Martial Law at 51 ML51

,

Introduksyon

Sa paggunita ng ika-51 na anibersaryo ng deklarasyon ng batas militar ng rehimeng US-Marcos Sr sa Setyembre 21, muling sinasariwa mula sa mga pahina ng Ang Bayan at mahahalagang dokumento ng Partido ang paglulunsad ng digmang bayan bilang tugon ng mamamayan sa batas militar. Muli nitong itinutuwid ang mga tangkang pambabaluktot ng pamilyang Marcos, na ngayon ay lubusan nang nakapanumbalik sa pinakatuktok ng reaksyunaryong estado, sa brutalidad at pandarambong ng kanilang ama sa isang banda, at ang armadong pakikibakang iniluwal nito sa kabilang banda. Sa pagbabaybay sa kasaysayan ng digmang bayan, makikita ang paglakas nito relatibo sa paghina ng pampulitikang kapangyarihan ng pangkating Marcos at ng diktadura.

Hinihikayat ang lahat na muling pag-aralan ang mga babasahing ito at sariwain ang mga aral ng kasaysayan. Ang mga artikulong ito ay laman ng librong “Paglaban sa Batas Militar sa mga pahina ng Ang Bayan,” na inilabas ng patnugutan noong Setyembre 21, 2022. Mababasa sa 400-pahinang librong ito ang tampok na mga editoryal at balita na inilathala sa Ang Bayan mula Setyembre 1972 hanggang bumagsak ang diktadura noong Pebrero 1986. Maari rin basahin ang mga ito online sa https://ab-ml50.pages.dev/

Digmang bayan, sagot sa batas militar!

1) “The essence of the formal declaration of martial law through Proclamation No. 1081 is the brazen imposition of the U.S.-Marcos dictatorship on the entire Filipino nation and people. This proclamation is in effect the formal declaration of civil war by the U.S.-Marcos clique against the broad masses of the people. At the same time, it is in the final analysis the death sentence for its criminal authors because the people shall win in the end through revolutionary struggle.”

“A new level of revolutionary struggle has come about. All over the country, the people are brimming with revolutionary hatred for the U.S.-Marcos dictatorship, the violent opposite of national freedom and democracy which they cherish. It is starkly clear to everyone that a fascist dictatorship, seeking to perpetuate itself through counterrevolutionary violence, can be overthrown only through revolutionary violence. The U.S.-Marcos clique has only dug deeper its grave.”

Overthrow the U.S.-Marcos Dictatorship to Achieve National Freedom and Democracy (Ang Bayan, Special Issue, October 1, 1973)

 

2) “In the wake of the setting up of the fascists dictatorship, armed resistance has expanded and intensified in Mindanao, especially among the national minorities. According to partial reports reaching Ang Bayan, several hundreds of fascists troops have been wiped out in the provinces of Lanao, Cotabato, Sulu, Zamboanga, Bukidnon and Davao between October 1972 and March 1973.”

—Mindanao guerrilla fighters wipe out several hundreds fascist troops (Ang Bayan, Volume V, Number 1, April 10, 1973)

3) “Taliwas sa ipinangangalandakan ng diktadurang E.U.-Marcos, ang gulugod ng sandatahang paglaban ng mga sambayan ay hindi lamang nanatiling di-nababali manapa’y lao pang lumakas. Sa katunayan, ang mga tagapagsalita ng pasistang diktadura ay napilitang umamin sa maraming pagkakataon na sumidhi at lumawak ang sandatahang rebolusyon sapul nang ipataw ang paghaharing militar. Sa kalilipas na taon, nalipol ng Bagong Hukbong Bayan sa maraming partikular na labanan ang mga yunit ng kaaway mula sa laking iskuwad hanggang sa laking dalawang kompanya. Sa malalawak na lugar ay nalipol din ang mga espiya ng kaaway at mga pusakal na masasamang elemento.”

—Ipinagdiriwang ng Bagong Hukbong Bayan ang ikalimang anibersaryo nito (Ang Bayan, Espesyal na Isyu, Marso 29, 1974)

4) “Ang ating hukbong bayan ay lumaki mula sa ilang iskuwad-gerilya at ilang riple sa isang lalawigan noong 1969 hanggang sa ilang kompanyang gerilya at daan-daang ripleng ipinamahagi sa ilang estratehikong lugar sa kapuluan. Sa maraming lugar ay kaya na natin ngayong lumipol ng buo-buong iskuwad ng kaaway at sa ilang lugar ay kaya na rin nating lumipol ng buo-buong platun at kala-kalahating kompanya.”

—Pumapasok ang Partido Komunista ng Pilipinas sa ikapitong taon mula nang muling itatag, Ang Bayan, Disyembre 26, 1974 (Ang Bayan Bolyum VI, Numero 4)

5) Armed resistance is steadily growing. The most outstanding armed resistance is being waged today by the New People’s Army under the leadership of the Communist Party of the Philippines and by the Bangsa Moro Army under the direction of the Moro National Liberation Front.”

“The people’s army has accounted for at least 1,500 enemy casualties since the declaration of the fascist martial rule.”

—An Assessment of the Fascist Martial Rule after Three Years (Ang Bayan, Special Issue, October 6, 1975)

6) “Nagtamo ng mga pinsala sa ilang rehiyon ang Partido at hukbong bayan noong mga unang taon ng batas militar. Ngunit habang nakatali ang kaaway sa mga operasyong “hanapin at wasakin” sa mga mga rehiyong ito, nagpapalawak naman ang Partido sa lahat ng iba pang rehiyon. Hindi lang iyon, mula noo’y nabawi na ng kilusang rebolusyonaryo ang mga lugar na inokupahan ng kaaway ngayon.”

