Archive of AB Dailies

62nd IB, binigwasan ng BHB sa Central Negros
November 14, 2022

Magkasunod na aksyong militar ang matagumpay na inilunsad ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan sa ilalim ng Leonardo Panaligan Command (LPC-BHB-Central Negros) laban sa mga berdugong tropa ng 62nd IB ng Philippine Army noong Nobyembre 12 sa Canlaon City at Guihulngan City. Isa ang napatay at dalawa ang sugatan sa hanay ng mga pasistang […]

‘Ikulong si Imelda,’ muling iginiit ng mga biktima ng batas militar
November 13, 2022

Sa ikatlong pagkakataon, nagsumite ng petisyon ang mga biktima ng batas militar at dating bilanggong pulitikal sa Korte Suprema noong Nobyembre 9 para ikulong si Imelda Marcos, asawa ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr. Kaugnay ito ng hatol ng korte noong Nobyembre 9, 2018 na 42 taong pagkakakulong kay Imelda sa mga pitong bilang […]

Petisyon para sa taas-sahod, sinimulan
November 13, 2022

Inilunsad noong Nobyembre 11 ng mga manggagawa, magsasaka, kawani, maralita at iba pang karaniwang mamamayan ang 30-day countdown para itulak ang reaksyunaryong estado na magsagawa ng mga hakbang para itaas ang sahod at ibaba ang presyo ng mga bilihin. Kasabay nito, isang petition ang kanilang inihain na naglalaman ng bungkos ng kanilang mga hinaing. Sa […]

Bagong batalyong pang-artileri ng AFP, tiyak na magiging salot sa mga sibilyan
November 13, 2022

Isang 200-kataong yunit pang-artileri ang binuo sa ilalim ng 6th ID sa Maguindanao para “inyutralisa” ang lokal na mga “teroristang grupo.” Nagpakitang-gilas ang 10th Fire Artillery Battalion gamit ang walo sa 12 bagong-dating na kanyong ATMOS 2000, kahapon sa mga myembro ng midya at lokal na mga upisyal. Dati nang ipinangangalandakan ng militar na magiging […]

Climate justice, sigaw ng mamamayang Pilipino
November 13, 2022

Nakikiisa ang iba’t ibang grupong pangkalikasan at demokratiko sa Global Day of Action for Climate Justice na isinagawa kahapon, Nobyembre 12, sa iba’t ibang panig ng mundo. Ang internasyunal na pagkilos ay itinaon sa ika-27 Conference of the Parties of the UNFCCC (COP27) na nagaganap sa Sharm el-Sheikh, Egypt mula Nobyembre 6 hanggang 18. Ang […]

Mga mag-aaral, tsanselor ng UP Baguio, umalma sa red-tagging
November 12, 2022

Nagprotesta ang mga estudyante at organisasyon ng University of the Philippines-Baguio sa loob ng kampus noong Nobyembre 8 bilang pagkundena sa red-tagging na ginawa ni dating General Paele Jon Bondoc sa isang porum sa pamantasan. Nakiisa sa mga estudyante ang tsanselor ng UP Baguio na si Chancellor Corazon Abansi, mga guro at kawani. Binweltahan ng […]

CPP denounces AFP artillery shelling, strafing of communities in Rizal, Occidental Mindoro
November 11, 2022

The Communist Party of the Philippines (CPP) today denounced the Armed Forces of the Philippines (AFP) for conducting early-morning artillery shelling and strafing of nearby communities in barangays Rizal, Aguas, and Pitogo of Rizal town in Occidental Mindoro last November 6. The local New People’s Army (NPA) unit reported that the shelling and strafing started […]

Masaker ng trabaho sa mga kumpanya sa teknolohiya sa US, nagaganap
November 10, 2022

Sunud-sunod na inanunsyo ng higanteng mga kumpanya sa teknolohiya ang malawakang tanggalan ng kanilang mga manggagawa sa gitna ng pagsirit ng implasyon at papalalang krisis sa US. Kahapon, Nobyembre 9, inanunsyo ng Meta Platforms Inc, kumpanyang may-ari ng Facebook at Instagram, ang planong pagtanggal nang mahigit 11,000 o 13% sa kabuuang bilang ng manggagawa nito […]

Mga abugado, nagsampa ng petisyon sa UN
November 10, 2022

Nagsumite ng reklamo ang National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) sa upisina ni Margaret Satterthwaite na Special Rapporteur ng United Nations (UN) sa usapin ng Independence of Lawyers and Judges kaugnay ng kinahaharap na pang-aatake at panggigipit ng mga nasa ligal na propesyon sa bansa. Inihatid ito ni Atty. Josalee Deinla, pangkalahatang kalihim ng NUPL, […]

Mga nasawing kumander ng BHB sa Northeast Mindanao, sinaluduhan
November 10, 2022

Pulang saludo ang iginawad ng National Democratic Front-North Eastern Mindanao Region (NDF-NEMR) sa dalawang kilalang kumander ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa rehiyon na mamartir sa magkahiwalay na labanan noong Hulyo at Setyembre. Nagbigay-pugay ang NDF-NEMR kina Rino Colaste o mas kilala bilang Ka Leo de Guerra at Rolando Leyson Jr (Ka Edroy) para sa […]