Baylosis, lumaya na

,


Lumaya na si Rafael “Ka Raffy” Baylosis, konsultant ng NDFP mula sa halos isang taong pagkakulong matapos ibasura ng korte ang gawa-gawang kasong “illegal possession of firearms and explosives” laban sa kanya noong Enero 15, 2019. Kasama niyang lumabas sa kulungan noong hapon ng Enero 18 si Roque Guillermo Jr. Ayon kay Presiding Judge Editha Mina Aguba ng Regional Trial Court-Branch 100-Quezon City, ibinasura niya ang kaso dahil sa kakulangan ng ebidensya laban kina Baylosis. Sina Baylosis at Guillermo ay inaresto ng mga operatibang paniktik ng militar at pulis sa Quezon City noong Enero 31, 2018.

Sa kaugnay na balita, nagpiket ang Free Bob Reyes Movement sa harap ng Quezon City Hall of Justice noong Pebrero 6 kasabay ng pagdinig sa gawa-gawang kasong isinampa sa kanya.

Si Reyes, kasapi ng Sandigan ng Manggagawa sa Quezon City ay iligal na dinakip ng apat na armadong lalaki noong Hunyo 2, 2018. Mahigit 12 oras ang nakalipas bago siya inilitaw sa CIDG detention sa Camp Crame.

Giit ng grupo, ang pag-aresto kay Reyes ay tulad din ng mga kaso ng iba pang bilanggong pulitikal na tinaniman ng ebidensya. Kinundena rin nito ang patuloy na pamamamaslang at pagsampa ng gawa-gawang kasong kriminal sa mga aktibista at kinatawan ng NDFP. LUMAYA NA SI Rafael “Ka Raffy” Baylosis, konsultant ng NDFP mula sa halos isang taong pagkakulong matapos ibasura ng korte ang gawa-gawang kasong “illegal possession of firearms and explosives” laban sa kanya noong Enero 15, 2019. Kasama niyang lumabas sa kulungan noong hapon ng Enero 18 si Roque Guillermo Jr. Ayon kay Presiding Judge Editha Mina Aguba ng Regional Trial Court-Branch 100-Quezon City, ibinasura niya ang kaso dahil sa kakulangan ng ebidensya laban kina Baylosis. Sina Baylosis at Guillermo ay inaresto ng mga operatibang paniktik ng militar at pulis sa Quezon City noong Enero 31, 2018.

Sa kaugnay na balita, nagpiket ang Free Bob Reyes Movement sa harap ng Quezon City Hall of Justice noong Pebrero 6 kasabay ng pagdinig sa gawa-gawang kasong isinampa sa kanya.

Si Reyes, kasapi ng Sandigan ng Manggagawa sa Quezon City ay iligal na dinakip ng apat na armadong lalaki noong Hunyo 2, 2018. Mahigit 12 oras ang nakalipas bago siya inilitaw sa CIDG detention sa Camp Crame.

Giit ng grupo, ang pag-aresto kay Reyes ay tulad din ng mga kaso ng iba pang bilanggong pulitikal na tinaniman ng ebidensya. Kinundena rin nito ang patuloy na pamamamaslang at pagsampa ng gawa-gawang kasong kriminal sa mga aktibista at kinatawan ng NDFP.

Baylosis, lumaya na