Kalayaan sa pamamahayag, ipinagtanggol
Sa pandaigdigang araw ng Malayang Pamamahayag noong Mayo 3, nangako ang mga mamamahayag na Pilipino na ipagtatanggol ang malayang pamamahayag sa bansa laluna sa panahon ng eleksyon. Ito ay sa harap ng kanilang pagkabahala kaugnay sa mga atake sa mga myembro ng midya mula sa kampo ng tambalang Marcos-Duterte sa panahon ng kampanya
Sa harap ng walang awat na pagtatangkang kwestyunin ang kanilang kredibilidad, at mga pagbabanta at harasment na madalas kasunod sa mga kritikal na pag-uulat, nangako silang maging mas determinado na itaguyod ang demokrasya at palakasin ang diwa ng pagtutulungan at pakikiisa. Anila, ipagpapatuloy nila ang mga koalisyong nabuo, tulad ng para sa fact-checking at laban sa disimpormasyon at mga alyansa ng pagtutulungan at suporta.
Samantala, ginunita ng mga mamamahayag ang ikalawang taon ng pagtanggal ng prangkisa ng ABS-CBN noong Mayo 5.