Pagdiriwang ng #NDF48 sa Northern Samar

,

Masiglang ipinagdiwang ng masang magsasaka at ng hukbong bayan sa Northern Samar ang ika-48 anibersaryo ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) noong Abril, sa gitna ng kalahating taong nakapokus na operasyong militar ng kaaway. Dumalo sa selebrasyon ang mga residente mula sa anim na baryo na nagkaisang higit pang labanan ang militarisasyon sa lugar.

Ibinahagi sa programa ang kasalukuyang kalagayan ng erya na mula pa Disyembre ng nakaraang taon nakapailalim sa nakapokusyon na operasyong militar. Binigyang diin sa ulat kung bakit rebolusyon ang nag-iisang solusyon sa kahirapang dinaranas ng taumbayan.

Pagdiriwang ng #NDF48 sa Northern Samar