Archive of AB Dailies

Dagdag-sahod, sigaw ng mga manggagawa ng Kowloon
November 03, 2022

Naglunsad ng sama-samang pagkilos kasabay ng kanilang pahinga sa tanghali ang mga manggagawa ng Kowloon House sa pangunahing sangay nito sa West Avenue, Quezon City para ipanawagan ang pagtataas ng kanilang sahod. Pinamunuan ang pagkilos ng unyon ng Kowloon House na kaanib ng pederasyong Genuine Labor Organization of Workers in Hotel, Restaurant, and Allied Industries […]

Mga Pilipino sa Canada, nakiisa sa kampanya para sa paglaya ng Palestine
November 03, 2022

Nakiisa ang mga International League of Peoples’ Struggles-Canada sa internasyunal na kampanya para sa pagbabalik ng mga Palestino at paglaya ng Palestine na inilunsad ng Masar Badil at La Ruta Palestina Alternativa (Palestine Alternative Revolutionary Path Movement) noong Oktubre 29. Sa araw na ito, nagprotesta sila sa Vancouver kasama ang mga kasapi ng lokal na […]

Lala ng krisis sa edukasyon, tampok sa lubos pagbubukas ng mga klaseng F2F
November 03, 2022

Pinatampok ng lubos na pagbubukas ng face-to-face (F2F) harapang klase sa mga paaralan noong Nobyembre 2 ang lala ng krisis ng batayang edukasyon sa Pilipinas. Kaliwa’t kanan ang bumulagtang mga problema sa mga eskwelahan at hindi lahat ang kinayanang magbukas. Ibinunyag ng ng Alliance of Concerned Teachers of the Philippines ang maraming kaso ng kung […]

Maka-US at korap na presidente ng South Korea, pinagbibitiw
November 03, 2022

Sunud-sunod na malalaking protesta ang inilunsad ng mamamayang Korean sa Seoul, kabisera ng bansa, mula Agosto hanggang Oktubre para ipanawagan ang pagrisayn ng kanilang presidente na si Yoon Suk-yeol. Binabatikos din ng mga raliyista ang US sa walang-tigil na panunulsol ng gera sa kanilang peninsula na anila’y nagsasapanganib sa kapayapaang umiiral ngayon sa pagitan ng […]

“Pagpapasurender” ng NTF-Elcac sa mga bata, binatikos
November 02, 2022

Lubhang ikinaalarma ng Children’s Rehabilitation Center ang paggamit ng NTF-Elcac sa mga kabataan at mga bata sa kampanya kontra-insurhensya nito. Napabalita na naglunsad ng aktibidad ang lokal na gubyerno ng Caloocan City, pulis at ibang ahensya ng gubyerno sa New Caloocan Hall noong Setyembre 21. Sa aktibidad na ito, ipinarada ang 150 bata at kabataan […]

3 estudyante sa FEU, sisipain dahil sa mga aktibidad kontra batas militar
November 02, 2022

Mariing kinukundena ng mga grupong estudyante ang hakbang ng administrasyon ng Far Eastern University na pagbawalan ang tatlong estudyante na mag-enrol sa susunod na semestre dahil sa paglahok nila sa mga aktibidad noong Setyembre 21. Sa salaysay ng mga grupo, nagkaroon ng serye ng mga akbibidad sa loob ng unibersidad para gunitain ang lagim ng […]

Bilanggong pulitikal sa Panay, napalaya
November 01, 2022

Pansamantalang nakalaya ang 75-taong gulang na si Tay Dolping o Rodolfo Diaz matapos ang higit isa’t kalahating taong pagkakakulong sa Iloilo District Jail sa gawa-gawang mga kaso. Inianunsyo kahapon ng grupong Defend Panay Network ang paglaya ni Tay Dolping noong Oktubre 28 matapos makapagpyansa. Pinakamatanda siya sa lahat ng mga bilanggong pulitikal sa isla. Si […]

Walang pakundangang pamamaslang ang itinutulak ng ‘bounty program’ sa Apayao
November 01, 2022

Binatikos ng grupo sa karapatang-tao na Karapatan ang kamakailang inilabas na atas ni Apayao Provincial Governor Elias Bulut, Jr na bigyan ng pabuya ang sinumang makadadakip o makapatay ng isang kasapi ng rebolusyonaryong kilusan. Ang atas na ito ay tahasang nagtutulak at nanghihikayat ng ekstrahudisyal na pamamaslang at labag sa mga karapatang-tao at internasyunal na […]

NPA ambushes soldiers securing Abra mines
October 31, 2022

The New People’s Army (NPA) attacked soldiers of the 24th IB in Mount Basiwag, Barangay Gacab, Malibcong, Abra province last October 27. Two troopers of the 24th IB were killed while another was wounded. According to the people’s army, the ambush aims to punish the said unit for its fascist attacks and suppression of the […]

Sundalong gwardya ng minahan, inatake ng BHB-Abra
October 31, 2022

Pinatamaan ng isang yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Abra ang mga sundalo ng 24th IB sa Mount Basiwag, Barangay Gacab, Malibcong noong Oktubre 27. Dalawang tropa ng 24th IB ang napaslang habang isa ang nasugatan sa taktikal na opensiba. Ayon sa yunit ng hukbong bayan, ang armadong aksyon ay pagpaparusa sa naturang yunit dahil sa […]