Balita kahapon ang pagdating sa bansa ng 2 milyong dosis ng bakuna ng AstraZeneca mula sa Covax Faciltiy ng World Health Organization. Sa kabuuan, may 7.5 milyong dosis nang bakuna ang dumating sa bansa. Sapat ito para bakunahan ang 5.39% sa 77 milyon (o 70% ng populasyon) na kailangang maabot para makamit ang tinatawag na […]
Umatras si Rodrigo Duterte sa sarili nitong hamon ng pakikipagdebate sa dating mahistrado ng Korte Suprema na si Antonio Carpio kaugnay sa kanyang paninindigan sa West Philppine Sea. Sa pahayag ng Malacanang kahapon, ang tagapagsalita ng pangulo na si Harry Roque na lamang daw ang haharap kay Carpio. Bunga nito, lumaganap ang hashtag na #DuterteDuwag […]
Balita nitong linggo na kumita ang Petron Corporation ng P1.74 bilyon sa unang tatlong buwan ng taon dulot ng tuluy-tuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo. Bumagsak ang kita ng Petron sa unang hati ng 2020 dulot ng mga restriksyon sa transportasyon pero mabilis itong nakabawi sa huling kwarto ng taon. Mula Enero, […]
Araw-araw na mga protesta ang inilulunsad ng mamamayan ng Colombia mula pa Abril 28 para ipahayag ang kanilang galit sa gubyerno at presidente nitong si Ivan Duque. Binalak ng gubyerno dito na magpataw ng value added tax o VAT sa maraming batayang produkto para makalikom diumano ng $6.7 bilyon na rebenyu para sa gubyerno sa […]
Pinatatampok ng tagibang na distribusyon ng bakuna laban sa Covid-19 ang malalawak na agwat sa pagitan ng imperyalista at kapitalistang bansa, at ng mga malakolonya at atrasadong bansa. Ayon sa World Health Organization noong Abril 9, 87% sa mahigit 700 milyong dosis na naipamigay na ay napunta sa 10 bansang kapitalista habang nag-aaagawan ang atrasadong […]
Balita kahapon ang inilabas na memorandum ng Philippine National Police-Region 10 na nag-uutos sa mga presinto na magtayo ng kanilang bersyon ng community pantry na tatawaging “Barangayanihan.” Ipinag-utos ng memo na “magtanim” ng mga benepisyaryo, at kunan sila ng litrato para ipalaganap sa social media, para diumano ipakita ang “pasasalamat” ng mga tao. Ito ay […]
Balita ngayon ang paglaganap ng mga panawagang #ResignModi, #SuperSpreaderModi, at #WhoFailedIndia sa social media para igiit ang pagbibitiw ni Prime Minister Narendra Modi dulot ng kanyang palpak na pagtugon nito sa pandemyang Covid-19 na nagresulta sa napakabilis na pagkalat ng bayrus sa India sa nakalipas na mga linggo. Sa ngayon, pumapalo na sa halos 18 […]
Nakatakdang tumaas pa ang mga presyo ng pagkain sa susunod na mga buwan dulot ng tuluy-tuloy na pagtaas ang presyo ng mga batayang produktong pagkain sa pandaigdigang pamilihan. Ayon sa Bloomberg Agriculture Spot Index, tumataas ang mga presyo ng trigo, mais at soybeans sa pandaigdigang pamilihan sa pinakamataas na antas nito mula 2013 kahapon, Abril […]
Balita kahapon ang pagbabawal ng National Security Council sa dalawang tagapagsalita ng NTF-ELCAC na magkomento matapos umani ng kaliwa’t kanang batikos ang kanilang pangrere-redtag sa organisador ng community pantry na si Anna Patricia Non sa Maginhawa St. sa Quezon City. Pinatahimik ni Hermogenes Esperon, hepe ng NSC, sina Gen. Antonio Parlade at Usec. Lorraine Badoy […]
Balita sa isang lokal na pahayagan noong Abril 22 ang mariing pagkundena ng mga residente at simbahan sa walang pakundangang pagkasira ng mga bakawan at kagubatan sa Surigao del Sur. Tatlumpung ektarya ng mangrove forest (bakawan) ang nasira sa konstruksyon ng 2.79-kilometrong daan na sinimulan noong 2018 at nakatakdang matatapos sa katapusan ng 2022. Libu-libong […]