Balita

Lider kababaihan sa Cagayan Valley, ginigipit ng 17th IB

, ,

Mariing kinukundena ng grupong Tanggol Magsasaka Cagayan Valley ang kamakailang paggigipit at pananakot ng mga elemento ng 17th IB kay Jacqueline Ratin, lider pesante at kababaihan sa rehiyon.

Ayon sa grupo, tuluy-tuloy ang sarbeylans at intimidasyon ng mga sundalo kay Ratin. Noong Hulyo 28 ng umaga, isang sundalo mula sa 17th IB at isang indibidwal ang nagtanong tungkol sa kanya sa upisina ng barangay ng Gabut, Amulong, Cagayan. Nangyari ang insidente matapos tumulong ni Ratin sa pag-aayos ng disaster relief operation sa probinsya.

Si Ratin ay dating ika-9 na nominado ng Gabriela Women’s Party at tagapangulo ng Amihan Cagayan Valley. Noong pang 2018 siya ginigipit ng estado.

AB: Lider kababaihan sa Cagayan Valley, ginigipit ng 17th IB