Archive of AB Dailies

Konseptong community pantry, tinatangkang sapawan ng PNP
April 28, 2021

Balita kahapon ang inilabas na memorandum ng Philippine National Police-Region 10 na nag-uutos sa mga presinto na magtayo ng kanilang bersyon ng community pantry na tatawaging “Barangayanihan.” Ipinag-utos ng memo na “magtanim” ng mga benepisyaryo, at kunan sila ng litrato para ipalaganap sa social media, para diumano ipakita ang “pasasalamat” ng mga tao. Ito ay […]

Palpak na pagtugon ng rehimeng Modi ng India sa Covid-19
April 28, 2021

Balita ngayon ang paglaganap ng mga panawagang #ResignModi, #SuperSpreaderModi, at #WhoFailedIndia sa social media para igiit ang pagbibitiw ni Prime Minister Narendra Modi dulot ng kanyang palpak na pagtugon nito sa pandemyang Covid-19 na nagresulta sa napakabilis na pagkalat ng bayrus sa India sa nakalipas na mga linggo. Sa ngayon, pumapalo na sa halos 18 […]

Abril 27 | Abangan: Mas matataas pang presyo ng tinapay, mantika at karne
April 27, 2021

Nakatakdang tumaas pa ang mga presyo ng pagkain sa susunod na mga buwan dulot ng tuluy-tuloy na pagtaas ang presyo ng mga batayang produktong pagkain sa pandaigdigang pamilihan. Ayon sa Bloomberg Agriculture Spot Index, tumataas ang mga presyo ng trigo, mais at soybeans sa pandaigdigang pamilihan sa pinakamataas na antas nito mula 2013 kahapon, Abril […]

Abril 26 | Pinatahimik sina Badoy at Parlade sa pangrered-tag, pero hindi ang mga kumand ng AFP
April 26, 2021

Balita kahapon ang pagbabawal ng National Security Council sa dalawang tagapagsalita ng NTF-ELCAC na magkomento matapos umani ng kaliwa’t kanang batikos ang kanilang pangrere-redtag sa organisador ng community pantry na si Anna Patricia Non sa Maginhawa St. sa Quezon City. Pinatahimik ni Hermogenes Esperon, hepe ng NSC, sina Gen. Antonio Parlade at Usec. Lorraine Badoy […]

(EARTHDAY PHILIPPINES 2021) Mapanirang Build, Build, Build: Bakawan at kagubatan sa Surigao del Sur, sinira ng mga proyektong daan
April 26, 2021

Balita sa isang lokal na pahayagan noong Abril 22 ang mariing pagkundena ng mga residente at simbahan sa walang pakundangang pagkasira ng mga bakawan at kagubatan sa Surigao del Sur. Tatlumpung ektarya ng mangrove forest (bakawan) ang nasira sa konstruksyon ng 2.79-kilometrong daan na sinimulan noong 2018 at nakatakdang matatapos sa katapusan ng 2022. Libu-libong […]

(EARTH DAY PHILIPPINES 2021) Yamang mineral ng bansa, inihandog ni Duterte sa mga dayuhan
April 25, 2021

Pitong araw bago ang Earth Day, pinirmahan ni Rodirgo Duterte ang Executive Order 130 na nagwakas sa 9-na-taong moratoryum sa pagbubukas ng mga bagong minahan. Magpapahintulot ang kautusang ito sa pagsisimula sa mga operasyon ng di bababa sa 291 na aplikasyon sa pagmimina. Ipinataw ang moratoryum noong 2012 ng rehimeng Aquino sa mga ilang protektadong […]

(EARTH DAY PHILIPPINES 2021) Pamana ni Duterte: Maruming enerhiya
April 23, 2021

Ginunita sa buong mundo kahapon, Abril 22, ang Earth Day, ang taunang aktibidad na isinasagawa mula pa 1970 bilang pagpapahayag ng suporta sa kalikasan. Sa Pilipinas, inianunsyo ng rehimeng Duterte ang pakitang-gilas na pag-apruba nito ng Nationally Determined Contribution (NDC) ng bansa sa pagsisikap na mag-ambag sa pag-agapay sa global warming. Nakasaad dito ang pangako […]

Pulis na lumuhod sa leeg ni George Floyd, hinatulang “guilty” sa pagpatay
April 21, 2021

Balita kahapon ang paglabas ng hatol na “guilty” (maysala) kay Derek Chauvin, ang pulis na lumuhod sa leeg ni George Floyd, isang Itim, na naging sanhi ng kanyang pagkamatay noong Mayo 2020. inatulan ng 12-myembro na jury si Chauvin na maysala sa pagpatay kay Floyd matapos ang tatlong linggo pagdinig at 10 oras na deliberasyon. […]

Pensyon ng mga retiradong sundalo at pulis, pangatlong pinakamalaking aytem sa pambansang badyet
April 16, 2021

Balita nitong nakaraang mga linggo ang papalaking pondo para tustusan ang lumolobong pensyon ng mga retiradong sundalo at pulis. Noong Marso 25, naghapag ng panukala si House Speaker Lord Allan Velasco na dagdagan ng P54.6 bilyon ang pondong pangpensyon mula P152.9 bilyon na inilaan dito sa pambansang badyet. Ito ay matapos na kunwa’y “binawasan” ng […]

US, uuwing talunan mula sa Afghanistan
April 15, 2021

Balita kahapon ang anunsyo ni US Pres. Joseph Biden na itutuloy na ng US ang planong iuwi ang natitira pa nitong 2,500 tropang pangkombat sa Afghanistan simula Mayo 1 hanggang Setyembre 11. Ang naturang plano ay una nang inanunsyo ng dating presidente na si Donald Trump. Kasabay na aalis sa Afghanistan ang 7,000 pwersang militar […]