the Ang Bayan special issue of June 1,1971 under the title "The Counter-Guerrilla Views of the Revisionist Pomeroy".)

Sa esensiya, ang manipis na librong Guerilla and Counter-Guerilla Warfare ay isang paglalahad ng mga kontra-rebolusyonaryo at kontra-gerilyang pananaw ng rebisyunistang si William J. Pomeroy, isang adbenturistang sundalong Amerikano, na ang maigsing panahong inilagi sa piling ng mga "kaliwang" oportunistang lider ng nagsanib na lumang Partido Komunista ng Pilipinas at Partido Sosyalista sa Maynila at sa Sierra Madre ay ginamit na puhunang pampulitika at gayundin sa pagbibenta ng kanyang libro.

Sa istilong isang nagsisising adbenturista na naging palasuko, nagpakahirap si Pomeroy para siraan ang armadong pakikibaka, lalo na ang pakikidigmang gerilya, bilang isang rebolusyonaryong sandata; ang gamitin ang mga "kaliwang" oportunistang pagkakamali ng lideratong Jose Lava para maipagtanggol ang kanang oportunismo at makabagong rebisyunismo; siraan ang mga dakilang lider komunista at iitsa-puwera si Tagapangulong Mao Tsu Tung sa usapin ng armadong pakikibaka; ipangaral ang mapayapang pakikipamuhay, mapayapang pagbabago at mapayapang kompetensiya bilang pangkalahatang linya ng pandaigdigang rebolusyon at ipagpilitan ang bulag na pakikipagtulungan sa imperyalismong Amerikano.

Tulad ng mga katoto niyang rebisyunistang Lava sa Pilipinas ngayon, ginamit ni Pomeroy ang istilong magbigay ng matamlay o pabalat-bungang papuri sa itinuturing niyang "munting pangangailangan" ng rebolusyonaryong pakikibaka para lamang maisulong ang kanyang imbing layuning disarmahan ang mambabasa, ang ito'y papagdalawahing-isip at lituhin, at ang ilantad sa pailalim o lantarang kontra-rebolusyonaryong talakayan na bumabatikos sa esensiya ng Marxismo bilang doktrina ng rebolusyonaryong karahasan laban sa makinarya ng burges na estado.

Suriin natin ang aklat ni Pomeroy. May bentahe tayo sa pagsasagawa nito dahil sa pitong taong nakalipas mula nang malathala ito noong 1964 sa bisberas ng pagbagsak ni Kruschov mula sa kanyang rebisyunistang trono.


Back to top
<Prev   1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20  21  22  23  24  25  26  27   Next>


[ HOME|Publications | References | Organizations |Features]
[ Multimedia | Utilities]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.