Archive of AB Dailies

Live-fire exercises ng AFP sa Claveria, abala sa mamamayan
May 05, 2023

Ilang beses nagpaputok ng kanyon ang mga tropa ng 58th IB at 4th Field Artillery Battalion sa Sityo Man-ibay, Barangay Aposkahoy, Claveria, Misamis Oriental noong Abril 26 bilang bahagi ng live-fire exercises ng mga sundalo. Labis na kaba at abala ang idinulot nito sa mga residente at kanilang mga kabuhayan. Nagpahayag ng pagkadismaya ang mga […]

Pribatisasyon ng NAIA, tulak ng US at kasosyo nitong mga kumprador
May 04, 2023

Ilang araw bago ng isa na namang “brownout” sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Mayo 1, ibinalita ang muling pagkakabuo ng kalipunan ng ilang malalaking negosyante na nagtutulak para sa pribatisasyon nito. Nagbigkis ang anim na pinakamalalaking burgesya-kumprador sa Pilipinas, kasosyo ang mga kapitalistang Amerikano, para kunwa’y “kumpunihin” o i-upgrade ang pangunahing paliparan sa […]

Mga rebolusyonaryo at progresibo, muling sinensor ng Twitter at Facebook
May 04, 2023

Sunud-sunod na sinuspinde o binantaang isuspinde ng Twitter at Meta, kumpanyang may-ari ng Facebook, ang rebolusyonaryo at progresibong mga akawnt sa mga platfom nito mula nakaraang linggo. Pinakahuli dito ang pag-restrict o paglimita ng Meta sa Facebook account ng Bulatlat kahapon, Mayo 3, sa araw mismo ng malayang pamamahayag. Ayon sa alternatibong website, nakatanggap ito […]

Magsasaka, pinatay ng 94th IB; anak nito, pinagbabaril din
May 04, 2023

Isang magsasaka ang dinampot ng 94th IB mula sa kanyang bahay sa Sityo Paloypoy, Barangay Buenavista sa Himamaylan City kahapon at saka ginapos, ininteroga at pinatay sa pamamaril ng mga sundalo. Kinilala ang biktima bilang si Crispin Tingal Jr. Si Tingal ay isang sibilyang magsasaka sa kanilang lugar. Kauuwi lamang niya sa kanilang bahay mula […]

Tigil-pasada, ikakasa ng mga drayber at opereytor sa Bacolod City
May 04, 2023

Maglulunsad ng tigil-pasada ang mga drayber at opereytor ng mga dyip sa Bacolod City sa darating na Mayo 8. Ipapanawagan ng mga grupo sa pangunguna ng No To Jeepney Phaseout Movement Negros ang pagbabasura sa City Ordinance 966 o ang Local Public Transport Route Plan (LPTRP) na nagsasapanganib sa kabuhayan ng mga nagpapatakbo ng tradisyunal […]

Karapatan sa malayang pamamahayag, patuloy na sinisikil
May 04, 2023

Sa halos isang taong pamumuno ng rehimeng Marcos Jr sa bansa, patuloy na naitatala ng grupong National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang maraming kaso ng paglabag sa karapatan sa malayang pamamahayag. Inilabas ng NUJP ang ulat na ito kahapon, kasabay ng paggunita sa World Press Freedom Day. Pahayag ng grupo, habang mayroong […]

Itigil ang biglaang pagtaas ng singil sa kuryente ng Meralco—Makabayan
May 04, 2023

Binatikos ni Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas ang pagpapatupad ng Manila Electric Company’s (Meralco) ng dagdag na singil sa kuryente nitong linggo. Idinadahilan ng kumpanya ang pagsirit ng demand sa panahon ng matinding tag-init. Papatong pa ang taas-singil sa plano ng kumpanya na pagkulekta ng ₱7.9 bilyon na sinasabi nitong […]

Red-tagging at panggigipit sa mga maralita sa Caloocan, binatikos
May 04, 2023

Kinundena ng grupo ng maralita na Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) ang pagpapatipon at pang-reredtag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga maralitang lunsod na kasapi ng Zone One Tondo Organization (ZOTO) at Koalisyon ng Maralita (KnM) sa Caloocan City noong Abril 22. Pinalalabas ng DSWD na ang 300 myembro ng naturang […]

Mga manggagawang pangkalusugan, magmamartsa para sa dagdag sahod at regularisasyon
May 04, 2023

Inianunsyo kahapon ng mga manggagawang pangkalusugan na nagbuklod sa ilalim ng grupong Health Workers United for Wage Fight (HWUWF) ang nakatakdang martsa nila sa darating na Mayo 5 para manawagan ng dagdag sahod, mga benepisyo, regularisasyon at disenteng trabaho. Kaugnay ito ng paggunita sa National Health Workers’ Day sa darating na Mayo 7. Ang grupo […]

Presyo ng asukal, tumaas sa gitna ng importasyon
May 03, 2023

Hindi bumaba kundi tumaas pa ang presyo ng asukal matapos dumagsa ang imported na asukal sa bansa. Sumirit ang presyo nito tungong ₱136 kada kilo sa ilang mga tindahan nitong nakaraang mga linggo, ayon sa ulat kamakailan ng Sugar Regulatory Administration (SRA). Sa tala ng SRA, ang presyong tingi ng repinadong asukal sa mga grocery […]