Oplan Pinta, tugon ng kabataan sa militarisasyon sa Sorsogon

,

Para ipakita ang nag-aalburutong galit ng mamamayan sa patuloy na pasistang mga pag-abuso ng 31st IB sa mga barangay ng Donsol, Sorsogon, naglunsad ang mga kabataan ng “oplan pinta” sa kahabaan ng mga kalsada tungo sa sentro ng Donsol.

“31st IB, layas! Mamamatay-tao!” “AFP Terorista!” “Oust Marcos Jr!” ang ilan sa matatapang na salitang ipininta ng mga kabataan. Pagbibigay-boses ito sa mamamayan ng Donsol na tumatakwil sa operasyong panghahalihaw ng mga pasistang tropa ng militar sa kanilang bayan.

Ayon sa kabataan, tugon nila ito sa pangpapaulan ng bala ng dalawang elemento ng 31st IB noong ika-4 ng Agosto sa bahay ni Kapitan Erwin Vista ng Barangay Alin na siya ring presidente ng Association of Barangay Captains (ABC). Matatandaang naglunsad ng operasyon RCSP ang mga sundalo sa naturang barangay noong buwan ng Agosto.

Maliban sa mga operasyong kombat sa bayan ng Donsol, naglulunsad rin ng RCSP sa Barangay Migabod at Barangay Catamlangan sa bayan ng Pilar. (Radyo Bulusan)

AB: Oplan Pinta, tugon ng kabataan sa militarisasyon sa Sorsogon