Archive of AB Dailies

Limang aksyong militar, inilunsad sa Negros
November 27, 2022

Limang aksyong militar sa nagdaang linggo ang inilunsad ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Negros laban sa mga tropa ng berdugong militar. Bahagi ito ng mga pagsisikap ng mga Pulang mandirigma para labanan ang mga pasistang naninibasib sa mga sibilyan at mga komunidad ng magsasaka sa isla. Inilunsad ang mga aksyong ito […]

48,000 manggagawang akademiko sa US, nagwelga para sa nakabubuhay na sahod
November 26, 2022

Sumiklab noong Nobyemre 14 ang pinakamalaking welga sa sektor ng edukasyon sa kasaysayan ng US nang mag-aklas ang mga manggagawang akademiko ng University of California. Lumahok sa welga ang 48,000 mga manggagawang estudyante (student-worker) mula sa 10 kampus ng unibersidad sa pangunguna ng iba’t ibang unyon. Kinakatawan nila ang apat na uri ng mga manggawang […]

Lider-manggagawa ng Caraga, arbitraryong inaresto
November 26, 2022

Mariing kinundena ng Kilusang Mayo Uno ang Philippine National Police dahil sa arbitraryong pag-aresto sa Butuan City kay Roel Duyag, koordineytor ng KMU sa rehiyon ng Caraga, noong Nobyembre 25. Nasa burol ng kanyang ina si Duyag nang arestuhin siya bandang alas-9:30 ng gabi. Dinala siya sa Butuan PNP Station 1 at sinampahan ng gawa-gawang […]

Minimum ng mga manggagawang pangkalusugan, itaas sa 33k!
November 26, 2022

Nagsagawa ng noise barrage o pag-iingay sa harap ng Department of Health sa Lunsod ng Maynila ang iba’t ibang unyon sa ilalim ng Alliance of Health Workers (AHW) noong Huwebes, Nobyembre 24. Ito ay para hinging itaas tungong ₱33,000 ang minimum na sweldo ng mga manggagawang pangkalusugan katulad sa pribado at pampublikong sektor. Ito rin […]

Piket ng mga manggagawa ng Manila Harbour, binuwag
November 26, 2022

Marahas na binuwag noong Nobyembre 25 ng pinagsamang pwersa ng mga pulis at gwardya ang piket ng mga manggagawa ng Manila Harbour Center sa Road 10, Lunsod ng Maynila. Winasak din ng mga ito ang katatayo pa lamang na kubol ng mga manggagawa at kanilang tagasuportang kabataan. Nagpiket ang Unyon ng mga Manggagawa sa Harbour […]

20,000 manggagawa sa China, nag-aklas laban sa panggagantso ng Foxconn
November 26, 2022

Hindi bababa sa 20,000 manggagawang Chinese na nagtatrabaho sa Foxconn, higanteng kumpanyang gumagawa ng mamahaling selpon na iPhone at iba pang produkto ng Apple, ang nag-aklas sa pabrika nito sa Zhengzhou noong Nobyembre 22-24 laban sa pangggagantso ng kumpanya. Sa tindi ng kanilang galit, sinira nila ang mga bintana ng pabrika at CCTV camera na […]

Magsasaka sa Masbate, binalingan ng galit ng mga sundalo
November 25, 2022

Ibinaling ng mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang galit nito sa isang magsasakang residente ng Sityo Pacquiao, Barangay Jagna-an, San Jacinto, Ticao Island, Masbate matapos ang kabiguan sa isang engkwentro sa hukbong bayan. Pinaslang ng mga sundalo si Rene Bartolata Garzon noong Nobyembre 13. Naganap ang engkwentro ng AFP at yunit […]

AFP, muling nambomba sa Bukidnon
November 24, 2022

Muli na namang nagsagawa ng pag-iistraping at pambobomba ang Armed Forces of the Philippines na yumanig sa mga sibilyang komunidad sa Bukidnon. Iniulat ng Bagong Hukbong Bayan-Bukidnon na nagpakawala ng mga rocket at bala mula sa ere ang 8th IB sa Purok 8, St, Peter, Malaybalay City noong Nobyembre 16. Isinagawa ang pambobomba matapos dalawang […]

Ekspansyon ng plantasyon ng Del Monte sa Bukidnon, tinutulan
November 24, 2022

Kinwestyon sa isang sesyon ng lokal na konseho ng Malaybalay City noong Nobyembre 17 ang planong ekspansyon ng Del Monte sa mga barangay sa Malaybalay City. Mahigit isang dekada nang may moratoryum sa pagpapalawak sa mga plantasyon sa syudad, at ilang ulit nang tinanggihan ng konseho ang apela ng Del Monte at ibang mga panginoong […]

Itaas ang sweldo, panawagan ng mga kawani ng gubyerno
November 24, 2022

Nagtipon sa Quezon City noong Nobyembre 22 ang iba’t ibang pederasyon ng mga kawani ng gubyerno para ipahayag ang kanilang pagkakaisa para itaas ang sweldo ng mga kawani, katiyakan sa trabaho at karapatan sa pag-uunyon. Kabilang sa mga dumalo ang Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE), Kapisanan ng mga Manggagawa sa […]