Anti-imperyalistang kumperensya, inilunsad sa Cuba

,

INILUNSAD ANG CUBAN Anti-Imperialist Solidarity Conference for Democracy and Against Neoliberalism sa Havana, Cuba noong Nobyembre 1-3. Ang kumperensya ay inorganisa ng Communist Party of Cuba at dinaluhan ng mahigit 1,200 delegado mula sa 95 bansa.

Nagsilbi ang kumperensya bilang ekspresyon ng pakikibaka ng mga mamamayan ng buong daigdig laban sa imperyalismo. Tampok sa aktibidad ang mga diskusyon hinggil sa sumisidhing krisis ng pandaigdigang kapitalistang sistema at tumitinding imperyalistang mga opensiba sa ideolohiya, pulitika, ekonomya at kultura. Nagkaroon din ng mga talakayan hinggil sa neokolonyalismo, rasismo at iba pang porma ng pang-aapi.

Hinati ang kumperensya sa limang grupo na nagbalangkas ng kongkretong mga hakbang para labanan ang mga patakarang neoliberal na ipinapataw ng US at para hadlangan ang mga digmang inilulunsad nito, gayundin ang mga paglabag nito sa internasyunal na batas, karapatang-tao at sa mga patakaran sa paglalayag at pakikipagkalakalan.

Anti-imperyalistang kumperensya, inilunsad sa Cuba