Archive of AB Dailies

Sibilyan, pinalalabas na NPA, pinatay ng 62nd IB sa Guihulngan City
January 16, 2023

Marahas na dinakip at pagkatapos ay pinatay ng mga sundalo ng 62nd IB ang sibilyang si Orlando Fat sa Sityo Banderahan, Barangay Trinidad, Guihulngan City noong Enero 10 ng umaga. Pinalalabas ng mga sundalo na nagkaroon ng bakbakan sa pagitan ng yunit nila at ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa naturang lugar nang limang minuto […]

Enero 14-21: Linggo ng pakikiisa sa mga bilanggong Palestino
January 15, 2023

Idineklara ng mga organisasyon para sa karapatang-tao at tagasuporta ng pakikibakang Palestino ang Enero 14-24 bilang linggo ng panawagan para sa pagpapalaya kay Ahmad Sa’adat at lahat ng mga Palestinong bilanggong pulitikal. Gugunitain sa linggong ito ang ika-21 taong pagkukulong ng pasistang mga pwersang Israel kay Ahmad Sa’adat na unang ikinulong ng Palestinian Authority noong […]

Tangkang kudeta sa Brazil, itinakwil ng mga manggagawa at mamamayan
January 15, 2023

Itinakwil ng mga manggagawa at mamamayang Brazilian ang naganap na tangkang kudeta noong Enero 8 laban sa halal na presidente ng bansa na si Luiz Inácio Lula da Silva (kilala bilang Lula). Kaugnay nito, nakikiisa ang komite ng International League of Peoples’ Struggles para sa Latin America at Carribean sa panawagan ng aktibong pagpapakilos laban […]

Ilitaw ang dalawang nawawalang aktibista sa Cebu, giit ng pamilya
January 14, 2023

Nagpiket kaninang umaga ang mga kapamilya at kaibigan ng dalawang aktibistang sina Dyan Gumanao at Armand Dayoha sa Police Regional Office ng Central Visayas (PRO-7) sa Cebu para igiit ang kagyat na paglilitaw sa dalawa. Hinihinala ng mga progresibong grupo na dinukot sila ng mga ahente ng estado matapos paulit-ulit na naging biktima sila ng […]

Serye ng pambobomba sa N. Samar, takot at pinsala ang hatid sa masa
January 14, 2023

Hindi bababa sa tatlong serye ng pambobomba ang inilunsad ng mga pwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa prubinsya ng Northern Samar noong huling kwarto ng 2022. Lubhang naapektuhan nito ang mga sibilyang komunidad, kabuhayan at buhay ng mga residente. Liban dito, naitala ang isang kaso ng karumal-dumal na pagmasaker sa mga sibilyan. […]

17 raliyistang Peruvian, minasaker ng mga pwersa ng estado
January 13, 2023

Minasaker noong Enero 9 ng mga pwersang panseguridad ng Peru ang 17 raliyistang Peruvian na tumututol sa pang-aagaw ni Dina Boluarte, bise presidente ng bansa, sa pinakamataas na pwesto ng estado sa pamamagitan ng “kudeta sa parlamento.” Naganap ang masaker sa syudad ng Juliaca sa katimugang bahagi ng bansa. Nasa 68 iba pa ang malubhang […]

7,000 nars, nagwelga sa US
January 12, 2023

Ikinasa ng mga asosasyon ng nars sa New York, US ang kanilang welga noong Enero 9 para igiit ang pagtitiyak ng ligtas na patient-to-staff ratio, makatarungang sahod at pagpapanatili ng kanilang mga benepisyo. Mahigit 7,000 nars mula sa dalawang malaking ospital sa ilalim ng New York State Nurses ang bumoto na magwelga, matapos tumanggi ang […]

Pamasahe sa LRT, nakatakdang itaas
January 12, 2023

Sa gitna ng nagmamahalang presyo ng pagkain, mataas na singil sa kuryente at tubig at pagbabalik ng pamasahe at pribatisasyon ng sistemang bus sa EDSA, itataas naman ngayon ng rehimeng Marcos ang pamasahe sa LRT. Ibinalita noong Enero 11 na inaprubahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang dagdag pamasahe sa LRT 1 […]

Kasunduang Pilipinas-China para sa eksplorasyon sa WPS, ibinasura
January 12, 2023

Idineklara ng Korte Suprema noong Enero 10 na labas sa konstitusyong 1987 ang Tripartite Agreement for the Joint Marine Seismic Undertaking (JMSU), isang kasunduang pinasok ng noo’y rehimeng Macapagal-Arroyo sa mga kumpanya ng langis ng China at Vietnam. Isinampa ang kaso laban dito noong 2008 ng noo’y mga kinatawan ng Bayan Muna na sina Satur […]

Mga buntis na diniseparesido ng 402nd IBde, inilitaw at pinalalabas na “sumurender”
January 12, 2023

Pinalalabas ng Eastern Mindanao Command (EastMinCom) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na “sumurender” na mga kasapi ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang dalawang buntis na Pulang mandirigma at iba pang indibidwal na dinukot nito at ilang buwan na ginawang hostage. Sa balitang inilabas ng AFP EastMinCom, “sumurender” diumano ang mga buntis na sina […]