Balita

Pamilya ng nawawalang OFW sa Saudi Arabia, nananawagan ng hustisya

,

Nagprotesta ang grupong Samahan ng mga DH sa Gitnang Silangan (SANDIGAN) kasama ang pamilya nawawalang OFW na si Divina Yap sa harap ng Department of Migrant Workers (DMW) noong Nobyembre 14. Siningil nila ang kagawaran sa kawalang aksyon nito sa kaso ni Yap. Nanawagan din sila ng hustisya para sa nawawala nilang kamag-anak.

Noon pang 2023 huling nakausap ng kanyang pamiya si Yap. Noong Nobyembre 14 sa taong iyon, nagtext siya sa kanyang kapatid at sinabing nanganganib ang kanyang buhay. Nang magfollow-up ang kanyang kapatid, inulat ng amo ni Yap na tumakas ito. Nakipagsapalaran sa ibang bansa si Yap para bigyan ng maayos na buhay ang kanyang anim na anak.

Magtatapos na lamang ang 2025, wala pa ring balita ang kanyang pamilya kung ano na ang nangyari sa kanya. Ayon sa pamilya, dumulog na sila sa iba’t ibang ahensya ngunit bigo silang makakuha ng anumang balita o tulong.

Kinundena ng SANDIGAN ang kapabayaan ng kagawaran sa mga migrante sa labas ng bansa at sa mabagal na proseso at pagresponde sa karaingan ng mga migrante.

AB: Pamilya ng nawawalang OFW sa Saudi Arabia, nananawagan ng hustisya