Archive of AB Dailies

Mga mamamahayag, di sang-ayon sa panukalang censorship laban sa fake news
November 29, 2022

Hindi sang-ayon ang mga mamamahayag ng National Union of Journalist of the Philippines sa panukalang nakasampa sa Senado na nagbabawal sa “fake news” o pekeng pamamalita. “Ikinagagalak namin ang talakayan para harapin ang problema ng disimpormasyon at misinformation,” ayon sa pahayag ng NUJP noong Nobyembre 28. “Gayunpaman, dapat maging maingat sa pagpapanukala ng mga batas […]

Umento sa sahod, naigiit ng unyon sa Laguna
November 28, 2022

Nakamtan ng mga manggagawa ng Technol Eight Philippines sa pamumuno ng kanilang unyon ang pagtaas ng sahod at iba pang mga benepisyo matapos ang gitgitan at ilang ulit na pakikipagnegosasyon sa maneydsment ng kumpanya. Nagharap ang maneydsment at ang Technol Eight Philippines Workers Union (TEPWU-OLALIA-KMU) sa National Conciliation and Mediation Board (NCMB) noong Nobyembre 24 […]

Raling iglap, inilunsad ng Kabataang Makabayan sa Maynila
November 28, 2022

“Sagot sa kahirapan, digmang bayan!” Ito ang sigaw ng ilampung kabataang kasapi ng Kabataang Makabayan (KM) na naglunsad ng raling iglap kahapon sa Recto Avenue, Manila. Idinaos ang rali ilang araw bago ang ika-58 anibersaryo ng KM ngayong Nobyembre 30. Nagmartsa ang mga kabataan mula Rizal Avenue tungong Recto Avenue at doon naglunsad ng maiksing […]

Motorcade at iba pang aktibidad para sa dagdag-sahod, inilunsad
November 27, 2022

Naglunsad kanina ng motorcade at maiiksing programa sa dinaanang mga palengke mula Monumento hanggang Quezon City ang mga manggagawa sa ilalim ng Kilusang Mayo Uno para manghikayat sa publiko na makiisa sa panawagan para sa dagdag-sahod at pagpapababa ng mga presyo ng bilihin. Bahagi ito ng mga aktibidad bago ang pagkilos sa Nobyembre 30, na […]

Limang aksyong militar, inilunsad sa Negros
November 27, 2022

Limang aksyong militar sa nagdaang linggo ang inilunsad ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Negros laban sa mga tropa ng berdugong militar. Bahagi ito ng mga pagsisikap ng mga Pulang mandirigma para labanan ang mga pasistang naninibasib sa mga sibilyan at mga komunidad ng magsasaka sa isla. Inilunsad ang mga aksyong ito […]

48,000 manggagawang akademiko sa US, nagwelga para sa nakabubuhay na sahod
November 26, 2022

Sumiklab noong Nobyemre 14 ang pinakamalaking welga sa sektor ng edukasyon sa kasaysayan ng US nang mag-aklas ang mga manggagawang akademiko ng University of California. Lumahok sa welga ang 48,000 mga manggagawang estudyante (student-worker) mula sa 10 kampus ng unibersidad sa pangunguna ng iba’t ibang unyon. Kinakatawan nila ang apat na uri ng mga manggawang […]

Lider-manggagawa ng Caraga, arbitraryong inaresto
November 26, 2022

Mariing kinundena ng Kilusang Mayo Uno ang Philippine National Police dahil sa arbitraryong pag-aresto sa Butuan City kay Roel Duyag, koordineytor ng KMU sa rehiyon ng Caraga, noong Nobyembre 25. Nasa burol ng kanyang ina si Duyag nang arestuhin siya bandang alas-9:30 ng gabi. Dinala siya sa Butuan PNP Station 1 at sinampahan ng gawa-gawang […]

Minimum ng mga manggagawang pangkalusugan, itaas sa 33k!
November 26, 2022

Nagsagawa ng noise barrage o pag-iingay sa harap ng Department of Health sa Lunsod ng Maynila ang iba’t ibang unyon sa ilalim ng Alliance of Health Workers (AHW) noong Huwebes, Nobyembre 24. Ito ay para hinging itaas tungong ₱33,000 ang minimum na sweldo ng mga manggagawang pangkalusugan katulad sa pribado at pampublikong sektor. Ito rin […]

Piket ng mga manggagawa ng Manila Harbour, binuwag
November 26, 2022

Marahas na binuwag noong Nobyembre 25 ng pinagsamang pwersa ng mga pulis at gwardya ang piket ng mga manggagawa ng Manila Harbour Center sa Road 10, Lunsod ng Maynila. Winasak din ng mga ito ang katatayo pa lamang na kubol ng mga manggagawa at kanilang tagasuportang kabataan. Nagpiket ang Unyon ng mga Manggagawa sa Harbour […]

20,000 manggagawa sa China, nag-aklas laban sa panggagantso ng Foxconn
November 26, 2022

Hindi bababa sa 20,000 manggagawang Chinese na nagtatrabaho sa Foxconn, higanteng kumpanyang gumagawa ng mamahaling selpon na iPhone at iba pang produkto ng Apple, ang nag-aklas sa pabrika nito sa Zhengzhou noong Nobyembre 22-24 laban sa pangggagantso ng kumpanya. Sa tindi ng kanilang galit, sinira nila ang mga bintana ng pabrika at CCTV camera na […]