Balita

Di-tapos na mega health center sa Cagayan de Oro, binatikos

,

Sinisingil ngayon ng mga Kagay-anon ang lokal na gubyeno ng Cagayan de Oro at kasosyo nitong kontraktor kaugnay sa di tapos na Mega Health Building sa Sityo Macanhan, Barangay Carmen sa Cagayan de Oro. Nagkakahalaga ang naturang proyekto ng ₱65 bilyon. Sinimulan ito noong Marso 2023 at dapat natapos noong Enero 2025. Pero ang nakatayo lamang sa lugar ngayon ay mga bakal na istruktura na ginagamit na sampayan ng mga residenteng nakatira malapit sa lugar.

Sinabi ng kontraktor nitong Nurben Engineering and Building Construction na 15% lamang ng pondo ang ibinigay dito ng lokal na gubyerno mula nang simulan ang proyekto. Sinuspinde nito ang konstruksyon nang hindi ito binayaran ng syudad. Ayon naman sa kasalukuyang meyor ng syudad na si Klarex Uy, tinakasan ng kontraktor ang proyekto at wala daw pagkakautang ang lokal na gubyerno. Anupaman ang dahilan, animo’y tinapos na lamang ng administrasyon ni Uy ang usapin at sinabing isasabak na lamang muli ang proyekto sa bidding. Magkakaroon na lamang ito ng bagong kontraktor at bagong pondo.

Tanong ng Kabataan Partylist-Cagayan de Oro, saan napunta ang pera ng mamamayan? Hinimok ng grupo ang mga Kagay-anon na tipunin ang galit sa ganitong mga proyekto at kumilos para tapusin ang sistemikong korapsyon sa lokal at pambansang antas.

Noong Nobyembre 24, kaisa ang grupo sa isinagawang Interfaith Prayer sa lugar kung saan nakatayo ang di tapos na mega health center.

AB: Di-tapos na mega health center sa Cagayan de Oro, binatikos