Mga riders sa CDO, nanawagan ng benepisyo at seguro

Naglunsad ng pakilos ang mga tagadeliber ng Food Panda sa Cagayan de Oro City noong Pebrero 21 para ipanawagan na bigyan sila ng mga benepisyo at seguro ng kumpanya. Ang kilos-protesta ay isinagawa matapos mamatay sa isang hit-and-run si Jasper Dalman, 19 na taong gulang na Food Panda rider noong Pebrero 19. Naganap ang trahedya habang siya’y nasa trabaho.

Ayon sa lokal na organisasyon ng mga rider sa Cagayan de Oro, dapat bigyan ng Food Panda ng pinansyal na tulong ang pamilya ni Dalman, kabilang ang bereavement assistance o ayuda para sa pagdadalmhati ng pamilya. Kasabay nito, nananawagan sila sa kumpanya at lahat ng mga delivery platform na tiyaking may kumprehensibong seguro ang lahat ng kanilang mga rider. Ayon sa grupo, isa si Dalman sa mga nagtayo ng Cagayan de Oro United Riders of the Philippines, lokal na balangay ng Riders of the Philippines.

AB: Mga riders sa CDO, nanawagan ng benepisyo at seguro