Archive of AB Dailies

60,000 pulis, idedeploy sa bansa kontra-rali sa Mayo Uno
April 30, 2023

Inianunsyo ngayong araw ng Philippine National Police (PNP) ang pagdedeploy ng sobra-sobrang bilang ng mga pulis sa buong bansa para “panatilihin ang kaligtasan” bukas, Pandaigdigang Araw ng Paggawa. Kalakaran na ng PNP at estado na pigilang makapagtipon ang mga manggagawa sa araw na ito. Ayon kay Gen. Benjamin C. Acorda Jr, hepe ng PNP, magpapakilos […]

Pulang mandirigmang maysakit sa kidney, sadyang pinatay ng 62nd IB sa Negros
April 30, 2023

Namamaga ang paa ng Pulang mandirigmang si Anthony Curson (Ka Miguel) dulot ng sakit sa kidney nang dakpin at sadyang pinatay ng 62nd IB noong Abril 28 sa Sityo Malatanglad, Barangay Budlasan, Canlaon City. Liban dito, isang magsasaka ang dinampot at sinampahan ng gawa-gawang kaso ng mga sundalo. Ayon sa ulat, si Curson ay nagpapahinga […]

2 tropa ng 70th IB, napatay sa engkwentro sa BHB-Bulacan
April 30, 2023

Dalawang sundalo ng 70th IB ang napatay sa isang engkwentro sa yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Bulacan sa Sityo Balagbag Araw, Barangay San Isidro, San Jose del Monte, Bulacan noong Abril 28 ng umaga. Ayon sa ulat ng yunit, na-engkwentro nila ang nag-ooperasyong tropa ng 70th IB sa naturang lugar. Walang kaswalti sa panig ng […]

Grades 11 at 12, walang saysay
April 30, 2023

Dapat ibasura na ang programang K-12 at ibalik sa dating anim na taon ang elementarya at apat na taon ang hayskul. Ito ang paulit-ulit na panawagan ng Alliance of Concerned Teachers. Sa isang pahayag noong Abril 27, tinawag nitong “walang saysay” ang idinagdag na Grade 11 at 12, at sinabing wala ni isang pananaliksik ang […]

Agresibong aksyon ng Chinese Coast Guard sa Ayungin Shoal, binatikos
April 29, 2023

Binatikos ng pambansa-demokratikong grupo na Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang naiulat na agresibong aksyon ng Chinese Coast Guard laban sa BRP Malapascua, barkong Pilipino, na papunta sa Ayungin Shoal. Ayon sa grupo, “walang kahit anong karapatan ang China na harangin ang akses ng Pilipinas sa sarili nitong exclusive economic zone (EEZ)”, kung saan bahagi ang […]

Paggunita sa ika-50 Anibersaryo ng NDFP, idinaos sa Australia
April 29, 2023

Nagtipon ang iba’t-ibang pang-masang rebolusyonaryong organisasyon ng migranteng Pilipino mula sa Compatriots, Kabataang Makabayan (KM) at Christians for National Liberation (CNL), mga organisasyong nakapaloob sa NDFP, kasama ang masa at mga kinatawan ng mga solidarity groups, para sa pagdiriwang at paggunita ng ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Idinaos […]

62.4 ektaryang lupa, nakamit ng mga magsasaka ng Tinang
April 29, 2023

Matapos igiit ng mga magsasaka, naglabas ng atas ang Department of Agrarian Reform (DAR) noong Abril 26 para ipamahagi na ang 62.3 ektaryang lupa sa 90 magsasaka bilang agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa Hacienda Tinang sa Concepcion, Tarlac. Ayon sa grupong Malayang Kilusang Samahang Magsasaka ng Tinang (MAKISAMA-Tinang), “walang karapatan ang nakakamit nang hindi ipinaglalaban!” […]

AFP, humingi ng dagdag na baseng EDCA para sa “proteksyon”
April 29, 2023

Kinumpirma kahapon, Abril 28, ng tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines ang planong dagdagan pa ang siyam nang “lokasyong EDCA” o mga base militar ng US sa bansa. Sa isang panayam, binigyang-katwiran ito ni Col. Medel Aguilar, tagapagsalita ng AFP, sa pagsasabing kailangan ng Pilipinas ng “360-degree” o lahatang-panig na proteksyon. Kabalintunaang panawagan ni […]

Walang patid na war games ng US sa Pilipinas, binatikos
April 28, 2023

Nagpiket ang 100 katao mula sa iba’t ibang pambansa-demokratikong organisasyon sa harap ng embahada ng US kahapon, Abril 27, matapos ianunsyo ang pagsisimula ng isa na namang “pagsasanay militar” sa pagitan ng US at Pilipinas. Gaganapin ito sa Clark Airbase sa Pampanga at magtatagal hanggang Mayo 12. Sisimulan sa Mayo 1, dalawang araw lamang matapos […]

Pasaning buwis ng masang Pilipino, dadagdagan pa ni Marcos
April 28, 2023

Inianunsyo ng Department of Finance noong Abril 25 ang target nitong abuting ₱500 bilyong dagdag na rebenyu mula sa buwis simula 2025. Planong abutin ang target na ito sa pamamagitan ng pagpataw ng dagdag pang mga buwis sa masang Pilipino. Mula sa ₱3.73 trilyong ngayong taon, ang malilikom na buwis ay maaring umabot sa ₱6.62 […]