Balita

Nakaambang tanggalan sa Coca-Cola Cebu, kinundena ng mga manggagawa

,

Kinundena ng Alyansa sa mga Mamumuo sa Sugbo-Kilusang Mayo Uno (AMA Sugbo-KMU) ang nagkaambang pagsisane ng Coca Cola sa 200 manggagawa sa pagawaan nito sa Cebu. Kasama sa sinisante ang lahat ng kasapi ng Progressive Workers Association in Exeltech and Manpower Services Incorporated-Coca-cola Cebu (PWAETMSICCC-IBM-KMU).

Gagawin ang malawakang pagsisisante at pagbubuwag sa unyon sa pamamagitan ng pagpapalit ng manpower agency na pinagkukunan ng kumpanya ng mga manggagawa. Mula sa kakontrata nitong Exel-Tech Manpower and Services, lumipat ang kumpanya sa manpower agency na Xisco. Marami sa mga tinanggal ay 12 hanggang 17 taon nang nagtatrabaho sa kumpanya.

“Malinaw na atake ito sa katiyakan sa trabaho at tangka na buwagin ang unyon,” ayon sa pahayag ng AMA Sugbo-KMU noong Enero 13. Imbes na gawing regular ang mga manggagawa alinsunod na utos ng Department of Labor ang Employment, tusong inilusot ng Coca Cola ang tanggalan sa tabing ng “end of contract” sa manpower power agency nito. Panawagan ng grupo ang regularisasyon at di terminasyon, at pagwawakas ng lahat ng porma ng kontraktwalisasyon.

AB: Nakaambang tanggalan sa Coca-Cola Cebu, kinundena ng mga manggagawa