Home   Publications   References  

Features

  Multimedia   Utilities  
Larawan ni Pomeroy: Taksil na Rebisyunista

Sa Ngalan ng Imperyalismong Sobyet

IV. Hinggil sa "Mapayapang Pakikipamuhay" at Sosyal-imperyalismo

Read in English
<Prev   1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20  21  22  23  24  25  26  27   Next>

Amado Guerrero

Abril 22, 1972

Rebolusyonaryong Paaralan ng Kaisipang Mao Tse Tung
Partido Komunista ng Pilipinas

Mula kay Kruschov hanggang kay Breshnev, sumalamin ang patakarang panlabas ng Unyon Sobyet sa ganap na panunumbalik ng kapitalismo. Bagaman pabalat-bungang pinagtutuunan ng pansin ng mga pinunong rebisyunistang Sobyet ang proletaryong internasyunalismo, sa totoo'y ipinagkakanulo nila ang interes ng mga manggagawa ng buong daigdig at ng lahat ng binubusabos na mamamayan sa pandaigdigang burgesya, lalo na sa monopolyong burgesyang Sobyet. Mula dekada 60, ang ganap nang sosyal-imperyalismong Sobyet (nakabatay sa monopolyo kapitalistang estado) ay naging kahanay ng imperyalismong Amerikano sa pagiging isa sa mga pangunahing kaaway ng pandaigdigang proletaryong rebolusyon. Naging prinsipal na kakutsaba ito ng imperyalismong Amerikano sa kontra-rebolusyon at laging nakikipagpaligsahan sa imperyalismong Ameri- kano sa kontra-rebolusyon.

Ang kampanyang anti-Stalinismo na inilunsad ni Kruschov ay pormal na naghudyat ng pagsisimula ng burges na patakarang panlabas ng Unyon Sobyet. Motibo at ibinunga ng kampanya mismo ang isang matinding kaguluhan at bitak sa pandaigdigang kilusang komunista. Sa ilalim ng bandilang anti-Stalinismo, nagsilabas sa kanikanilang lungga sa lahat ng Partido Komunista at estadong sosyalista ang mga makabagong rebisyunista at Kanang oportunista at kumilos para maagaw ang kontrol sa partido at sa estado, na naging matagumpay naman sa maraming kaso. Ang biglaang ganap na pagtatakwil kay kasamang Stalin ay naging sorpresang atake sa pandaigdigang kilusang komunista na hindi nagbabago ang pagpipitagan sa kanya bilang dakilang lider at guro ng sambayanang Sobyet at ng mga manggagawa ng buong daigdig. Sa pagtangging magpahatak sa anti-komunistang posisyon ni Kruschov, matibay na nanindigan ang Partido Komunista ng Tsina, ang Partido Manggagawa ng Albanya at iba pang Marxista-Leninistang partido.

Sa pagbabandila sa linyang "mapayapang transisyon" at "landasing parliyamentaryo," tinuligsa ng ika-20 Kongreso ng CPSU ang Marxista-Leninistang teorya ng estado at rebolusyon. Hayagang prinoklama ng mga Sobyet na nagkanulo kina Lenin at Stalin na ang transisyon ng kapitalismo tungong sosyalismo ay mapayapa na at nagbabago na ang mabangis na katangian ng imperyalismong Amerikano at nagiging mapagpahinuhod at puwede nang maluklok sa puwesto ang Partido Komunista sa mga bansang dominado ng rehimeng reaksiyunaryo sa pamamagitan ng eleksyon at parliyamentaryong landas. Itinago ng mga modernong rebisyunista ang istorikong karanasan ng proletaryo ng buong daigdig. Sa pamamagitan ng mga taksil na rebisyunistang pangkating Lava na kaagad tumugon sa panawagan ni Kruschov nakawing sa rebisyunistang linya ang nagsanib na lumang partido ng Partido Komunista ng Pilipinas at Parti- do Sosyalista.

Walang patumangga ang naging pagkakanulo ni Kruschov at ng mga katotong taksil na rebisyunista, pati na ni Breshnev at Kosygin, sa Leninismo.

