Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Mga raling suporta sa pakikibaka ng Palestine, inilunsad
October 13, 2023

Naglunsad ng magkahiwalay na pagkilos ang mga pambansa-demokratikong grupo at mga residente ng Marawi City bilang pakikiisa sa pakikibaka ng mamamayang Palestino. Ito ay matapos sumiklab ang panibagong paglaban ng mamamayang Palestino mula Oktubre 7 nang inilunsad ng grupong Hamas ang mga armadong opensiba na tinawag nitong “Operation Al Aqsa Flood” sa hangaring kamtin ang […]

Duterte, balak kasuhan sa pambabanta laban kay Rep. Castro
October 13, 2023

Nagkakaisa ang mga grupong progresibo at abugado na dapat kasuhan ang dating presidente na si Rodrigo Duterte sa kanyang tahasang pambabanta sa buhay ni Deputy Minority Leader at ACT Rep. France Castro. Ginawa ni Duterte ang pambabanta sa isang panayam sa kanya sa telebisyon noong Oktubre 11. Ikinagalit niya ang pang-uusisa at pagkontra ni Representative […]

Mga residente sa Bacolod City, tutol sa reklamasyon
October 12, 2023

Inihayag ng mga residente ng Barangay Pahanocoy, Bacolod City, Negros Occidental noong Oktubre 9 ang kanilang pagtutol sa 700-ektaryang proyektong reklamasyong nakatakdang isagawa sa baybayin ng kanilang barangay. Pinangunahan ng Pahanocoy Anti-Reclamation Movement (PARM), lokal na tsapter ng Bacolod Against Reclamation Movement, ang nagkakaisang pagtutol sa reklamasyong itinutulak ni Engr. Andres Taculod. Giit ng mga […]

Kaanak ng 2 aktibistang dinukot sa Nueva Ecija, nanawagan ng tulong
October 12, 2023

Nanawagan ng tulong sa publiko ang mga kapamilya nina Norman Ortiz at Lee Sudario, kasama ang grupong Karapatan, para sa kanilang paghahanap sa dalawang aktibista na dinukot ng mga ahenteng militar. Ang mga aktibistng sina Sudario at Ortiz ay dinukot ng tinatayang 10 armadong pwersa ng estado noong Setyembre 29 sa Barangay Bantud, Gabaldon, Nueva […]

Pagpapaulan ng bala ng 62nd IB sa Negros Occidental, kinundena
October 12, 2023

Kinundena ng September 21 Movement-South Negros, isang grupo nagtataguyod sa karapatang-tao, ang walang patumanggang pamamaril ng mga sundalo ng 62nd IB sa Sityo Kapaklan, Barangay Santol, Binalbagan, Negros Occidental noong Oktubre 6, bandang ala-1 ng madaling araw. Ang pamamaril ay naganap malapit sa bahay ng isang residente sa lugar. Pinasinungalingan ng grupo ang sinabi ng […]

CIF, inilipat sa pinakamasasahol na ahensya sa seguridad
October 11, 2023

Inilipat na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang confidential at intelligence funds o CIF ng limang kagawaran ng estado matapos itong malawakang batikusin ng maraming sektor nitong nagdaang mga linggo. Gayunpaman, imbes na ilaan ito sa mga kagawarang nagbibigay ng batayang serbisyo, idinagdag ang pondo sa mga ahensya sa seguridad na pinakabantog sa ektra-hudisyal na […]

Tangkang pagmasaker at panggigipit ng 9th IB, naiulat sa Camarines Norte
October 11, 2023

Iniulat kamakailan ang serye ng sunud-sunod na harasment, intimidasyon at tangkang masaker sa masa ng Camarines Norte sa nagdaang tatlong buwan. Biktima ng karahasang militar ang mga residente at sibilyang populasyon sa mga barangay sa bayan ng Labo at Jose Panganiban sa Camarines Norte. Noong Setyembre 27, isang grupo ng mga katutubo ang tinangkang imasaker […]

Dalawang kababaihan sa Mindoro, ginahasa ng mga sundalo ng 203rd IBde
October 10, 2023

Dalawang kababaihan sa Bongabong, Oriental Mindoro ang ginahasa ng mga sundalo ng 203rd IBde at CAFGU noong Agosto, ayon sa ulat ng National Democratic Front (NDF)-Mindoro noong Oktubre 8. Paulit-ulit na sinindak at binayaran ng mga sundalo ng ilampung libong piso ang isa sa biktima para patahimikin siya at ang kanyang pamilya. Ginahasa si “Rose,” […]

8th ID, naghasik ng terorismo sa bayan ng Silvino Lobos sa Northern Samar
October 10, 2023

Hindi bababa sa 10 ang kaso ng paglabag sa karapatang-tao ang naitala sa mga barangay ng Silvino Lobos, Northern Samar sa unang hati ng 2023. Dahil sa tindi ng militarisasyon at teroristang paninibasib ng 8th ID at mga pulis, kamakailan lamang naiulat ang mga ito. Ang mga kasong ito ay maituturing na krimen sa digma […]

Hustisya, mailap pa rin sa magsasakang pinatay ng 20th IB sa Northern Samar
October 10, 2023

Wala pa ring hustisyang nakakamit ang mga kaanak at pamilya ng magsasakang si Jonny Gorpido Albario, 42 anyos, na brual na pinaslang ng berdugong 20th IB noong Oktubre 10, 2022 sa Barangay San Miguel, Las Navas, Northern Samar. Matapos barilin, si Albario ay dalawang beses pang sinaksak ng mga sundalo—isa diretso sa puso at isa […]