Balita

Mahigit kalahati ng DH sa Hong Kong, hindi sinasahuran nang tama

,

Noong Setyembre 1, inilathala ng Mission for Migrant Workers (MFMW) ang kanilang pananaliksik hinggil sa kalagayan ng mga migranteng kasambahay sa Hong Kong bilang suporta sa panawagan na itaas ng minimum na sahod ng mga kasambahay sa HK$6,172 habang kinukundena ang panawagang pag “freeze” sa sahod ng grupong maka-kapitalista.

Nananawagan rin MFMW para itaas ang food allowance ng mga kasambahay tungong HK$3,123 kada buwa mula sa kasalukuyang HK$1,236.

Ayon sa datos ng MFMW, 58% ng migranteng kasambahay sa Hong Kong ay tumatanggap ng mas mababa sa minimum na sahod na HK$4,990. Ang malala, 14% sa mga kasambahay na hindi sinasahuran nang tama. Dahil kulang, napipilitan silang umutang para punuan ang depisit sa kanilang pangangailangan. Dahil dito, isa sa bawat apat na kasambahay ay lubog sa utang. Samantala, may utang rin ang mga bagong salta na migranteng kasambahay sa mga ahensyang nagpadala sa kanila sa Hong Kong.

Ang 60% ng sweldo ng mga DH ay pinapadala nila sa kanilang pamilya.

“Habang nananawagan tayo para sa mas maayos na kondisyon sa paggawa at ligal na protection para mga migranteng kasambahay, dapat patuloy na ipanawagan ang pagpapataas ng kanilang sahod bilang pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa lipunan ng Hong Kong at matiyak ang kanilang dignidad at seguridad sa pinansya,” pahayag ng MFMW.

AB: Mahigit kalahati ng DH sa Hong Kong, hindi sinasahuran nang tama