Archive of AB Dailies

Badoy, inobliga ng Korte Suprema na ipaliwanag ang ginawang pambabanta
October 07, 2022

Sa kautusang inilabas nitong Oktubre 4, ipinagpapaliwag ng Korte Suprema si Lorraine Badoy, dating tagapagsalita ng NTF-Elcac, kung bakit hindi siya dapat patawan ng “contempt of court” kaugnay sa kanyang pambabanta sa buhay ng isang husgado. Ang utos ay karugtong sa babala ng korte na parurusahan nito ang sinumang magbanta sa isang husgado dahil lamang […]

Hustisya para kay Percy Lapid, ipinanawagan
October 06, 2022

Nagtipon noong Oktubre 4 ang iba’t ibang grupo, sa pangunguna na National Union of Journalists of the Philippines, sa Boy Scout Circle sa Quezon City para kundenahin ang pagpatay sa brodkaster na si Perceival Mabasa. Si Mabasa, na mas kilala bilang Percy Lapid sa kanyang programa sa radyo na “Lapid Fire,” ay inambus ng mga […]

Tanggalan sa Cebu, pakay na ibaba ang sahod ng mga manggagawa
October 06, 2022

Iligal ang malawakang tanggalan na nagaganap sa Mactan Export Processing Zone nitong nakaraang mga buwan. Ito ang pagbatikos ng mga manggagawa sa Cebu sa ilalim ng AMA-Sugbo-Kilusang Mayo Uno. Ani Jaime Paglinawan, pinuno ng grupo, “layunin (ng tanggalan) na panatilihing mababa ang sahod ng lahat ng mga manggagawa sa MEPZ.” Inianunsyo noong Setyembre 29 ng […]

Kaligtasan sa lugar sa trabaho, muling ipinanawagan
October 06, 2022

Muling nanawagan ang mga manggagawa na kaagad ipatupad ang mga pamantayan sa kaligtasan sa mga lugar sa trabaho. Ito ay matapos isang manggagawa ang namatay at 10 ang nasugatan matapos bumigay noong Martes ang pundasyon ng itinatayong scaffolding sa isang construction site sa Quezon City. Bahagi ang naturang manggagawa ng isang housing project na matatagpuan […]

₱650 milyong intel funds ni Sara Duterte, pinatatanggal
October 06, 2022

Kabi-kabilang batikos ang sinapit ng pagmamatigas ni Sara Duterte kaugnay sa ₱650 milyong hinihingi niyang “pondong paniktik” (₱150 milyon sa badyet ng Department of Education at ₱500 milyon sa badyet ng Office of the Vice President). Dahil dito, ipinatatanggal ito ng mga minoryang senador at kinatawan sa kongreso. Marami ang nagkwestyon sa hinihinging pondo ni […]

Dalawang magsasaka, pinaslang ng AFP sa Agusan del Sur
October 05, 2022

Hindi mga aktibong kasapi ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) kundi mga simpleng magsasaka ang dalawang pinaslang ng mga sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) noong September 30 sa P-7, Barangay San Vicente, Prosperidad, Agusan Del Sur. Taliwas ito sa pinalalabas ng AFP na napaslang ang dalawa sa engkwentro sa pagitan ng BHB at […]

Dagdag oras ng pagtuturo, dagdag pahirap at di sagot sa krisis sa edukasyon
October 05, 2022

Binatikos ng mga guro sa ilalim ng Alliance of Concerned Teachers-Philippines, ang memorandum ng Department of Education sa Region 7 na nag-oobliga sa mga guro na magdaos ng mga “remedyal na klase” sa 10 eskwelahan para mga estudyanteng nahuhuling matutong magbasa. Ayon sa ACT, nagrereklamo ang mga guro sa maraming rehiyon dahil sa kautusang ito […]

Rehimeng Marcos, walang programa sa mga nawalan ng trabaho
October 04, 2022

Kinastigo ng mga manggagawa sa ilalim ng Kilusang Mayo Uno ang rehimeng Marcos sa kawalan ng programa nito sa harap ng nagaganap na malawakang tanggalan ng mga manggagawa. Inianunsyo noong Setyembre 29 ng limang mayor na pagawaan ng damit sa Mactan Export Processing Zone ang pagtatanggal ng 4,000 manggagawa. Ang bilang na ito ay sangkapat […]

Kamandag at US war exercises, nagpapatindi sa tensyon sa South at Southeast Asia
October 04, 2022

Sadyang ginagatungan ng imperyalismong US ang posibilidad ng armadong komprontasyon sa pagitan nito at ng China, gayundin ng North Korea, sa pagdaraos ng masisinsing war exercises sa East at Southeast Asia na ang layunin ay maghanda para sa imperyalistang digma. Isa rito ang pagsasanay-militar na Kamandag na sinimulan noong Oktubre 3 at magtatapos sa Oktubre […]

CPP denounces Kamandag war exercises for worsening armed tensions in region
October 03, 2022

The Communist Party of the Philippines (CPP) today denounced the US government and Marcos regime for holding the Kamandag 6 joint war exercises which is contributing to further worsening of armed tensions with China over the Southeast Asia and East Asia regions. The joint military exercises will run from October 3 to 14. Involving approximately […]