Balita

Mga guro, nanawagan ng tulong para sa mga sinalanta ng lindol sa Davao

Nanawagan ang Tulong Guro sa ilalim ng Alliance of Concerned Teachers-Davao Region X1 ng agarang tulong para sa mga nasalanta sa serye ng malalakas na lindol sa Davao Region kung saan 12 ang naitalang namatay, daan-daan ang nasugatan at marami ang nawalan ng bahay.

Dalawang magkasunod na lindol ang yumanig sa Davao noong Oktubre 10, alas-9:43 ng umaga na may lakas na 7.4 magnitude at isa pa sa alas-7:12 ng hapon na may lakas na 6.7–6.8 magnitude na may epicenter sa Philippine Trench, malapit sa baybay ng Manay, Davao Oriental. Ramdam ang pagyanig sa buong isla ng Mindanao hanggang isla ng Leyte. Mula noon hanggang Oktubre 13, dumanas ng mahigit 1,200 aftershock ang mga rehiyon ng Davao. Ayon sa Philvocs (Philippine Institute of Volcanology and Seismology), maaring makumplika pa ang sitwasyon ng mga nasalanta ng mga pagguho ng lupa dulot ng walang tiigl na pag-ulan. Sa ngayon, umaabot sa 5,000 pamilya ang napilitang sumukob sa mga evacuation center.

Noong Oktubre 12, bumisita sa Davao City si Titser Ruby Bernardo, bagong halal na presidente ng ACT para personal na kumustahin ang kalagayan ng mga gruo at kababayan na apektado ng lndol. Kasabay ng kanyang pagbista ang pagsasagawa ng relief operation ng Tulong Guro.

AB: Mga guro, nanawagan ng tulong para sa mga sinalanta ng lindol sa Davao