Iniangat nila ang "mapayapang pakikipamuhay" sa antas ng pangkalahatang linya at pinagkawing iyon sa tatlong "mapayapa" at dalawang "buo." Ipinagmalaki nila ang kanilang mga pakikipagkasundo sa imperyalismong Amerikano na monopolyohin ang armas nuklear bilang susi ng pandaigdigang kapayapaan. Sa kabila ng duetong pag-awit ng "kapayapaan," ang Unyon Sobyet at Estados Unidos ay kapwa nag-iimbak ng mga armas at naghahanda sa digmaan laban sa mamamayan at umaastang superpower na nagsasabwatan at nagsasalpukan tulak ng kanikanilang pansariling interes, sa kapinsalaan ng mga mamamayan ng daigdig.

Ang pagtutol ng Tsina na mabendisyunan ang monopolyo sa armas nuklear ng mga superpower at sa imperyalistang pribilehiyong ipanakot ang armas nuklear ay binaluktot ni Pomeroy na "pagpapaibabaw ng pambansang interes sa pakikibaka para sa kapayapaan at para sa pagkakaisa ng mga rebolusyonaryong puwersa laban sa imperyalismo." Pagkatapos ng mga kasunduang "magdisarma" (tulad ng "nuclear test ban treaty" at nonproliferation treaty) na nilagdaan ng Unyon Sobyet at Estados Unidos, gaano na kalayo ang iiusad ng ganap na paglansag sa armas nuklear? Wala ni isang pulgada.

Sa lubus-lubusang pagsalungat sa prinsipyo ng proletaryong internasyunalismo, nagbigay-daan sa imperyalistang Amerikano ang mga taksil na rebisyunistang Sobyet sa usapin ng prinsipyo. Bago makipagkita kay Eisenhower noong 1959, walang kadahidahilang pinunit ni Kruschov ang kasunduang Sino-Soviet hinggil sa kooperasyong nuklear at pumanig sa mga reaksiyunaryong Indian na hinahamon ang Tsina ng isang digmaan at pangahas na sinasakop ang teritoryo ng Tsina. Habang nasa Estados Unidos, nagbitiw siya ng mga gunggong na mga kontra-rebolusyonaryong pahayag tulad ng "kahit ang mga kapitalista ay puwedeng umanib sa kilusang komunista" at "ang komunismo ay isang putahe ng karneng baka." Pagkatapos ng pagbisita niya sa Estados Unidos, nagpunta siya sa Tsina at nakiusap sa lideratong Tsino na tanggapin ang alok ng Estados Unidos na "dalawang Tsinang" patakaran at ang pagsakop ng Estados Unidos sa Taiwan, ang pagpapalaya sa mga espiya at ahente ng Estados Unidos na naaresto noong panahon ng digmaan sa Korea at baguhin ang pakikitungo nila kay Eisenhower dahil sa sinasab- ing mapayapang katangian nito.

Tinanggihan ng Tsina ang lahat ng kahilingang ito ni Kruschov sa kabila ng pagbabantang pagkakaitan nito ang Tsina ng tulong pangkabuhayan. Nang wala siyang makuhang kahit na ano sa gusto niya, tinangka niyang sabotahiin ang Great Leap Forward at sinamantala ang imperialist blockade at ang mga likas na kalamidad na nagpapahirap sa Tsina. Nang hindi man lamang kinunsulta ang mga lider Tsino, iniutos niya ang kagyat na ganap na pagpapauwi sa mga expertong Sobyet na isang lantarang paglabag sa kasunduang Sino-Soviet na pagtutulungan ng dalawang bansa at hindi pinansin ang kahilingan ng Tsina na repasuhin ang pangyayari at ibalik ang mga experto. Ngunit gustong palabasin ngayon ni Pomeroy na ito'y "dahan-dahang paglisan" na ibinunga ng "mga pagkakaiba" sa pagpapatupad ng mga batas pangkabuhayan." Dakdak niya:

Ang mga di-pagkakaunawaan sa pagpapatupad ng mga batas pangkabuhayan ang lumalabas na siyang dahilan ng dahan-dahang pagbawi sa Tsina ng mga teknisyang Sobyet na ang mga rekomendasyon ay tinanggihan o pinawalang-bisa.

Ang tunay na dahilan ay ang pagngingitngit ni Kruschov sa pagtanggi ng Partido Komunista ng Tsina na sumunod sa rebisyunistang linyang kanyang ibinabatbat sa sulsol ng kanyang pag-astang isang superpower, sa pangangayupapa sa imperyalismong Amerikano at sa balak niyang gawing bahagi ang Tsina ng sistemang pangkabuhayan ng Unyon Sobyet. Pagkatapos mawala ang mga "tulong" ng Sobyet, natuklasan ng mamamayang Tsino na ang mga patakbuhing kalakal ng Sobyet at ang mga serbisyong teknikal nito ay napakamahal na pinipresyuhan samantalang binabarat ang ipinambabayad na mga produkto kaya mabuti na lamang at nawala ang mga "tulong." Natuklasan din na pinalitan lamang ng Unyon Sobyet ang etiketa ng mga kalakal na nanggagaling sa Kanlurang Alemanya na ibinenta uli sa Tsina nang may malaking patong na tubo.

