Archive of AB Dailies

Yaman ng 9 na bilyunaryong Pilipino, mas malaki sa pinagsamang pag-aari ng 55 milyong Pilipino
January 17, 2023

Inilabas ng Oxfam Pilipinas noong Enero 16 ang datos ang napakalaking pagkakaiba sa laki ng yaman ng iilan kumpara sa mayorya ng mamamayang Pilipino. Ayon sa pag-aaral, mas malaki pa ang halaga ng yaman ng siyam na bilyunaryo kaysa yamang hawak ng 55 milyong mga Pilipino o kalahati ng populasyon ng bansa. Kabilang sa mga […]

Krisis sa empleyo, lalala sa pagtindi ng krisis sa kapitalismo
January 17, 2023

Mas marami pang manggagawa ang matutulak sa mga trabahong mababa ang kalidad at barat ang sahod sa 2023, ayon sa International Labor Organization sa ulat nito na pinamagatang World Employment and Social Outlook. Ito ay habang muling pumapasok, kundiman pumasok na, sa resesyon ang pinakamalalaking ekonomya sa mundo. Kasabay ng krisis sa trabaho ang tumataas […]

Dinukot na mga aktibista sa Cebu, inilitaw na
January 17, 2023

Nakabalik na kahapon sa piling ng pamilya at mga kaibigan ang dalawang aktibistang sina Dyan Gumanao at Armand Dayoha matapos ang anim na araw na pagkukulong sa kanila ng armadong pwersa ng estado na dumukot sa kanila noong Enero 10. Si Gumanao, koordineytor ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) para sa Rehiyon 7, at Dayoha […]

Mga estudyante, magulang, at guro, inetsapwera ng DepEd sa pagrebyu ng K-12
January 16, 2023

Umalma ang Kabataan Partylist sa anunsyo ng Department of Education (DepEd) na ilalabas na ito ang ulat kaugnay ng isinasagawa nitong pagrerebyu sa programang K-12 sa darating na Enero 30. Anang grupo, hindi “inclusive” at hindi batay sa syensya ang proseso ng pagrerebyu ng DepEd sa K-12 dahil hindi nagsagawa ng malawakang konsultasyon ang ahensya […]

Marcos, palpak sa paglutas sa krisis sa pagkain
January 16, 2023

Nagprotesta ngayong araw sa harap ng upisina ng Department of Agriculture ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, kasama ang iba pang demokratikong organisasyon, para igiit ang kagyat na pagpapababa sa presyo ng pagkain, pagpapatigil sa patakaran ng importasyon, pagpapalakas sa lokal na produksyon at pagbuwag sa mga kartel. Nanawagan sila na ibasura ang mga neoliberal na […]

70 kapamilya at alipures, kasamang maglamyerda ni Marcos sa Switzerland
January 16, 2023

Di bababa sa 70 ang diumano’y delegasyong isinama ni Ferdinand Marcos Jr sa kanyang lakad sa Davos, Switzerland nitong Enero 16. Kasama dito ang kanyang pamilya (kabilang ang kapatid na si Irene Marcos-Araneta), mga burukratang alipures at kasosyong negosyante. Malayong mas malaki ito kung ikukumpara sa di tataas sa 20-katao na bumuo sa mga delegasyon […]

Mga maralita, nagprotesta kontra-gutom at taas-presyo
January 16, 2023

Nagtipun-tipon at nagprotesta ang mga maralita mula sa Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay)-San Roque sa gilid ng komunidad nila sa Quezon City noong Enero 13. Giit nila: Itigil ang taas-presyo! Sahod, itaas, presyo, ibaba! Ayon sa pambansang tanggapan ng Kadamay, tugon ang protesta sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin at kumakalam na sikmura […]

Sibilyan, pinalalabas na NPA, pinatay ng 62nd IB sa Guihulngan City
January 16, 2023

Marahas na dinakip at pagkatapos ay pinatay ng mga sundalo ng 62nd IB ang sibilyang si Orlando Fat sa Sityo Banderahan, Barangay Trinidad, Guihulngan City noong Enero 10 ng umaga. Pinalalabas ng mga sundalo na nagkaroon ng bakbakan sa pagitan ng yunit nila at ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa naturang lugar nang limang minuto […]

Enero 14-21: Linggo ng pakikiisa sa mga bilanggong Palestino
January 15, 2023

Idineklara ng mga organisasyon para sa karapatang-tao at tagasuporta ng pakikibakang Palestino ang Enero 14-24 bilang linggo ng panawagan para sa pagpapalaya kay Ahmad Sa’adat at lahat ng mga Palestinong bilanggong pulitikal. Gugunitain sa linggong ito ang ika-21 taong pagkukulong ng pasistang mga pwersang Israel kay Ahmad Sa’adat na unang ikinulong ng Palestinian Authority noong […]

Tangkang kudeta sa Brazil, itinakwil ng mga manggagawa at mamamayan
January 15, 2023

Itinakwil ng mga manggagawa at mamamayang Brazilian ang naganap na tangkang kudeta noong Enero 8 laban sa halal na presidente ng bansa na si Luiz Inácio Lula da Silva (kilala bilang Lula). Kaugnay nito, nakikiisa ang komite ng International League of Peoples’ Struggles para sa Latin America at Carribean sa panawagan ng aktibong pagpapakilos laban […]