Badyet ng AFP, dinagdagan pa ng Senado

,

Pinalaki ang badyet ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa 2021 mula ₱208.7 bilyon tungong ₱215 bilyon sa pagdinig ng Senado sa panukalang badyet noong Nobyembre 20. Isa sa dinagdagan ng pondo ang modernisasyon ng AFP mula ₱25 bilyon tungong ₱83 bilyon (dagdag na ₱58 bilyon).

Ilan pang idinagdag sa badyet ng AFP ang ₱5 bilyong pondong “di programado” na walang pagkakaiba sa pork barrel ng Kongreso, ₱2 bilyon para sa pagbili ng dalawa pang malalaking eroplano at ₱2 bilyon para sa gamit ng 11th ID. Sa ilalim nito, ₱800 milyon ang nakalaan para sa pagbili ng mga bomba at bala para sa mga eroplano at helikopter pandigma. Mayroon ding nakalaan na ₱190 milyong pondong “pansuporta” sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict. Ito ay sa kabila ng lumalakas na panawagang tanggalan ng pondo ang naturang task force at ilaan sa ayuda at rehabilitasyon ng mga nasalanta ng pandemya at sakuna ang badyet nito.

Badyet ng AFP, dinagdagan pa ng Senado