Sabihin pa, nakakatawa ang ipinagsisigawan ni Pomeroy na "hindi na nasa kinakailangan pa ng mamamayang Tino na problemahin ang patatatayo ng ekonomya nito sa pamamagitan ng pagkakait sa sarili ng mga pangunahing pangangailangan, gaya ng dinanas ng mamamayang Sobyet noong una, kung pinagtibay ng mga lider ng Tsina ang patakarang ganap na paglahok sa loob ng balangkas ng sosyalistang komunidad." Sa kabila ng pananabotahe ng mga taksil na rebisyunistang Sobyet, at ng mga Tsinong ahente nila, tulad ni Liu Shao Chi, nagtagumpay sa dakong huli ang Great Leap Forward at pinatunayan niyon na wasto ang linya ni tagapangulong Mao na "loubus-lubusang pagkilos, pagkakaroon ng matayog na pananaw at pagkakamit nang mas malaki, mas mabili, ma mahusay at mas matipid na mga resltang pangkabuhayan sa pagtatayo ng sosyalismo" at sa "pagpapanatili ng kasarinlan at paghawak sa inisyatiba at pagsandig sa sariling kakayahan at mga pagsusumikap."

Anong "sosyalistang komunidad" ang pinagsasabi ni Pomeroy? Halos sakalin na ng Unyon Soobyet ang tinatawag nitong mga kapatid na bansa. Sa ilalim ng Council of Mutual Economic Assistance, ginamit nito ang malaharing posisyon para obligahin ang mga bansang ito na magsilbing mga palengke, mga subsidyaryong pabrika, taniman ng ma prutas, gulayan at rantso ang ekonomiya ng kanikanilang bansa para makahamig ng malaking tubo ang mga taksil na rebisyunistang Sobyet. Sa ilalim ng Warsaw Treaty Organization, gumamit ito ng pinakamalupit na pamamaraan para mapanatili ang kontrol sa mga bansang iyon at nagtalaga doon ng sangkaterbang sundalo. Ang "sosyalistang komunidad" ay walang iba kundi ang kolonyal na emperyo ng sosyal-imperyalismong Sobyet.

Talagang sinunod ng taksil na rebisyunistang pangkating Breshnev ang pandaigdigang patakaran at dinala iyon sa kasukdulan sa pamamagitan ng lantarang pananalakay sa mga kolonya nito pati an rin sa Republika ng Mamamayang Tsino. Sinalakay nito ang Czechoslovakia na may daan-daang libong banyangang puwersa sa ilalim ng kumpas at nagtayo ng papet na gobyerno sa dulo ng bayoneta. Nagtalaga ito ng ilang dibisyon ng hukbong Sobyet sa Republika ng Mamamamongolia at nagkasa ng milyun-milyong sundalo sa hangganan ng Tsina at Unyon Sobyet. Ilang ulit nitong pinagbantaan ang Tsina na babagsakan ng bombang nuklear at pumasok sa mga teritoryo ng Tsina tulad sa Chenpao Island at sa Tiehliekti area. Sinakop nito ang teritoryong mas malaki pa kaysa sa hinangad ng mga dating tsar.

Naging ganap na sosyal-imperyalismo ang modernong rebisyunismong Sobyet sa ilalim ng mga tagapagtaguyod at tagapagpatupad ng Krushcovismo pagkatapos ni Kruschov. Pinalianag ni Lenin na ang kahulugan ng sosyal-imperyalismong ito ay "sosyalismo sa salita, imperyalismo sa gawa, ang pagpapaunlad ng oportunismo tungo sa imperyalismo." Sa sandaling maagaw ng pangkating rebisyunista ang kapangyarihang pampulitika ng proletaryo, alinman sa maging sosyal-imperyalismo ang isang sosyalistang estado gaya ng nangyari sa Unyon Sobyet, mauwi ito sa pagiging isang papet o kolonyang estado, gaya ng Czechoslovakia, Republika ng Mamamayan ng Mongolia at iba pang bansang rebisyunista. Sa pagkakauha nila sa kapangyarihang estado, mas mapanganib at demonyo ang modernong rebisyunistang Kruschov-Breshnev kaysa sa mga klasikong rebisyunistang Kautsky-Bernstein. Ang mga palsipikadong anti-imperyalistang ito na imperyalista sa totoo ay maaaring gumamit ng pinakamalupit na hakbang at pinakamaruming salamangka laban sa mamamayan.