“Ngayon, sa pagpasok ng batas militar sa ikapitong taon nito, nagpupunyagi ang BHB sa digmang bayan, mula sa dulo ng Luson hanggang Mindanaw.”

—Sumusulong ang rebolusyon sa ika-7 taon ng batas militar (Ang bayan, Bolyum X, Bilang 17, Setyembre 9, 1978)

7) “Our people’s war is still in this early substage, but we are now in the process of moving on to the advanced substage of the strategic defensive. The Party, New People’s Army and the revolutionary mass movement are now making every effort to consolidate their ranks for this advance towards a higher level of the armed struggle.

Side by side with the national democratic revolution under Party leadership is the armed struggle being waged by the Moro people for their right to self-determination, under the leadership of the Moro National Liberation Front (MNLF).”

—Dictatorship is in grave crisis on eighth year of Martial Law (Ang Bayan, Special Issue, September 21, 1979)

“The U.S. imperialist-dominated Philippine economy is in shambles as the inflation rate climbs steadily to the 30-percent mark. More and more of the worker and peasant masses are being reduced to eating lugaw (rice porridge) or just two meals a day.

Desperate over the growing protest of the people throughout the land, the U.S.-Marcos fascist dictatorship has intensified its open terrorism. It is increasingly resorting to massacres and such barbarities as beheading its victims.

The national democratic revolution is resolutely surging onward in all 10 regions of the country. The Communist Party of the Philippines, the New People’s Army and the revolutionary mass movement are now preparing to shift to a higher level of the strategic defensive in the people’s war.”

8) “Digmang bayan—sagot sa batas militar!” Nang unang isigaw ng masa ang islogang ito, maliit at mahina pa ang Bagong Hukbong Bayan at kakaunti pa ang alam at nagagawa ng rebolusyonaryong kilusan tungkol sa armadong pakikibaka.”

“(N)ailatag na sa bawat pangunahing parte ng Pilipinas ang baseng masa na sapat ang tatag at lawak para mailarga ang pakikidigmang gerilya. Ikalawa, nabuo ang mas maraming ganap na yunit gerilya na ang prinsipal na tungkulin ay sa gawaing militar. At ikatlo, nakatayo na sa mga larangang gerilya ang mga panteritoryong organisasyon ng Partido na tumitiyak na tuluy-tuloy at lahatang-panig na pag-aasikaso sa iba’t ibang gawain.”

—Tagumpay ng digmang bayan, isinusulong ng hukbo at masa (Ang Bayan, Bolyum XIV, Bilang 2, Marso 31, 1982)

9) “Apat na raan at dalawampu’t isang malalakas na riple at dalawang maiikling baril ang nahakot ng BHB nang isagawa ng isang yunit nito ang walang-putok na reyd sa armory ng Visayas Maritime Academy sa Bacolod City noong Marso 25.

Sa buong kasaysayan ng BHB, ito ang pinakamalaking bilang ng armas na nakumpiska sa iisang operasyon. Ang dating rekord ay ang 84 na malalakas na armas na nakumpiska sa Zamboanga del Sur noong Enero. Nauna pa rito, pinakamalaki ang mga kumpiskasyon sa Mabini, Davao del Norte, noong 1982 (49 na riple), sa Mabalacat, Pampanga noong 1976 (43), at sa Philippine Military Academy sa Baguio City noong 1971 (43 rin).”

—423 armas sa isang reyd…mahigit 100 sa isa pa (Ang Bayan, Bolyum XVII Bilang 2, Abril 1985)

 

 

Mahahalagang Dokumento


DOWNLOAD

1) Partikular na Katangian ng Ating Digmang Bayan (Specific Characteristics of Our People’s War)

Ang “Specific Characteristics of Our People’s War” na inakda ni Amado Guerrero para sa Komite Sentral ng Partido, ay inilabas noong Disyembre 1, 1974, humigit-kumulang dalawang taon matapos ideklara ang batas militar. Isa itong paglalapat ng unibersal na teorya ng Marxismo-Leninismo-Maoismo at ng pangkalahatang estratehiya at mga prinsipyo ng digmang bayan sa kongkretong kalagayan ng bansa. Inilahad ng dokumento na ito ang mga partikular na taktika kung papaano isusulong ang digmang bayan sa Pilipinas na pulu-pulo at mabundok, at papaanong ang maliit at mahinang hukbong bayan ay lalaki at lalakas para gapiin ang kaaway.


DOWNLOAD

2) Ang Mahihigpit Nating Tungkulin (Our Urgent Task)

Ang “Mahihigpit Nating Tungkulin” ay inakda ni Amado Guerrero ay unang inilathala noong Hulyo 30, 1976 sa pinakaunang edisyon ng Rebolusyon, ang lathalaing teoretiko ng Partido. Nilalaman nila ang mga resolusyon at hanay ng mga tungkuling binuo ng Ikatlong Plenum ng Komite Sentral na nagsaalang-alang obhetibong kalagayang sosyo-ekonomiko at pampulitika, at suhetibong kalagayan ng mga rebolusyonaryong pwersa. Sa gabay ng Mahihigpit Nating Tungkulin, tuluy-tuloy na lumakas ang pakikibaka ng sambayanang Pilipino laban sa diktadurang Marcos at lahatang-panig na sumulong ang rebolusyonaryong kilusan, higit lalo ang armadong pakikibaka sa buong bansa.

ML51