Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Kabi-kabilang panggigipit, naranasan ng mga estudyante
July 26, 2023

Nakaranas ng iba’t ibang porma ng panggigipit at intimidasyon sa kamay ng pulis at militar sa kanilang mga paaralan ang mga estudyante mula sa iba’t ibang unibersidad nitong nagdaang mga linggo. Sa Pampanga, sapilitang pinahinto ang isang pagsasanay ng pamamahayag na inilunsad ng lokal na balangay ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP)-Central Luzon […]

Patakaran sa mga migrante, kabaliktaran sa nakasaad sa SONA ni Marcos
July 26, 2023

Binatikos ng grupong Migrante ang mga pahayag ni Ferdinand Marcos Jr na patakaran ng kanyang rehimen kaugnay sa mga migranteng Pilipino. “Kabaligtaran at hindi sinsero ang pahayag na gagawing option at hindi sapilitan ang paglabas ng bansa ng ating mga kababayan upang maghanapbuhay kung aktibong nakikipag-usap sa ibat ibang mga bansa at pumipirma ng mga […]

64 milyong Pilipino, pinagkaitan ng serbisyong telekomunikasyon dulot ng SIM Card Registration Law
July 26, 2023

Nagsagawa kanina ng protesta ang Junk SIM Registration Network sa harap ng Department of Information and Communications Technology para tutulan ang malawakang deactivation ng mga di rehistradong SIM Card ngayong araw. Panawagan nila na ibasura ang SIM Registration Law. Ang batas na ito ang pinakaunang panukala na pinirmahan ni Ferdinand Marcos Jr sa pag-upo sa […]

Nasamsam ng militar na armas ng BHB sa Negros Occidental, palabas ng 79th IB
July 25, 2023

Pinasinungalingan ni Ka Cecil Estrella, tagapagsalita ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Northern Negros, noong Hulyo 23 ang pinalalabas ng 79th IB na nakasamsam ito ng mga kagamitang militar ng BHB sa Sityo Bandol, Barangay Maaslob sa Calatrava, Negros Occidental. Ayon sa pahayag ng 79th IB, nakakuha ito ng ripleng M14 at mga magasin at bala, mga […]

Katutubong Mangyan, dinukot at tinortyur ng 4th IB
July 25, 2023

Dinukot, tinortyur at iligal na ikinulong ng mga sundalo ng 4th IB ang katutubong Hanunuo-Mangyan na si Pedro Ambad sa Sityo Kilapnit, Barangay Panaytayan, Mansalay, Oriental Mindoro noong Hulyo 13 sa kanyang bukid. Labis na pagdurusa ang naranasan ni Ambad na pinakawalan matapos ang 12 oras na pagpapahirap. Sa ulat ng National Democratic Front (NDF)-Mindoro, […]

Lalamove drivers, nagstrike
July 24, 2023

Tinatayang 7,000 drayber at rider (mga nagdedeliber na nakamotorsiklo o bisikleta) ng Lalamove ang lalahok sa “strike booking” o hindi pagtanggap ng trabahong deliberi ngayong araw, kasabay ng ikalawang State of the Nation Address ni Ferdinand Marcos Jr. Layon nilang iprotesta ang hindi makataong pamamalakad ng kumpanya at igiit ang kanilang panawagan para sa makatarungang […]

Bayad-utang, dumoble sa ilalim ng rehimeng Marcos
July 24, 2023

Katambal ng walang awat na pangungutang ang papalaking pondong ipambabayad para rito. Noong Mayo, umabot na sa ₱14.10 trilyon ang utang ng Pilipinas dulot ng kaliwa’t kanang pangungutang ni Ferdinand Marcos Jr, at ng nauna sa kanyang rehimen ni Rodrigo Duterte. Pinakamalamang na lalampas ito sa inaasahang ₱14.63 trilyong utang para sa buong 2023. Lalampas […]

NDF-Rizal, binatikos ang Wawa-Violago Dam sa harap ng pagguho sa Antipolo City
July 22, 2023

Nakiramay ang National Democratic Front (NDF)-Rizal sa pamilya ng nasawi at mga naapektuhan ng pagguho ng lupa noong Hulyo 16 sa Antipolo City. Kasabay nito, binatikos ng rebolusyonaryong alyansa ang nagpapatuloy na mapanirang proyektong Wawa-Violago Dam sa prubinsya, na anito’y makapagpapalala pa ng katulad na mga sakuna sa naturang mga barangay ng Antipolo City. Namatay […]

4,000 manggagawa ng dayuhang mga pabrika sa Cebu, sinisante
July 21, 2023

Mahigit 4,000 manggagawa ang nawalan ng trabaho sa isa na namang serye ng mga tanggalan sa Mactan Export Processing Zones (MEPZ) noong Hulyo 19. Bago nito, mahigit 8,000 na ang sinisante sa loob ng sona ng paggawa noong Setyembre 2022 at Setyembre 2020 sa pagdadahilang “nalulugi” ang mga kumpanya. Sa ulat ng Alyansa sa mga […]

Grupo ng mga estudyante, naghapag ng pusisyon laban sa pagtaas ng matrikula sa CHED
July 21, 2023

Nagsumite ng position paper sa Commission on Higher Education sa Quezon City ang mga estudyante mula sa iba’t ibang unibersidad sa Metro Manila upang tutulan ang dagdag sa matrikula at iba pang singilin ng mga pamantasan, kahapon, Hulyo 20. Nauna silang tumungo sa naturang ahensya noong Abril 30 at Hunyo 21 upang iprotesta ang nakaambang […]