Sa ngalan ng sosyal-imperyalismo, bumalangkas ng sangkaterbang "teorya" ang mga taksil na rebisyunistang Sobyet para mabuo ang "doktrinang Breshnev."

Una, ang teorya ng "limitadong kapangyarihang magpasiya sa sarili ng isang bansa." Ibig sabihin nito, nasa Unyon Sobyet ang "kataas-taasang karapatang magpasiya" na "walang takda" samantalang "limitado" ang sobereniya o karapatang magpasiya sa sarili ng ibang bansa. Ang sinasabing mga interes ng sosyalismo na dapat pangalagaan ay walang iba kundi ang mga interes ng sosyal-imperyalismong Sobyet.

Pangalawa, ang teorya ng "pandaigdigang diktdura." Ang ibig sabihin nito ay maaaring militar na manghimasok o okupahin ng mga tropang Sobyet ang ilang bansa sa Silangang Europa at ang Republika ng Mamamayang Mongolia. Ang Warsaw Pact ay pamaluka lamang ng sosyal-imperyalismong Sobyet; ang karatulang "suporta sa kabatid na bansa" ay ibinabandera bilang panggarantiya sa papet na gobyerno tulad ng sa Czechoslovakia.

Pangatlo, ang teorya ng "sosyalistang komunidad." Ito ay ang kolonyal na emperyo na Unyong Sobyet ang naghaharing estado at kolonya naman ang mas mahihinang bansang rebisyunista. Sinasabing "hindi mapaghihiwalay" ang mga kolonya at ang naghaharing estado.

Pang-apat, ang teoryang "pandaigdigang hatian ng gawain." Ibig sabihin, ang mga bansa sa Silangang Europa, ang Republika ng Mamamayang Mongolia at ang mga bansa sa Asya, aprika at latin Amerika ay dapat magpakadalubhasa sa paglikha ng "tradisyunal na panluwas na kalakal" na kailangan ng Unyon Sobyet. Gustong mapalawak ng Unyon Sobyet ang sakop ng kolonya nito para makakuha ng ma hilaw na sangkap mula sa mga atrasadong bansa na pagtutubuan nito nang malaki.

Ikalima, ang teorya na "sangkot ang ating interes." Ibig sabihin, dahil isang 'superpower" ang Unyon sobyet may karapatan itong manghimasok sa mga gawain ng ibang bansa at makipagsabwatan sa ibang superpower, sa imperyalismong Amerikano, laban sa mamamayan. Sa ilalim ng teoryang ito ilang ulit gumamit ng Unyon Sobyet ng "gunboat diplomacy."

Sa pakikipag-ugnayan nito sa mga bansa sa Asya, aprika at lating ameriak, laging hangad ng unyong sobyet ang makapangibabaw sa pulitika at makahamig ng supertubo sa pamamagitan ng mga "tulong" nito. Kunwari'y nagpapautang nang may mababang interes pero minamahalan naman ngm ga kalakal at serbisyo teknikal nito. Ang kalakhan ng pautang ay binabayaran ng mga hilaw na sangkap na masyadong binabarat ang presyo. Mangangalakal din ng armas ang Unyon sobyet na ibinibenta sa presyong gusto nito. kailangang pag-aralang mabuti kung paano napagsasamantalahan ng Unyon Sobyet ang India, ehipto, Indonesia at iba pang bansa.

Sa ganap na pagsalungat sa prinsipyo ng proletaryong inter- nasyunalismo, ma marami pang ipinaalang tulong militar sa mga reaksiyunaryong Indian ang Unyon Sobyet kaysa sa Estados Unidos. ilang beses ginamit ng India ang mga itinustos na armas sa palalo at expansiyunistang pananalakay sa Tsina at pakistan. Patuloy din ang "tulong" pangkabuhayan at pampananalapi ng Unyon Sobyet sa mga pasistang Indonesian na nagpapatay sa halos isang milyong mamamayang Indonesian, kabilang na ang daan-daang libong Komunista. dahil ma malaki ng interes nito sa Estados Unidos sa pagbubukas ng Suez Canal, nakipagkutsaba ito sa imperyalismong Amerikano at sa mga Zionistang israelista at walang lubay na nagmaniobra para sa isang "kasunduang pampulitika" na hindi alam ng mga Palestino at Arabo.

