Archive of AB Dailies

2 tagapagtanggol ng karapatan ng katutubo, dinukot ng militar
April 28, 2023

Pinaghihinalaang dinukot ng mga sundalo ang dalawang sibilyan sa Sityo Buol, Barangay Santa Teresita, Mansalay, Oriental Mindoro noong Abril 24. Sa ulat ng grupong Karapatan-Southern Tagalog, tatlong araw nang hindi matunton ang kinaroroonan nina Mary Joyce Lizada at Arnulfo “Ompong” Aumentado, mga tagapagtanggol ng karapatan ng mga katutubo at kasapi ng Bigkis at Lakas ng […]

Sapat na produksyon, sagot sa napipintong kasalatan sa pandaigdigang suplay ng bigas
April 28, 2023

Napipinto ang kasalatan ng suplay ng bigas sa buong mundo ngayong 2023, ayon sa isang pananaliksik ng Fitch Solutions Country Risk & Industry Research na may petsang Abril 4. Sa taya ng Fitch, posibleng umabot sa 8.7 milyong tonelada ang kukulangin sa suplay. Huling nagkaroon ng malaking kakulangan sa suplay noong 2004. Kabilang sa ibinigay […]

Brutal na pagpaslang sa mga Tiamzon at Catbalogan 10, pinaiimbestigahan
April 27, 2023

Lumalakas ang panawagan ng mga demokratikong grupo, abugado at tagapagtanggol ng karapatang-tao na imbestigahan at isiwalat ang katotohanan tungkol sa brutal na pagpaslang ng Armed Forces of the Philippines kina Benito at Wilma Tiamzon (Ka Laan at Ka Bagong-tao) noong Agosto 21, 2022. Kasama ng mga Tiamzon na pinatay ng AFP sina Ka Divino (Joel […]

All Philippine Trade Unions, magmamartsa sa Mayo Uno
April 27, 2023

Naglunsad ng pagtitipon ang iba’t ibang mga sentrong unyon at samahan sa ilalim ng All Philippine Trade Unions (APTU) noong Abril 26 para ianunsyo ang pagsasama-sama nila sa pagmartsa sa darating na Pandaigdigang Araw ng Paggawa sa Mayo 1. Ayon sa APTU, magmamartsa ang 10,000 manggagawa mula España patungo sa Mendiola sa Maynila para igiit […]

Unyonista sa industriya ng BPO, pinatay sa Bacolod City
April 27, 2023

Nanawagan ng hustisya ang grupong BPO Industry Employees Network (BIEN) Philippines sa pagpaslang sa unyonista at kasapi nitong si Alex Dolorosa sa Bacolod City. Natagpuan ang kanyang bangkay sa Villa Sto. Rosario, Barangay Alijis noong Abril 24. Ayon sa BIEN Philippines, si Dolorsa ay isang paralegal at unyonista-organisdor ng balangay nito sa Bacolod City. Bahagi […]

Pakanang pag-deactivate ng social media accounts ng di rehistradong SIM Card, binatikos
April 27, 2023

Mahigpit na binatikos ng Computer Professionals Union ang balak ng Department of Information, Communication and Technology (DICT) na dahan-dahang pag-deactivate ng mga social media account ng mga di pa nakarehistrong SIM Card. Pinalutang ang pakana matapos mapwersa ang gubyernong Marcos at mga kumpanya sa telekomunikasyon na palawigin ng 90 araw ang pwersahang SIM registration. Halos […]

Ika-50 anibersaryo ng NDFP, ipinagdiwang sa Central Negros
April 24, 2023

Dalawang araw ipinagdiwang nga Bagong Hukbong Bayan-Leonardo Panaligan Command sa isang liblib na lugar sa larangang gerilya ang ika-50 Anibersaryo ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa gitna ng walang habas na mga pamamamaslang ng pasistang militar at operasyong militar sa larangan. Dinaluhan ng isang platun ng BHB at mga kasapi ng PKP […]

Konsultant ng NDFP sa Negros, sadyang pinatay
April 23, 2023

Buong kasinungalingang ibinalita ng 3rd ID noong Abril 22 ang diumano’y pagkapaslang ng kanilang tropa kay Rogelio Posadas sa “serye ng mga labanan” sa madaling araw ng Abril 20 sa pagitan ng 94th IB at “20-kataong tropa” ng Bagong Hukbong Bayan sa mga barangay ng Isabela, Negros Occidental. Konsultant ng National Democratic Front of the […]

₱45/araw dagdag sahod, mga benepisyo, nakamit ng manggagawa ng Globesco
April 22, 2023

Nagtagumpay ang mga manggagawa ng Globesco, isang kumpanya na nagpapanupaktura ng pintura sa Quezon City, sa pangunguna ng unyon nilang Globesco Free Workers Union, sa pagkamit ng dagdag sahod at karagdagang mga benepisyo sa Collective Bargaining Agreement (CBA) ng unyon at maneydsment noong Abril 18. Ayon sa ulat ng Alliance of Nationalist and Genuine Labor […]

Magsasaka, pinatay ng 62nd IB sa Negros Occidental
April 22, 2023

Labag sa internasyunal na makataong batas na pinatay ng mga sundalo ng 62nd IB ang magsasakang si Jose “Jojo” Albores Jr noong Abril 18 sa Sityo Upper Tiyos, Barangay Quintin Remo, Moises Padilla, Negros Occidental. Pinalalabas ng mga sundalo na mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) si Albores at napatay sa isang “engkwentro.” Ayon sa […]