Gustong palabasin ni Pomeroy na puspusan ang pagsuporta ng mga taksil na rebisyunistang sobyet sa rebolusyonaryong pakikibaka ng mamamayang Vietnamese para sa pamyaan at pambansang katubusan laban sa imperyalismong amerikano. Agad niyang kinalimutang banggitin ang katotohanang hindi kailanman ginusto ni Kruschov na sumuporta sa rebolusyonaryong pakikibaka ng mga Vietnamese. Pero gustong palabasin ni Pomeroy ngayon na nagbibigay ng bilyun-bilyong ruble na "tulong" ang taksil na rebisyunistang pangkating Breshnev. Dapat ipagdiinan tungkol sa tulong para sa Vietnam na ugali na ng mga taksil na rebisyunistang Sobyet na sobrang palakihin at dayain ang kuwentada para lokohin ang mamamayang Sobyet.

Palsipikado at patraydor ang pagsuporta at pakikitungo ng rebisyunistang sobyet sa vietnam. Sa katunayan, mas marmi pang ibinigay na "tulong," pati na mas malaks na kagamitang militar, ang Unyon Sobyet sa ibang bansa. Ang tunay na layon ng "tulong" ng Sobyet sa Vietnam ay para magamit na kartada ang digmaan sa vietnam sa pakikipagtawaran sa imperyalismong Amerikano at makasangkapan ito sa pagkakalat ng mga intriga sa mga rebolusyonaryong puwersa. Minsan nga, ang lakas ng loob na hiniling ng Unyon sobyet sa Tsina na payagan itong magkaroon ng sariling paliparan at base militar sa Tsina dahil gusto nitong maipadala ang sariling "tulong" sa Vietnam. Siyempre pa, tinanggihan ng Tsina ang kahilingang ito yamang lagi namang mamalayang nakakadaan sa Tsina ang "tulong" ng sobyet sa Vietnam. pagkatapos ng pagtangging iyon, pinakalat ng mga taksil na rebisyunistang sobyet na ayaw raw ng tsina na padaanin ang "tulong" ng Sobyet.

Paulit-ulit na ibinandila ng mga taksil na rebisyunistang pangkating Breshnev ang islogang "nagkakaisang pagkilos" at nagkakaisang anti-imperyalistang pakikibaka" tungkol sa digmaang pananalakay ng Estados Unidos sa Vietnam. Pero gusto lamang naman nilang mawala na ang paglayo sa kanila ng iba pang bansa resulta ng kanilang mga kontra-rebolusyonaryong pagkilos at ang siraan ang mga rebolusyonaryong puwersa na nag-iwan sa kanila. Kung talagang habol nila ang makatulong sa Vietnam, lagi namang puwede nilang gamitin ang kasunduang bilateral. Pero ang layon kasi nila ay ang pagkaguluhin ang mga rebolusyonaryong puwersa at pagdudahan ang katotohanang ang Tsina at pinakamalapit, pinakamalakas at pinakamaaasahang likuran hindi lamang ng mamamayang Vietnamese kundi pati na rin ng buong mamamayang Indotsino. sa pagkalat ng digmaang pananalakay ng amerikano sa buong Indotsina, ang Tsina ang naging pinakamatatag na tagapagtanggol ng rebolusyonaryong pakikibaka ng mga mamamayang Vietnamese, Cambodian at Lao, at ang Unyon Sobyet ang pinakapalsipikadong kakampi na laging namimingwit ng oportunidad para makakuha ng pabor sa imperyalismong Amerikano.

May sabwatan at bakbakan sarelasyon ng sosyal-imperyalismong Sobyet at imperyalistang Amerikano. Ito'y dalawang "superpower" na nagkaisa sa pagsupil sa rebolusyon, sa mamamayan, sa Tsina at sa komunismo. Kasabay niyon, likas sa pagiging imperyalista nila ang magbakbakan sa muling pagpaparte ng daigdig. Bawat isa'y may sariling plano ng kanyang paghahari. Ang pagkakaiba lamang nila ay itinatago pa noon nang isa ang pagiging imperyalista sa pamamagitan ng pagdadaldal ng mga anti-imperyalistang islogan, gaya nang malinaw mismong ipinakikita ni Pomeroy sa ginagawa niya.

Mahalaga at kailangang pag-aralang mabuti ang sosyal-imperyalismong Sobyet at ang bawat pagtatangka ng lokal na taksil na rebisyunista na magpalaganap ng modernong rebisyunismo sa Pilipinas. Kaya, hindi dapat palampasin ang librong Half a Century of Socialism ni Pomeroy. Ang ating pag-aaral ay dapat magpatalas sa pagkaunawa natin sa Marxismo-Leninismo at rebolusyonaryong pulitika, magpaunlad sa kasalukuyan nating pagkilos at istilo sa pakikipaglaban para sa demokrasya ng mamamayan at mabigyan tayo ng malinaw na pagtingin sa hinaharap--ang sosyalismo.

Ipinagkaloob sa atin ni tagapangulong mao ang kanyang teorya ng patuloy na rebolusyon sa ilalim ng diktadura ng proletaryo at ipinakita sa atin sa praktika kung paano mapipigilan ang panunumbalik ng kapitalismo sa isang lipunang sosyalista. Natapuan na ang panlaban sa pinakamasahol na oportunismo at sa sosyal-imperyalismo. Ito ay ang Marxismo-Leninismo-kaisipang Mao Tse tung, ang rebolusyonaryong teorya ng proletaryo sa kasalukuyang panahon na ang imperyalismo ay patungo na sa ganap na pagbagsak at ang sosyalismo ay sumusulong tungo sa pandaigdigang tagumpay.

Sa loob ng Unyon Sobyet, papabagsak na rin ang mga taksil na rebisyunista. Binigyang-diin ni Tagapangulong Mao:

Ang Unyon sobyet ay ang unang sosyalistang estado at ang partidokomunista ng unyon sobyet ay binuo ni Lenin. Bagaman naagaw na ngmga rebisyunista ang liderato ng partidong Sobyet, ipinapayo ko samga kasama na panatiliing matatag ang pananalig na ang mamamayangSobyet at ang mga kasapi at kadre ng Partido ay mabubuti, nanaghahangad sila ng rebolusyon at hindi magtatagal ang paghahari ngrebisyunista.

Binigyang-diin din ni tagapangulong Mao:

Nang magkakapit-kamay, napakarami nang nagawang katiwalian atkasalanan ang rebisyunismong sobyet at imperyalismong Amerikanokaya't hindi sila patatawarin ng rebolusyonaryong mamamayan sabuong daigdig. Bumabalikwas na ang mga mamamayan sa lahat ng bansa.Nagsimula na ang bagong kabanata ng kasaysayan ng pakikibaka labansa imperyalismong amerikano at modernong rebisyunismong Sobyet.

May sariling mga hangganan ang kontra-rebolusyonaryong sabwatan ng imperyalismong Amerikano at sosyal-imperyalismong Sobyet laban sa mamamayan, sa komunismo at sa Tsina. Sa lumalalang krisis ng pandaigdigang imperyalismo, titindi at pabibilisin ng sagupaan ng mga imperyalistang puwersa para sa muling pagpaparte ng daigdig ang kanilang wakas. gaya ng imperyalismong "Amerikano masyadong nababanat ng sosyal imperyalismong Sobyet ang sarili nito. Sa sobrang pagkakabanat nito, hindi maiiwasang lumala ang krisis nito sa sariling tahanan. Nakaupo ito sa isang bulkan. Di-magluluwat magbabangon ang proletaryo at mamamayang Sobyet at ang mga mamamayan ng bawat nasyunalidad para ibagsak ang monopolyo burukratang burgesya at ang lahat ng alipuris nitong taksil na rebisyunista. Ang sosyal-imperyalismo ay isa lamang panandaliang yugto sa pagbagsak ng imperyalismo.

Panawagan sa atin ni tagapangulong Mao:

Mamamayan ng daigdig, magkaisa at labanan ang digmaangpananalakay na inilulunsad ng anumang imperyalismo ososyal-imperyalismo, lalo na iyong bomba atomika ang gamit nasandata. Kapag sumilab ang gayong digmaan, dapat gamitin ngmamamayan ng daigdig ang rebolusyonaryong digmaan parabigyang-wakas ang digmaang pananalakay, at ang mga paghahanda ay dapat nang simulan ngayon!


Back to top
<Prev   1  2  3  4  5  6  7  8  9  10  11  12  13  14  15  16  17  18  19  20  21  22  23  24  25  26  27   Next>


[ HOME|Publications | References | Organizations |Features]
[ Multimedia | Utilities]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.